Part 18

8.2K 175 1
                                    

"TAMA KA." Gianna said while pulling herself together. "Wala pa nga akong muwang noong iwanan nila ako pero malaki pa rin ang nawala sa 'kin, Caleb. Kalahati ng buhay ko ang nawala nang basta na lang akong iwanan sa orphanage. I lost my real identity, my roots and my parents without even knowing anything about them."

Napatingala siya sandali para kontrolin ang mga luhang nagbabantang pumatak mula sa kanyang mga mata bago niya nagawang humarap sa tila nagulat na anyo ni Caleb. "And just four years ago, nawala rin sa 'kin ang Mother Annita ko na nag-alaga sa 'kin buong buhay ko. You see, I don't have a past, Caleb. I only have a present..." She smiled bitterly. "And I'm not even proud of it because of everything I'm going through right now, thanks to you."

Sa ilang sandali ay tila nakita niya ang pagdaan ng guilt sa mga berdeng mata ni Caleb na agad niya ring pinagdudahan. "Ngayon mo sabihin sa 'kin na hindi ko alam kung paano ang mawalan." For a moment, he looked like he was about to say something but decided against it at the last minute. Napailing siya bago ito tinalikuran. Mabigat ang mga paang dumeretso siya sa front door. Nang buksan niya iyon ay sumalubong sa kanya ang puting-puting buhangin at ang para bang nag-aanyayang dagat.

Nagsisikip ang dibdib na ngumiti siya nang hindi kalayuan sa kanya ay may matanaw siyang mga lalaking nag-iikot sa paligid, nakasuot ng itim na damit ang mga ito at sa likod ay may nakalagay na security. Malapit rin sa mataas na gate ay nakita niya ang maliit na sementadong bahay na marahil ay tinutuluyan ng mga ito.

She sighed. Matagal niya nang gusto ang magbakasyon sa ganoon kagandang lugar kaya lang ay hindi na siya nagkaroon ng oras dahil sa trabaho. Pero ngayon namang naroon na siya, hindi niya man lang makuhang ma-appreciate ang lugar.

"Bakit ba ang hirap-hirap maging masaya, Lord?" Wala sa loob na naibulong niya.

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon