Part 7

9.7K 203 1
                                        

ILANG SEGUNDONG tila natulos sa kinatatayuan si Gianna bago siya nakahuma at nakialam sa dalawang lalaking kasalukuyang abala sa pakikipagpambuno sa isa't isa.

Nang akmang muling aangat ang kamao ni Alaric ay napasigaw na siya. "Ric, tama na, please!" Nabitin sa ere ang kamao nito. "Come on, you're not like that."

Alanganin siyang lumapit sa kanyang fiancé at ibinaba ang kamay nito. Sa loob nang ilang taong nakasama niya si Alaric, ni minsan ay hindi niya ito nakitang nagalit. He had always been gentle and kind. And that was exactly what she liked most about him.

Tuluyan nang binitiwan ng isang kamay ni Alaric ang jacket ng kakambal nito na para bang reflection lang nito kung haharap sa salamin. Maliban na lang sa maliwanag na pagkakaiba ng preference ng mga ito sa pananamit. Alaric was wearing the same navy blue long sleeved shirt that she gave him last Christmas which he paired with black slacks and his favorite leather shoes. Bukod sa luntiang mga mata ng magkapatid, matalim ang kay Caleb habang nag-aalala naman ang kay Alaric, ay wala na halos ipinagkaiba ang dalawa. Maski ang morenong kulay, taas at tikas ay magkaparehong-magkapareho ang mga ito.

Marahas na pinahid ni Caleb ang tumulong dugo mula sa mga labi nito bago ito tumuwid ng tayo. Muli niyang naramdaman ang tensiyon sa katawan ni Alaric nang kumuyom ang mga kamay nito.

"Don't look at me like that, brother. Your fiancée and I just kissed." Akmang muli itong susugurin ni Alaric nang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. "Oops, kalma lang. It was just a friendly kiss on the lips... right, Snow White?"

Napahugot si Gianna nang malalim na hininga. Kahit damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi ay pilit na inignora niya ang lalaki. Sa halip ay tumuon ang kanyang mga mata sa katabi.

"Hindi mo nabanggit sa 'kin na may kapatid ka, Ric." Nagtitimping sinabi niya. "At kakambal pa nga kung tutuusin."

"Talaga, Ric? Idini-deny mo na 'ko ngayon? Ouch. That hurts, you know."

"Will you please turn off that jerk mode of yours for a while and leave us alone?" Hindi na nakapagpigil na pambabara niya kay Caleb. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap na nahalikan siya nito at nagpahalik siya rito kahit pa sabihing halos nakabawi na rin siya sa panununtok rito ng kanyang fiancé. Ngayon ay napagtagni-tagni niya na ang mga sinabi noon sa kanya ni Alaric.

Si Caleb marahil ang sinasabi nitong natitirang kapamilya na may galit rito at hindi niya maintindihan ang bagay na iyon. Dahil kung tutuosin ang dapat pa nga ay si Alaric ang magalit rito and not the other way around considering his nasty attitude. It was her first time to ever see Caleb but she knew she could not simply trust him. Everything about the man radiated danger.

Nagtaas ng mga kamay ito bago ngumisi. "Sige na nga, mananahimik na muna ako." Akmang tatalikod na ito nang tila may makalimutan dahil muli itong bumaling sa kapatid. "'Wag kang mag-alala, Ric, matalino si Snow White. She knew how to differentiate a great kiss from a lousy one. And when I say lousy, I'm referring to..." Nagkibit-balikat ito. "I don't know... You?"

Alaric's jaw clenched. "Save it, Caleb. If you want to fight, today is not the right time for that."

"Sure. Mamaya na lang ulit, okay?" Muling ngumisi si Caleb bago tumingin sa kanya. "Bye for now, Snow White." Kinindatan pa siya nito bago tumalikod at umakyat sa hagdan.

Nahahapong napaupo siya sa sofa nang tuluyang mawala ang lalaki sa kanyang paningin.

Trapped in a Vengeful HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon