SUMILAY ang matamis na ngiti sa mga labi ni Gianna habang pinagmamasdan ang sarili suot ang damit pangkasal. Dapat sana ay kasama niya si Alaric sa final wedding gown fitting niya pero tumanggi ito. Gusto daw nitong gulatin na lang ang sarili kapag nagkita na sila sa simbahan.
Hinatid lang siya ni Alaric sa boutique ng bestfriend niyang si Sierra na kagaya niyang lumaki sa orphanage at siyang personal pang nag-design ng wedding gown niya at pinangakuang susunduin na lang nito pagkalipas ng dalawang oras. Nitong nakalipas na ilang araw ay mistulang bantay niya ang binata dahil palagi itong nasa tabi niya. He calls her every now and then and checks on her in her apartment every day. She would often ask why but he would just shrug his shoulders and simply say he misses her. Her smile grew wider upon the thought.
Nang marinig niyang bumukas ang pinto ay na-excite siya. Iniwan kasi siya pansamantala ng kaibigan para bumili ng lunch nila sa labas. Mabilis na hinawi niya ang kurtina.
"Sierra, ano sa tingin mo?" tanong niya pagkatapos ay humarap sa kaibigan para lang mabigla sa nabungaran.
Standing in front of her was no other than the man Alaric told her to stay away from: Caleb Montero in his fitted carnation shirt, tight jeans, and dark glasses. She never thought that a lady's favorite color would actually look good in a man.
Nakokonsensyang naipilig niya ang ulo sa naisip. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Caleb. "And good afternoon to you, too, Snow White." Hinubad nito ang suot na sunglasses at pinaglakbay ang mga mata sa kabuuan niya. "And as for your question before your pretty little eyes assessed me, I think you look... beautiful, very beautiful."
Ramdam niya ang pamumula ng mga pisngi niya sa tahasang sinabi nito. "I didn't assess-"
"Of course you did. But it's okay." nagkibit-balikat ito. "Pumunta lang naman ako rito para personal na mag-apologize sa ginawa ko noong nakaraang araw."
Natigilan si Gianna. Muli niyang pinagmasdan ang anyo ni Caleb. His lips were smiling but there was something about his eyes that made her doubt the sincerity in his apology.
"Basta iwasan mo muna si Caleb sa ngayon. He can be a real flirt and a jerk combined when he's up to something." Bigla niyang naalala ang sinabing iyon sa kanya ng kapatid nito. And she knew Alaric wouldn't dare say those words unless he meant it. And considering Caleb's sudden apology after deliberately pretending to be her fiancé meant that he could really be up to something.
Nilibot niya ang tingin sa boutique pero wala pa ring bakas roon ni Sierra. Bigla siyang kinabahan.
"Okay, you're forgiven." Sinabi niya sa panalanging titigilan na siya ni Caleb. "Now, excuse me but I have to change." Hindi pa man nakakasagot ang lalaki ay nagmamadaling tinalikuran niya na ito at akmang dederetso na sa opisina ng kaibigan nang pigilan siya nito sa braso.
"Since napatawad mo naman na ako, baka naman pwedeng humirit ako ng isa pang kasalanan sa 'yo? 'Tapos patawarin mo na lang ulit ako."
Napasinghap si Gianna. Bago pa siya makalayo kay Caleb ay mabilis na tinakpan na nito ng panyo ang kanyang ilong. Nagawa niya pang sambitin ang pangalan ni Alaric bago siya tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Trapped in a Vengeful Heart
Romance(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay din...
