Part 8

9K 182 2
                                    

"I... I DON'T KNOW how to start." Pagbasag ni Alaric sa katahimikan sa pagitan nila.

Bumuntong-hininga si Gianna. "You can start by saying you're sorry."

"I'm sorry." Humarap siya sa binata nang maramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya sa sofa. Ikinulong nito ang mga pisngi niya sa mainit na mga palad nito. "Okay ka lang ba?"

Napailing siya. "Paano ako magiging okay? He kissed me. And I let him be thinking it was you."

Hindi niya inaasahan nang dumukot si Alaric ng panyo mula sa bulsa ng slacks nito at masuyong pinunasan ang kanyang mga labi. Nang hindi makuntento ay magaan na hinagkan siya nito sa kanyang mga labi. "Okay na ba?"

Frustrated na humiwalay siya rito. "You don't get it. Next week na ang kasal natin pero ang dami ko pa rin palang hindi alam tungkol sa 'yo. Ano, wala na bang ibang darating na kamukha mo ulit? Baka naman triplets kayo, sabihin mo na ngayon para hindi na 'ko magulat."

"Wala na. Dalawa lang talaga kami." Bahagya nang nakangiting sinabi ni Alaric bago siya muling hinagkan sa kanyang mga labi. "Look, I can't explain everything right now until I get to talk to Caleb. Pero ipinapangako kong sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kapag kasal na tayo."

Walang nagawang tumango na lang si Gianna. Sa dalawang taon na pinagsamahan nila, alam niyang walang gagawin ang binata na ikasasama ng loob niya. At panghahawakan niya iyon.

"I love you." Malambing na sinabi nito.

"I love you, too."

Masuyong idinikit ni Alaric ang noo nito sa noo niya. "Magiging maayos rin ang lahat, I promise you that. Basta iwasan mo muna si Caleb sa ngayon. He could be a real flirt and a jerk combined when he's up to something."

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon