CALEB fondly smiled upon the thought. Nang hindi pa rin bumaba si Gianna, sinadya niya na ito sa kwarto nito. Sunud-sunod na kumatok siya. Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa ang namumutlang anyo ng dalaga. Ayaw man niya ay tinablan pa rin siya ng pag-aalala, responsibilidad niya pa rin ito dahil sa kanya ito nakatira.
Mabilis na lumapit siya kay Gianna at kinapa ang noo nito. Hindi naman ito mainit. "Ano'ng problema?"
"Wala." Matamlay na sagot nito bago nanghihinang bumalik sa pagkakahiga sa kama. Nagtatakang napasunod siya rito. "Ganito lang talaga ako 'pag meron ako."
Kumunot ang noo niya. "Bakit, ano bang meron sa 'yo?"
Namula ang mga pisngi ni Gianna. Iniba nito ang puwesto ng higa nito, patalikod sa kanya. "Basta. 'Wag ka nang magtanong."
Nauubusan na ng pasensiyang napabuga si Caleb ng hangin. He was never a patient man. "Fine. Either you tell me what's going on or I won't leave this room. It's up to you."
"Nakakainis ka na." nanggigigil na bumangon ito at humarap sa kanya. "May menstruation ako. There, 'happy now?"
Napanganga siya.
BINABASA MO ANG
Trapped in a Vengeful Heart
Romance(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay din...