Part 23

8.2K 166 1
                                    

"TITO Ric, bakit hindi mo pa rin kasama si tita Gianna?" Saka lang nabalik sa kasalukuyan ang isip ni Alaric nang marinig ang inosenteng ptanong na iyon sa kanya ng pitong taon na si Gabriel, ang pinakapaborito ni Gianna sa lahat ng mga batang tinutulungan nito roon.

Malungkot siyang napangiti bago kinarga ang bata. "Because Gianna and I are going through the greatest challenge in our relationship, Gabby. Pero babalik rin siya kapag nalagpasan niya ang pagsubok na 'yon."

Nagsalubong ang mga maninipis na kilay nito. "Ano pong ibig n'yong sabihin, tito Ric?"

"Wala naman." Nagkibit-balikat si Alaric kasabay nang muling pagsisikip ng dibdib niya. "It's just that I'm sure I can survive the challenge... hopefully, she does, too."



NANIBAGO SI GIANNA nang hindi makita ang pamilyar na ngiti sa mga labi ni Manang Rosing nang madatnan niya ito sa kusina isang gabi. Sa halip ay tila matamlay pa ang matanda habang inilalabas isa-isa ang mga sangkap para sa lulutuin nito.

Sa loob ng mahigit isang linggong pananatili niya sa mansiyon, hindi na siya sanay na hindi nakikita ang masayahing ngiti ng ginang na madalas ay nagpapaalala sa kanya sa namayapang nanay-nanayan niya. Kapag nakikita niya si Manang Rosing, kahit paano ay naiibsan ang kalungkutang nadarama niya kaya naman ayaw niyang nagkakaganoon ito.

"Ano'ng problema, Manang? Bakit absent po yata ang ngiti n'yo ngayon?"

Nagulat siya nang sa halip na sumagot ay lumapit ito sa kanya at maluha-luhang niyakap siya. Tinapik-tapik niya ang likod nito. "You can always tell me about it, Manang."

"P-pinabasa sa 'kin ni Sir Caleb ang text message ng asawa ko kani-kanina l-lang." Napipilan siya. Alam niya kasing dahil sa kanya kaya nakumpiska ang cell phone nito pero hindi man lang siya nakatikim ng paninisi rito. "N-nasa ospital daw ngayon ang anak kong si Martha. Agaw-buhay sa panganganak. Sinubukan kong magpaalam kay Sir pero hindi niya ako pinayagan. M-magpapadala na lang daw siya ng pera sa pamilya ko."

Bumuntong-hininga si Gianna pagkatapos ay inilayo ang sarili sa ginang at pinunasan ang mga luha nito. "Go to your daughter, Manang. Ako nang bahalang magpaliwanag sa Boss n'yo. Tutulungan ko kayong makadiskarte sa mga gwardya sa labas."

Dumaan ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Manang Rosing at naiintindihan niya iyon. Dahil dadaigin pa ng amo nito ang panahon sa pagiging unpredictable. Ilang araw na ang lumipas mula nang humingi si Caleb ng tawad sa kanya. Wala naman siyang masasabing nagbago rito pero bahagyang naging mahinahon ito, dahilan para kahit paano ay makasilip siya ng konting pag-asa na posible pa itong magbago. Because she knew how hard it was for him to lower down his pride and admit he was wrong yet, he did.

Caleb was on a jerk mode most of the times. Naiinis pa rin siya sa mga hindi niya mapaniwalaang pilosopiya nito sa buhay, nasasaktan pa rin siya sa tuwing iniinsulto nito ang relasyon niya sa kapatid nito at hindi niya pa rin masakyan ang pabago-bagong ugali nito pero sinisikap niya na itong intindihin ngayon lalo na kapag naaalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Manang Rosing noong ikatlong gabi niya sa teritoryo ni Caleb at nadatnan siya ng ginang na nag-iisa sa veranda.

"Barumbado si Sir, ineng. Galit sa mundo, matigas ang ulo, nakakairita at madalas, wala talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao." Bahagyang napangiti si Gianna nang maalala ang magkaka-ryhme pang sinabi nito. "Pero sino ba naman tayo para manghusga kung bakit nagkakaganyan siya? Wala naman sa 'tin ang nakakaalam kung ano ang pinagdaraanan niya."

Nang gabing iyon, pakiramdam ni Gianna ay dinali siya ng konsensiya niya dahil hindi niya man lang sinubukang intindihin ang pinanggagalingan ni Caleb. She just focused on her anger when her dream wedding didn't happen, completely disregarding the man's feelings and his reasons for avenging. She still couldn't understand him-and she wouldn't-unless he confessed but who was she to judge when she was abandoned by her own parents? Pero tinanggap siya ni Alaric nang buong-buo, bakit hindi niya iyon subukang gawin sa kapatid nito kahit gaano kaimposible pa iyong maituturing?

Pero sa sulok na bahagi ng puso niya, nagsisimula na siyang magduda kung bakit walang nabanggit ang kanyang fiancé noon. Ano'ng nangyari, Ric? Why does your brother hate you so much?

"Paano ako makakaalis?" mayamaya ay nag-aalalang tanong ni Manang Rosing.

She smiled reassuringly. "Ako na po ang bahala."

"Paano ang mga kakainin n'yo habang wala ako?"

Sumemplang ang pag-ngiti niya. "Diyos na ho ang bahala."

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon