Prologue:
Hindi ko alam ang nangyayari. Puro flash lang ng camera ang nakikita ko. Ganito palagi ang nararanasan ko. Sino ba naman kasi ang tange na nag-aaral pa ay nagtatrabaho na? Pero dumating na eh. Ginusto ko ito. Masaya rin naman ako sa ginagawa ko at kasama ko siya sa trabahong ito. In just one year, sumikat na kami kaagad. Sumikat kami in a landslide. Sobrang bilis. Paano ba nangyari iyon?
Sabi ng karamihan, malakas daw ang chemistry namin doon sa mga magazine, billboard at advertisement na nilalabasan namin. Totoo kaya? Kung ganun nga, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo.
That engagement is also a factor of our fame.
I failed to introduce myself.
Chace Andrei De Verra. 20 yrs. old. Second year architecture student at the famous Eclair University of Arts and Technology. Kasalukuyang nakakaranas ng kasikatan at pagkawala ng privacy. Parang kahit saan ako magpunta ay may nakasunod na camera sa akin. Hindi naman ako artista para sundan-sundan pero sadyang marami lang talang baliw na tiga-media. Tingin nila sa akin artista. Wala naman sa pangarap ko iyon. Hindi ko lang talaga alam kung bakit pinasok ko ang pag-momodel.
It all started sa isang magazine na featured ang mga designs ni Tita Nancy at kaming dalawa ni Nathalie ang kinuha niyang model. Nakatawag ng pansin ang magazine na iyon at doon nagsimula ang mas magulong buhay ko pero sabi ko nga, ginusto ko ito. Panindigan nalang.
Interesado ba kayo sa magulong buhay ko? Kung hindi, ayos lang pero iyon ang mababasa niyo sa susunod.
BINABASA MO ANG
Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To Me
Teen Fiction(COMPLETED) Hindi sira ang engagement. Mahal ni Chace si Nathalie pero mahal pa rin ba siya ni Nathalie? What about the love story of Venedict and Nathalie? Does it still exist or is it totally extinct? Continuation of Always Have, Always Will story...