"Ate bilisan mo naman! Male-late na 'ko eh!""Hala wait lang! Ang iksi ng shorts ko! Mabilis lang to. Magsusuot lang ako ng jogging pants!"
Ni hindi ko na hinintay sumagot ang aking kapatid at mabilis na nanakbo na patungo sa'king silid. Sasabay kasi ako sa kanya patungo sa bayan para mamalengke. Papasok na ito sa escuelahan at ako naman ay walang klase ngayong araw.
Malapit na ring matapos ang semester kung saan nasa unang taon na ito sa kolehiyo habang nasa ikalawang taon naman ako.
"Bilisan mo naman ate, wala naman ng mababago sa itsura mo! Kung sanang naliligo ka eh no, baka sakali?" narinig kong pagsigaw nito mula sa labas. Tumawa na lamang ako at hindi na kumibo.
Bakit ako maliligo e papawisan lang naman ako sa palengke? Ang langsa rin ng magiging amoy ko mamaya at siguradong mangangamoy ako dahil mainit roon. Sayang lang ang pagligo, mahal ang tubig. Natutunan ko iyan noong hayskul, conserve water sabi lagi ni ma'am. Sayang pa ang bayad kung madodoble ang ipang liligo ko.
Nang makapagpalit ng salawal ay dinampot ko lamang ang isang ipit sa taas ng aking drawer at tuluyan ng lumabas ng silid.
Nang mabaling sa akin ang kanyang atensyon ay agad na nagsalubong ang kanyang kilay bago namaywang.
"Ano ba 'yan, ate? Nagpolbo ka man lang sana. Alam mo bang mukha kang fishcracker sa umaga?" dire-diretso nitong patutsada.
Natawa lamang ako ng malakas bago nagsimulang itali ang mahaba kong buhok.
"Uy fishcracker, ibig sabihin masarap ako! Hindi naman yan bagom maganda talaga ate mo. Sana nga ay mabawasan naman mabawasan ang may crush sakin sa susunod na taon,"
"Sabi sa'yo ate, maghihilamos ka sa umaga para nagigising ka sa panaginip mo. Sepilyo ka na din, pasmado na yang bibig mo," Napaismid naman ito at nauna nang maglakad habang nagsusuot ako ng tsinelas. Simpleng itim na t-shirt, jogging pants at itim na tsinelas lamang ang aking suot. Hindi naman ako palabihis masyado lalo pa nga'tnmas komportableng mamalengke ng ganito ang itsura.
"Magpalit ka na rin ng mga kaibigan, ate. Bantot ng mga turo sayo ni Nicanor at Domingo,"
Napahagikgik ako bago ikinawit ang aking kamay sa kanyang braso. Nilingon ako nito saglit bago napailing.
Gwapong gwapo talaga ang aking kapatid. Siyempre wala naman sa pamilya namin ang pangit. Maputi rin ito at kahit na matangkad na ako ay para na halos itong kapre dahil mas matangkad pa sa akin. Habulin din ng mga bakla dahil sa sobrang kapogian, kaya naman maging ang mga kaibigan ako ay panay ang suyod rito lagi ng tingin.
Si Demi at Nica ay mga kaklase ko at naging kaibigan ko nitong nagkolehiyo na. Nakakaaliw nga at naka-close ko sila. Hindi ako naiinip dahil sa mga kalokohan nila.
"Nica at Demi ang pangalan nila. Iki-kiss ka ng dalawang iyon kapag narinig ka, bahala ka!" banta ko sa kanya. Mas lalo akong natawa sa kanyang naging reaksyon. Nanlaki kasi kaagad ang mga mata nito at tila pa kinilabutan. Naalala ko pa kung paano mabilis manakbo ang aking kapatid sa tuwing lulundagin na siya ng dalawa. Minsan na itong pinagawayan nina Demi at Nica, kung kanino daw ang itaas at ang ibaba. Balak pa yatang gawing manananggal ang kapatid ko.
"Kaya ka lumaking hindi normal, ate eh. Mga tropa mo walang magandang dulot. E nakita ko si Nicano-" napaubo ito saglit bago itinuloy ang sinasabi, "-Kanor sa bayan noong nakaraan, tinetesting lahat ng makeup sa tindahan tapos hindi naman yata bibili. Pumaraan lang yata para makalibre ng ayos. Isang araw mababagansya na iyon kasama ng isa mo pang tropa,"
YOU ARE READING
JULIO (P.S#5)
Romance"You're too innocent, too pure for me...masasaktan lang kita..."