9

1.2K 70 28
                                    

"Ate, nakakairita na yang pisngi mo. Parang pinahiran ng watercolor, ano ba yan?"

Inirapan ko muna si Killua bago itinuloy ang ginagawa. Naisipan ko kasing mag makeup at itong Tiktokerist kong kapatid ay wala na yatang ginawa kung hindi maglabas masok sa'king silid.


Ala siyete na ng gabi pero tinatamad kasi akong maglaro.

"Huwag mong intindihin yang si Papa Lua. Ako na ang bahala dyan. Papa Lua, tawagan kita mamaya. Miss na miss na kita!" narinig ko pa ang malakas na tunog ng kunwaring halik nito kaya naman mabilis na nakalingon si Killua sa aking gawi.

Humiga na kasi ito sa'king kama at mukhang may plano sanang maglaro. Napalingon ito sa direksyon ng aking teleponong nakasandal sa malaking salamin.

Nagbi-video call kasi kami ng mga bakla.

"Hoy Demirocha, shutaness kang bakla ka! Isa kang taksil! Tumigil ka sa mga hanash mo dyan. Nauna ako sa kapatid ng Merlat. Pinaghahandaan ko na ang future namin, excuse me!"

"Sige, daan ka lang gaga. Kala mo ang ganda mong bakla. Sisirain mo pa ang buhay ng Papa Lua ko. Maboogie talaga kita, ghorl!"


Pinigilan kong matawa sa dalawa habang pilit kong inaayos ang paglalagay ng lipstick sa aking labi.

"Ewan ko- ay merlat ka! Ang shongit ng shade na napili mo! Ano ba yan!"

Pinagtawanan ko lamang ang mga ito at sinipat sipat ang aking itsura sa salamin. Parang mukha yata akong clown eh hindi naman sana ganito ang iniisip kong magiging resulta.

"Ayoko na rito sa kwarto mo ate. Daming masamang espiritu na nagkalat," tumayo na si Killua sa aking kama bago muling sumulyap sa aking gawi.

"Ate please lang, huwag kang papauto dyan sa dalawang yan. Hoy Nicanor at Domingo! Huwag niyo ngang dinidemonyo ang kapatid ko!"

"Ay, bakla ka! Ang pasmado talaga ng bibig mo!"

Umulan ng protesta mula sa dalawa habang si Killua naman ay nakangisi na ng makaalis.

Ayaw na ayaw kasi ng mga ito na tinatawag sa tunay na pangalan. Sa escuelahan nga noon ay hindi nasigaw ng present ang dalawa miski pa magpagulong gulong sila nina Ma'am Berna sa pagsasagutan.

Hindi rin naman nagtagal ay pinatay ko na rin ang tawag. Napabuntong hininga na lamang ako ng makita ang aking kabuuan.

Mukha talaga akong tanga sa itsura ko. Pero ayos lang naman. Wala talaga akong magawa at sobrang inip na inip na ako.


Malapit nang magsimula ang klase at bihira ko ring makita si Baby Julio. Napakarami yata nitong inaasikaso palagi kaya naman hindi na ako nabibigyan ng atensyon.

Kung nandito naman siya ay madalas ang tiya ang kinakausap nito. Hindi tuloy ako makadiskarte dahil baka magulat ang tiya kapag bigla na lang akong sumigaw ng baby Julio sa loob ng Rkive.

Ganito pala ang pakiram ng may nami-miss. Parang may lumalangoy na bulate sa aking dibdib na hindi ako mapakali.

Mabuti na lamang at ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito dahil hindi pala maganda sa pakiramdam.

Humanda talaga sakin iyang si baby Julio kapag nasolo ko siya.

Kanina ay tinuruan ako ng mga galawan nila Demi at Nica. Sabi nila ay kapag nandito daw si Julio, subukan ko daw magpabebe. Madali daw naaakit ang mga lalaki sa pa-cute na babae. Kaya lamang ay parang hindi ko kayang gayahin iyong mga sample ng dalawa dahil para naman silang natatae na hindi ko maintindihan.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now