18

1.3K 67 49
                                    

"Ki-niss niya ako, oh my god! Hinalikan niya ko, mainggit kayo! Mainggit kayo!" malakas kong tawa, ang aking mga kamay ay hindi ko na maialis sa aking mga mukha. Nakaupo ako sa common room at hindi na mapigilan ang mapasayaw sayaw sa sobrang kilig.

Sa totoo lamang ay ang lakas pa rin ng bayo sa aking dibdib at wala ng mapaglagyan ang mga bulate kong naging milyones na yata sa loob ng aking tiyan pero hindi ko na talaga mapigilan.


Hinalikan ako ni baby Julio!


Kauuwi lamang ni Julio at hindi ko magawang pumasok sa aking silid dahil parang gusto ko na lang na dito tumira sa common room. Gusto ko ang memories na mayroon ang lugar na to. Parang gusto ko na dito na lang ako matulog ngayong gabi para maganda rin ang gising ko. Kunin ko na lang kaya ang kumot at unan ko?

"Sinong humalik sayo?"

"Ay butiki!" malakas kong tili. Napatayo ako bigla sa couch at muntik ng napaupo sa sahig, sapo na ang nawawala ko na yatang dibdib bago sinamaan ng tingin ang kapatid kong bagong dating lamang.

"Ang tiya! Hinalikan ako ng tiya! Mainggit ka!" malakas kong sigaw. Hindi ko man maamin pero kinabahan din ako. Baka kasi mapingot ako ni Killua kapag nalaman niyang nakipaghalikan ako eh.

"Sakit sa tengga ah. Layo ko ba, ate?" naglakad ito palapit at kunot noong tinignan ako.


"Nanggugulat ka kasi" pagdadahilan ko. Muli na naman akong umupo at nag iwas na ng tingin. Itinaas ko pa ang aking paa sa couch. Wala na talagang mapaglagyan ang kilig ko. Iyong puso ko feeling ko naging apat kasi ang lakas talaga ng tibok.

"Nagtatanong lang ako. At bakit naman ako maiinggit sa paghalik sayo ng tiya? Ano ako, bata?" ismid nito bago dumiretsong muli sa kanyang silid.

Mabuti nga at nang hindi mahawahan ng masamang elemento 'tong common room dahil sa presensya niya. May memories na kami dito ni baby Julio. May germs na namin to eh.

Kanina matapos niya akong halikan, hindi ko alam kung anong kabaliwan ang pumasok sa utak ko at talagang kumapit pa ko sa kanya.

Eh kasi bakit ang tamis? Ganoon ba talaga kapag nakikipaghalikan? Ang tamis tamis at sobrang nakaka-adik. Parang gusto ko tuloy makipaghalikan na lang ako palagi kay baby Julio.

Sabihin ko nga sa kanya iyon kapag nagkita kami ulit.

Nang tuluyang maghiwalay ang aming mga labi, kinabig niya lang ako papalapit sa kanya at kinulong sa kanyang mga bisig.

Hindi ako nagtanong. Kasi lutang na lutang pa din ako sa sobrang emosyon na dala ng nangyari.

Paano ba dapat umakto pagkatapos makipaghalikan?

Tapos ay bumaba lang kami sa cafe at doon kumain. Umalis din naman siya agad dahil may importanti daw siyang gagawin.

Hinalikan niya ako ulit bago siya umalis kaya ikot na naman mga bulate ko sa tiyan.

Sobrang lutang na ang aking isipan sa sobrang kasiyahang nararamdaman kaya naman halos malaglag na naman ako sa couch ng biglang tumunog ang telepono sa bandang gilid ko.

Sapo ang aking dibdib ay napamaang ako sa direksyon niyon.


Nawala na rin kasi sa isip ko na mayroon nga palang landline dito sa common room. Wala naman kasing gumagamit noon.

Nang tumunog itong muli ay napakislot ako.

Kagat ang pang ibabang labi, inangat ko iyon at itinapat sa aking tengga. First time kong sasagot sa ganitong telepono.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now