46

1.3K 72 6
                                    

“Ano na naman, Ara? Grabeng pang iistorbo na ginagawa niyo sa'king magnobyo. Dapat may talent fee na 'tong effort ko sa paggising ng maaga para dito ha,”

“Wala pa kaya akong sinasabi,” bulong ko. Umupo akong muli sa couch kung nasaan ako kanina bago ko siya sinundo sa baba. Tinext ko kasi siya paggising ko at niyayang tumambay.

Napanguso ako ng maisip ang sinabi ni Ahyessa. Alam ko naman na nagbibiro lang siya kaya lamang ay parang bumigat na naman ang aking pakiramdam. Nahuhulaan niya kasi kaagad kapag may problema ako.

Umupo siya sa couch at ibinaling na namang muli sa'king gawi ang tingin.

“Hindi ka nga nagsasabi ng problema pero ang daling mahulaan kapag malungkot ka. Kailan mo lang ba ako niyayayang tumambay, kapag gusto mong uminom, 'di ba?”

“Eh, gusto mo rin naman talagang uminom kaya,”

Pinaningkitan ako nito ng mga mata, “Nasa mukha ko ba talaga ang umiinom ng alas otso ng umaga? Aba sis, sandali. Namimili naman po akong oras,”

Natawa ako ng bahagya dahil sapo sapo na ng kanyang mga kamay ang dibdib ag umaakto na tila na offend sa'king tinuran.

“Gaga ka, kunwari lang akong lasingera pero yes, totoo naman. Pero sana naman huwag isinasampal sa face kong sobrang ganda, 'di ba,”

Itinaas nito ang mga paa sa couch at umupo ng mas komportable roon. Nakasuot naman siya ng itim na pantalon at puting blouse.

Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Sa tagal naming magkakaibigan, nahalata ko na rin na may mga bagay na itinatago si Ahyessa na pinipili niya talagang sarilinin. Iyong kunwaring pag inom inom niya, hindi naman talaga ganoon kagrabe. Minsan nga alam kong hindi naman talaga siya lasing o nakainom.

“Oh, bakit ka na naman malungkot? Ano na naman ang ginawa ni Julio? At huwag na huwag kang magsasabi na gusto mo lang talagang tumambay kaya mo ko hinahanap, tutuktukan kita,” iniumang pa nito ang kamao sa'king gawi na para talagang gusto akong abutin.

Napahawak ako sa'kung didbdib. “Bakit may pagbabanta naman? Hindi ba pwedeng gusto ko lang talagang tumambay?”

Kinabahan ako bigla. Ganoon ba ako ka-transparent para mahalata ni Ahyessa kapag malungkot ako? Palagi naman akong nakangiti ah. Hindi ba pwedeng gusto ko lang talaga siyang makasama?

“Kwento mo 'yan sa pagong, Ara. Ano nga?” naramdaman ko na ang pagbabago sa tono kanyang tinig.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at nag iwas ng tingin.

Hindi naman kasi kami nag away ni baby Julio. Ako lang iyong ganito ang nararamdaman e.

“Wala nga. Hindi kami nag away ni baby Julio no,” pagdadahilan ko. Tumayo akong muli at dumiretso na sa gawi ng ref para kumuha ng maiinom naming dalawa. Juice lang dahil baka bungangaan na naman ako nito na pinagbibingangan ko siyang lasingera.

Kahit hindi ito nagsasalita ay nararamdaman ko amg pagsunod ng tingin nito sa'king gawi.

Nang makabalik ako ay pilit kong iniwasan ang kanyang mga tingin.

Bakit ba ako biglang kinakabahan?

“Hoy, buntis ka ba?” akusa nito na ikinalaki ng aking mga mata.

“Hoy, hindi! Paano ako mabubuntis eh hindi naman kami nag gaganoon ni baby Julio!”

Kaagad naman itong ngumisi at inabot ang juice na ipinatong ko sa lamesa sa harapan namin.

“So ano, dahil hindi pa rin kayo nagse-sex kaya ka malungkot? Tigang na tigang ka na ba?”

Hinampas ko ang kanyang kamay para patahimikin ito. Baka kasi magising si Killua. Nandito ngayon ang aking kapatid at bumisita kagabi.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now