"Ano'ng ginawa mo bang bata ka? Bakit ka pinapatawag ni Julio?" nagtatakang tanong ng tiya. Mabilis siyang nakaakyat sa aking silid na inabutan ko na roon pagkatapos kong maligo.
Ang tagal kong naghilod dahil sa sobrang kaba. Sinunod ko talaga ang bilin ng mga bakla na maghilod ng tuhod at siko kasi baka totoo na maturn off sa akin si Julio. Idagdag mo ba iyong pumapasok palagi sa isipan ko iyong naging pagkagat ko sa kanya kanina.
Sa totoo lamang ay hindi ko maintindihan kung ano ba ang aking nararamdaman. Para kasing may kumikiliti sa loob ng aking tiyan. So ito ba iyong kinikilig?
Hindi naman talaga ako kinakabahan na kakausapin niya ako. Habang tumatagal kasi ay parang mas lalong cute sa paningin ko yung galit niya e. Ang cute kapag nakikita kong magkasalubong ang kanyang mga kilay. Parang ano, ang sarap plantsahin ng labi ko para hindi na siya magsalubong ganoon? Pero ang weird din naman, paano ko paplantsahin ng labi iyon?
Inabot ko ang suklay sa itaas ng lamesa at nagsimula nang mag ayos.
"Wala naman tiya. Baka natutuwa lang siya sa'kin," nakangiti kong turan. Napailing naman ito at nagsimulang ligpitin ang aking kama. Hindi ko na kasi naayos iyon lalo pa nga at nagmadali akong lumabas kanina.
"Mabait si Julio, Ara. Lahat sa pamilya nila ay mabait. Ang kanyang kapatid na si Juliene ay medyo pasaway ngunit may mabuti pa ring puso. Ngayon ay may pinagdaraan ang kanilang pamilya kaya sana naman ay huwag mong masyadong pasakitin ang ulo ng aking alaga,"
Napanguso ako sa sinabi ng tiya. Naalala ko bigla noong nakaraang araw. Tinatawag siya ni Julio na nanay.
Dapat tiya na ang maging tawag niya rito lalo pa nga at magiging future ko siya.
Sa naisip ay napalingon ako sa gawi ng tiya.
"Tiyang, may nobya na ho ba iyong si Julio?" painosente kong tanong. Tuloy lamang ito sa pagtitiklop ng kumot ngunit halata namang narinig niya ang aking naging tanong.
"Si Julio? Ang alam ko ay wala pa itong nobya ngunit alam ko rin na maraming babae ang nahuhumaling rito. Madalas rin kasing magreklamo ang kanyang kapatid sa pagiging pokpok umano ng kuya niya," natatawa nitong tugon. Napailing pa ito saglit at tila may naalala.
"Pero hindi nagdadala si Julio ng babae dito dahil na rin kay Gold. Protective kasi sila sa kanilang bunso,"
Gold? Bigla tuloy akong napaisip. Ang mahal pakingan ng pangalan. Hindi ko pa nga pala nakikita ni isa sa mga pinsan niya o miski ang kanyang kapatid. Dapat ay magpa-good shot ako sa mga ito dahil baka maging magkamag anak kami.
"So babaero po si Julio, tiya?"
Nakagat ko ang pang ibabang labi. Mabuti na lamang talaga at hindi mapagduda ang tiyang kaya hindi ito nagtataka sa mga nagiging tanong ko.
"Babaero. Madalas ngang may babae sa harap at hinahanap siya. Kaya lamang ay hindi pwedeng pumasok dahil strikto sa pamamalakad ang magpipinsan. Mahilig lumabas si Julio para makipag date. Mabait naman sanang bata pero hindi mapirmi sa iisang babae,"
Napatango tango ako. Playboy pa pala ang aking irog. Hindi bale, ako ang magpapabago sa baby ko na yan.
Napangiti ako sa naisip.
Bumaba na rin naman ang tiya at ako naman ay maayos na rin ang damit. Nagsuot na lamang ako ng fit na puting blouse at jogging pants. Hindi ko talaga kaya sa ngayon ang lumabas ng naka sando katulad ng bilin nila Demi.
Baka kasi mahusgahan ako sa labas o mabastos. Masyadong patpatin si Killua at alam kong hindi ako maipagtatangol noon kung makatagpo siya ng mas malaki sa kanya.
YOU ARE READING
JULIO (P.S#5)
Romance"You're too innocent, too pure for me...masasaktan lang kita..."