"Pasensya na iha, your father asked for a favor, na sana ay hindi niyo na malaman pa ang bagay na ito. Hindi namin akalain na sa ganitong pagkakataon niyo bigla malalaman ang lahat,"
Hindi ako nakakibo.
Nakatulala lamang ako habang pinoproseso ang lahat ng aking nalaman.
Blangko. Wala.
Gusto kong itapat ang aking kamay sa'king dibdib at pakiramdaman kung tumitibok pa ba ito dahil parang wala akong maramdaman.
Bigla akong bumalik sa panahon noong nawala si tatay. Kung paanong parang hindi ko matangap ang lahat. Kasi papaano ba? Papaano ko ba tatangapin ang katotohanang mayroon pa pala akong isang kapatid?
Ilang taon na...nagkaisip na kami ni Killua... Bakit ngayon lang namin malalaman ang lahat ng ito?
Hindi ko gustong magalit kay tatay dahil sa naging desisyon nila ni nanay. Wala naman na din kasing mababago. Wala na akong magagawa. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan.
Kahit ano pang panghihinayang ang gawin ko, wala pa ring mag iiba sa kasalukuyan.
Naiwan pa rin kaming dalawa ni Killua.
"Hihintayin ka namin sa labas, iha,"
Iyon lamang at naramdaman ko pa ang mainit na yakap ng ina ni Julio sa'kin.
Gusto ko mang matuwa dahil sa ipinapakitang kabaitan ng kanyang ina, nasa punto ako ng buhay ko na wala akong maisip kung hindi ang aking pamilya.
Pamilya ko muna. Ako muna. Sarili ko muna.
Okay lang naman siguro na sarili ko muna ang isipin ko ngayon, 'di ba? Bigla kasi akong napagod e. Parang nanghina na lang ako.
Nang maramdaman na tuluyan na akong napag isa ay saka ako huminga ng malalim at napaangat ang tingin sa kisame upang pigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.
Pumasok sa'king isipan ang mga pangyayari kanina sa ospital kung paanong nagulo ang aking mundo, at kung paanong ang katotohanang akala ko ay inasahan ko na ay may mas isasakit pa pala.
"Who told you that? Sino'ng may sabi sa'yo na ampon ka?" takang takang tanong ng kanilang ina. Maging ang papa nila Julio ay nabaling na sa kanila ng tuluyan ang atensyon.
"Totoo naman Mom! Huwag na kayong magkaila. I already saw the papers. You don't have to lie to me. I am old enough to handle the truth!"
"Juliene, hindi ka ampon. I saw Mom giving birth to you," si Julio.
Mas lalo lamang akong naguluhan at litong lito sa nangyayari. Ang tiya ay tahimik lamang sa gilid at hindi rin magawang magsalita.
Doon ay naguluhan si Juliene. Hindi nan magsisinungaling si Julio sa kanya.
"But..." nau-utal nitong turan at napalingon pa sa'king gawi.
Pakiramdam ko ay mahuhulog ang puso ko palabas sa'king dibdib sa sobrang gawa.
Bakit kasi ang gulo gulo?
"Baby, hindi ka ampon. Oh my God, bakit mo naisip yan?" naiiyak ng turan ng kanyang ina. "Sa akin ka lumabas anak. I carried you inside me for nine whole months. Patunay niyon ang markang naiwan sa'king katawan. You were delivered via cesarian. What the- ano'ng nangyayari?" naguguluhang tanong ng kanyang ina. Inabot nito si Juliene at niyakap.
Parang siksaksak ng paulit ulit ang aking dibdib sa tagpong nasa aking harapan.
"Ano itong kalokohang naiisip ng kapatid mo, Gabriel?" ang kanyang ama.
YOU ARE READING
JULIO (P.S#5)
Romance"You're too innocent, too pure for me...masasaktan lang kita..."