39

1.2K 71 26
                                    

"Bakit ka kasi nag bakya? Tsinelas sa banyo 'yan eh!" angal ni Killua. Halos maputulan na ito ng litid ng sinubukan nitong tumayong muli habang pasan sa kanyang likuran si Ahyessa. Di Ahyessa, may pagpadyak pa. Feeling ko nga natutuwa siya talagang magpabuhat eh.

"Tangina naman! Ikaw na kaya ang bumuhat sa'kin? Parang lamang ka naman sa'kin ng limang kilo eh. Suotin mo na lang 'tong tsinelas ko at ako na lang buhatin mo, please lang!"

Naitakip ko ang aking palad sa'king labi dahil sa pagpipigil ng aking tawa. Nakakatawa kasi talaga silang tignan.

“Parang may buhat na kabayo si Killua,”

“Eh kung tadyakan kita dyan sa likuran ko, Ara?”

“Joke lang naman,”

Wala kasing baong extra slippers itong si Ahyessa na heels pa pala ang dala tsaka iyong pares ng rubber shoes na suot niya noong bumyahe kami. Simula kahapon ay iyong bakya na sa banyo ang napagdiskitahan niya. Ang cute daw kasi at nag e-enjoy siyang gamitin. Kaya nga lamang ay tumungo kami ngayon sa bayan para mamili ng kung anu-anong kailangan namin. Hindi kasi sanay si Ahyessa ng walang tissue sa banyo. Tapos ayaw niya pa mg shampoo ng mga tiya dahil ang init daw sa anit.

Hindi ko nga alam kung ano pa ang kailangan niya e sa totoo lang naman akala ko mag a abroad siya dahil sa bigat ng maleta niyang dala.

Napatingin ako sa suot nitong bakya.

Nanakit na din kasi ang paa niya dahil puro batuhan ang kalsada. Mabuti na lang din naman at medyo mahangin. Hindi naman ganoong kalayo ang bayan ngunit hindi ko rin naman masisi si Ahyessa mung maiyak na ito sa sakit ng paa.

“Magaan lang ako, Killua ha!” protesta niya. Hinawakan ko pa ng bahagya ang kanyang t-shirt na umaangat dahil nakasampa siya sa likod ni Killua. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag mahabang salawal ngayon kung hindi ay baka kuyugin kami lalo ng mga kalalakihan.

Kanina pa nga may nagpapasakay saming sa motor pero ayaw pumayag ni Killua. Hindi naman daw kasi namin kilala ang mga iyon.

"Naiiyak ako, my God! Dapat pala ay sumama na lang ako kay Andeng sa New Jersey. Ang gaga na iyon, sa malamang ay nakikipaglamasan lamang kay Chase!"

“Ano ba, ate Ahyessa. Subukan mo naman maging pa-sweet kapag nagsasalita. Ang sakit sa ears, grabe---ah!ah! Aray naman! Ate oh!”

Pinalo ko ng mahina ang puwitan ni Ahyessa para awatin ito sa pagpingot sa'king kapatid.

“Paano bang sweet ang gusto mo, Kill? Tengene, eng enet nemen, ganyan ba? Kaloka! Ipis ba 'ko?”

“Parang bakulaw-aray!”

Natatawa na lamang ako hanggang sa makarating kami sa mismong bayan. Kahit naman nasa bukirin kami ay medyo maayos naman ang bayan. Maraming tindahan at may grocery.

Sa kabilang kalsada ay kitang kita ko ang malaking simbahan habang sa tabi naman niyon ay ang escuelahan.

Ibinaba kaagad ni Killua si Ahyessa at pumasok na kami sa grocery store. Pumila pa muna kami ni Ahyessa sa tapat ng Atm machine dahil kakaunti ang dala naming cash at hindi rin kami sigurado kung tumatanggap ba ng card ang mga tindahan rito.

Nang makapagwithdraw ay kumuha kaagad ng napakalaking cart si Ahyessa habang si Killua ay mabilis na lumayo sa'min na panay pa ang bulong.

Naglalakad kami sa gitna ng mga shelves habang nakahawak ang isa kong kamay sa bandang gilid ng cart.

Ano kaya ang bibilhin ko?

“Gab will kill me pagbalik noon galing America,”

Nilingon ko ito habang dumadampot ito ng isang botilya ng shampoo. Mabagal lamang ang aming paglalakad.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now