17

1.4K 81 40
                                    

"Ayaw ko na, please? Pagod na ko. Gusto ko na lang mag icecream, mag fishballs! O kaya kwek-kwek! Basta ayaw ko na!" Naiiyak kong turan. Gusto ko ng magpapadyak pero ng biglang magtama ang aming paningin, ay wala na akong nagawa kung hindi umayos muli ng upo. Inayos niya din ang kumot na nakapatong sa aking hita.

Naka-shorts lang kasi ako ngayon at malaking t-shirt. Wala na yata akong jogging pants. Hindi pa kami nakapaglaba ni Killua ngayong Linggo dahil nalululong na naman siya sa pagti-Tiktok.

Pagkatapos ng ilang linggong pagtuturo ni Julio sa'kin, dumating na rin ako sa punto na gusto ko ng magrebelde.

Minsan ay nagpapanggap akong tulog kapag naririnig ko siyang kumakatok pero kapag sinasabi niyang may dala siyang pagkain, nahihirapan na din akong tumanggi. Ayon tuloy, para akong palakang mabilis na nakakatalon sa kama palabas.

Nakakainis! Alam na alam na niya kung paano ako maakit!

Ganito na kasi ang naging gawain naming dalawa. Minsan sa isang Linggo ay tinuturuan niya ako ng masinsinan sa pag i-ingles. Bukod pa iyong mga araw na bigla na lamang siyang magtetext at magtatanong kung ano ba ang pinag aralan ko.

Ako naman, takot na takot na hindi magsabi kasi pakiramdam ko may mga mata siya sa paligid. Kabisado niya yata ang curriculum ng bawat klase ko eh.

"Ara, we literally just started two minutes ago,"

"Ha?" nanghihina kong sagot. "Two minutes pa lang iyon? Parang two months na 'kong naghihirap eh!"

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at pinigilan ng maiyak. Nakakaiyak kasi talaga. Hindi kasi nagta-Tagalog si Julio kapag tinuturuan ako. Para daw mas lalong mahasa ang pag iisip ko sa salitang ingles.

Pero nguso ko lang yata ang nahahasa dahil nagkandahaba na sa kakareklamo ko.

Nagkibit ito ng balikat at tsaka ngumisi.

"I thought you easily forget the time when you're with me. Sabi mo sakin dati,"

Napabuntong hininga ako, "Bata pa ako noong mga panahong yon!"kunwaring dahilan ko. Natawa naman siya agad dahil sanay na sa mga sagutan ko sa kaniya.

"Hindi ka pa nagbi-birthday, Ara, so pareho pa rin ang edad mo,"

"O 'di magbirthday na lang ako ngayon! Kain tayo, dali na!"

Isinarado ko kaagad ang notebook ko at agad na ngumiti sa kanya. Hindi ko na naaasikaso ang pang aakit dito kay baby Julio. Masyado akong na-focus sa pagkamit ng mga pangarap ko eh parang wala namang talab.

"Sige, kakain tayo. Pero kelangan mo munang makipag-converse sakin ngayon in English,"

"Okay! Hi baby Julio. Let's eat!" pinagsalikop ko na kaagad ang aking mga palad at ngumiti sa kanya.

Iyon lang pala eh. Kaya ko naman iyon. Easy.

"What do you want to eat?"

"Ah, you?" mabilis kong sagot. Nakita ko pa ang biglaang paglunok nito. Dahil nakaupo ito sa single seater couch na iniusod pa nito para mas mapalapit sa akin, kitang kita ko ang ngiting kumakawala na sa kanyang mga labi.

Magiging proud ka din sakin baby Julio, makikita mo!

Pero bakit siya natatawa? Tama naman, di ba? Tinatanong ko kung ano ba gusto niyang kainin. Gusto kong malaman kung ano ang gusto niya dahil ganoon na rin ako.

Tama naman sagot ko kaya!

"Me?"

Binasa niya pa ang pang ibaba niyang labi kaya hindi ko na rin napigilang mapatitig doon.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now