26

1.2K 74 48
                                    

"Ara, anak?"

Napalingon ako ng may marinig na malambing na tinig na nanggagaling sa labas ng aking silid.

Nagtitiklop ako ng aking mga damit sa kwarto. Hindi rin naman nagtagal ay bumukas na rin ang pintuan at iniluwa noon ang imahe ng aking tiya.

Napakunot ang aking noo. Bakit parang pumapayat yata ang tiya?

"Tiya?"

Pilit ang kanyang ngiti na pumasok na rin naman sa loob ng aking silid kaya naman napahinto na ako sa pagtitiklop.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at doon ko nabanaag ang tila pagod at stress na bumabalot sa kanyang ekspresyon. Hindi ko naiwasang mag isip.

May prinoproblema ba ang tiya? Hala baka kaya may jowa ang tiya tapos hindi lang namin alam?

Umupo ang tiya sa gilid ng kama kung saan ako nakaupo. Nakangiti ito ngunit hindi ko maiwasang kabahan. Aamin na kaya ang tiya?

Hindi na ako naapagpigil ang aking sarili at ako na ang kusang natanong.

"Tiya may nobyo ka ba?"

Natigilan muna ito at tila iniintindi pa muna ang aking tinuran. Hindi naman masama kung mag nonobyo ang tiya kahit na matanda na ito e.

Kapag kuwan ay natawa na lamang ito bago umiling.

Denial ang tiya. Pero hindi ko na lamang isinatinig iyon. Baka nga may iba lamang siyang dinaramdam.

"Kamusta na ang pag aaral ninyo ni Killua?"

Agad akong ngumiti, "Ayos naman tiya. Mataas naman ang mga grado ni Killua. Maloko lang ho iyon ngunit matalino naman. Ako naman ho ay hindi naman bumabagsak. Hindi po kasing taas ng kay Killua ang aking mga marka ngunit pinag iigihan ko naman po,"

Sa aming dalawa ay si Killua ang mas magaling sa pag aaral. Maganda lang talaga ako pero bonus na rin naman iyon. Sa totoo lamang ay napakalaking tulong ni Julio sa'kin oati na rin ng aking mga kaibigan. Mabilis kase akong nasanay sa pag i ingles dahil sa pakikisalamuha sa kanila. Idagdag mo pa na madalas akong turuan ni Julio noon.

Nakita ko ang ginawa nitong pagbuntong hininga. "Hindi niyo ba namimiss ang pamumuhay sa probinsya? Gusto niyo ba ay bumalik na lamang tayo roon pagkatapos ng eskuwela ninyo ngayon? Marami naman na akong naipon at pwede na lamang akong magtayo ng maliit na tindahan,"

"Po?"

Hindi ko maiwasang magtaka lalo na sa kakaibang mga ikinikilos ng tiya nitong mga nakaraang linggo. Masyado itong aligaga at hindi mapakali. Parang may kinatatakutan na hindi ko mawari.

"Tiya, ayos lang naman ho kami ni Killua rito. Isa pa po ay hindi naman kayo sanay mamuhay sa probinsya. Hindi na ho kayo namalagi ng matagal na panahon,"

"Pwede naman tayong magsimula muli roon, Ara. Baka makatulong sa atin ang mas simpleng buhay,"

"Tiya may problema ho ba?" hindi ko na naiwasang magtanong. Hindi naman sa ayaw kong bumalik sa probinsya. Totoong malulungkot ako kung aalis ako at iiwan ang mga taong nakilala ko rito ngunit madali lang namang gawan ng paraan iyon. Kahit malayo ako kay Julio, malaki naman ang tiwala ko sa kanya. Maaari kaming magkita kapag nakatapos na ako. Pwede rin naming bisitahin ang isa't isa. Ang bumabagabag sa aking isipan ay ang ikinikilos ng tiya.

Bahagya itong umiling. "Wala naman iha. Gusto ko lamang makasiguro na masaya kayo sa pamumuhay natin ngayon," anito.

Hindi rin naman siya nagtagal sa aking silid at umalis na rin matapos ang mga ilan pang habilan. Nagtataka man ay iwinaksi ko muna ang bagay na iyon. Wala naman sigurong iniinda ang tiya. Susubukan ko ring kausapin si Killua kung may alam ba siya.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now