Ang mga araw na dati ay magkasama kami ni baby Julio ay mas lalong dumalang. Palagi itong pagod at may inaasikaso. Minsan ay may sinusundo ito tulad na lamang nila Dakota na nalaman kong dati na nilang ginagawa lalo pa nga at wala ang pinsan nila ngayon na si Milan.
Hindi naman ako nagseselos. Oo nga at sinabi ni Juliene na mahal ni Julio si Dakota dati ngunit may tiwala ako saking kasintahan. Kung sinabi niyang mahal niya ako ay panghahawakan ko iyon at hindi ko iyon pagdududahan.
"Bakla ka, dapat ay punupuntahan mo ang lalaki mo. Mamaya may babae ng nag chuchupagetti party doon! Ang yummy pa naman ni Papa Julio!"
Napangiwi ako sa tinuran ni Demi. Nalaman ko na din ang ibig sabihin ng chupagetti dahil minsan ng ipinaliwanag sakin iyon ni Chloe ng mabanggit ko iyon. Muntik pa akong nasabunutan si Samantha sa sobrang gulat.
"Ang dirty ng bibig mo, Ara! Alam ba ni Julio na ganyan mga terms na gamit mo?" tanong nito.
Malay ko bang iyon pala ang ibig sabihin ng chupagetti. Eh hindi ko nga alam kung paano ginagawa iyon eh at kung para saan. Itatanong ko pa sana pero feeling ko sasapakin na ko ni Sam kaya hindi ko na tinuloy.
Noon ko napagtanto na napakarami pa lang mga salita akong hindi lubos na naiiintindihan at dapat ay hindi ko basta basta ginagamit lalo pa nga kung galing kila Nica at Demi.
"Hindi naman ganoon si baby Julio. Talagang busy lang siya ngayon,"
Napairap naman kaagad si Nica. "Maraming mga lalaking hindi na mapagkakatiwalaan ngayon lalo pa nga at nagkalat ang tukso sa tabi tabi. Kapag may pokpok sa paligid, anong laban ng lalaki mo?"
Hindi ko na lamang pinansin ang mga simpleng patutsada ng dalawa. Ayaw ko rin namang husgahan at pag isipan ng masama si Julio. Hindi naman lahat ng lalaki ay ganoon. Hindi rin porle babae ay hindi gagawa ng kalokohan. Gusto ko lamang maging patas.
"Sorry, Ate Ara. May meeting si Kuya Julio ngayon kaya pati sa Rkive ay hindi siya nakakapunta. Baka ako na muna or si Kuya Ulap ang sumundo sa'yo pansamantala,"
Nginitian ko si Gold ng mabungaran ko ito sa labas ng eskuwelahan. Katulad ni Julio ay pinagtitinginan din ito ng mga estudyante na hindi naman kataka taka dahil talaga namang napakagwapo nito. Lahat naman kila Julio ay gwapo.
Minsan ay tinatawagan ako ni Julio at umaabot naman ng sampung minuto ang aming pag uusap. Minsan pa nga ay nakakatulugan na niya ang tawag. Nakukuntento na lamang akong pakinggan ang mahina niyang hilik.
Sa umaga ay nabubungaran ko na lamang ang mga message niya na nagsosorry dahil nakatulugan ako nito.
Sa totoo lamang ay gusto ko siyang bisitahin dahil nag aalala ako para dito. Baka kasi nalilipasan na ito ng gutom.
"Problemado tayo ah,"
Napaangat ang aking tingin ng marinig ang boses ni Dandridge. Nakaupo ako sa sulok ng canteen at nag la-lunch. Wala ang tatlo dahil hindi ako sumama. Umaasa rin kasi ako na baka biglang magkaroon ng bakanteng oras si Julio. Malulungkot siya kapag hindi niya ako inabutan rito.
Isang tipid na ngiti ang naging sagot ko sa kanya. Kanina pa kumikirot ang aking sentido at masama na ang pakiramdam ngunit mayroon pa kasi akong klase.
Umupo na rin ito sa bakanteng silya sa'king harapan at inilapag ang tray na dala nito.
"Mukhang hindi na napapadalaw rito iyong boyfriend mo ah, kamusta na ba?"
Huwebos ngayon at wala akong masyadong gana. Ang tagal ko ng hindi nasisilayan ang biloy ni baby Julio e.
"Busy si Julio sa requirements sa school at sa trabaho. Kawawa na nga eh. Hindi na nakakapagpahinga,"
YOU ARE READING
JULIO (P.S#5)
Romance"You're too innocent, too pure for me...masasaktan lang kita..."