29

1.1K 71 22
                                    

"Hindi ka pa rin papasok?" taka kong tanong. Absent ako ngayon dahil may sinat pa ako. Wala naman kaming importanteng gagawin ngayon like quiz and all. Pasalamat na rin ako na dalawang minor subject lamang ang mayroon ako ngayong araw.

Pinanuod ko si Julio habang tinutuyo nito ng tuwalya ang kanyang buhok habang ako ay nakahiga pa sa kanyang kama. Magdamag akong nakatulog at hindi na nakalipat sa sarili kong silid.

"Nainitan ka?" taka kong tanong. Napansin ko ang bahagyang paglingon nito sa'king gawi. Hindi rin nakaligtas saking paningin ang ginawa nitong paglunok bago muling pag iwas ng tingin.

Bakit namumula yata ang tengga niya? Kaliligo lang naman niya sana. Nainitan nga siguro si baby Julio kaya 'to naligo.

Umupo na ako sa kanyang kama at halos papikit pikit pa ng bahagya na tumingin sa kanyang gawi.

Naka puting t-shirt lamang ito at itim na jogging pants. Ang fit fit rin talaga ng baby ko eh.

"Hindi muna ako papasok. May sinat ka pa. Ang tigas pa naman ng ulo mo, baka mas lalo kang lagnatin kapag pinabayaan kita rito,"

Agad akong napangiti. "Wow, sweet naman ng baby Julio ko. Halika nga rito, tabi tayo ulit," nakalahad pa ang aking kamay saking harapan na animo iniimbita ito.

Kaya naman ang dapat sana'y gagawin nitong paglapit ay awtomatikong natigil.  Bigla itong huminto nang marinig nito ang aking tinuran.

Lumunok na naman. "Bakit hindi ka uminom kung nauuhaw ka baby Julio?" taka kong tanong.

Naisuklay nito ang kamay sa buhok. "Gusto mo bang bumaba para kumain o dalhin ko na lang dito?" malambing nitong turan. Umupo ito sa gilid ng kama at hinaplos ang aking pisngi. Agad akong napangisi.

"Dito na lang tayo magkainan,"

Agad itong napaubo at nanlaki pa ang mga mata. Tinakpan nito ang labi at nagmamadali pang tumayo. Napakunot ang aking noo.

May sakit ba si baby Julio?

"Hala baby Julio baka nahawa ka na din ng lagnat sakin. Kanina ka pa nauubos tapos lunok ka ng lunok,"

Umiling ito at bahagya pang tumalikod. Napanguso akong muli bago bumangon sa higaan.

"Baba na lang tayo baby Julio. Baka gutom na din eh,"

Iyon lamang at nagmamadali na itong lumabas ng silid na tila ba may tinatakasan.

Weird.

Matapos kong ayusin ang hinigaan ay naghilamos lamang ako at nagsepilyo. Nang masigurong maayos angbaking itsura ay dinampot ko muna ang aking telepono at naglakad na palabas.

"Hello?" sagot ko ng mapansing tumatawag si Ahyessa.

"Arianne, may sakit ka daw?"

Agad akong napangiti. Ang sweet din talaga ni Ahyessa eh, kahit minsan hindi nila halata.

Naglalakad na ako pababa ng hagdan ng sagutin siya.

"Sinat na lang pero okay na rin naman ang pakiramdam ko. Oo nga pala, ano ang sakit kapag namumula ang tengga, tapos lunok ng lunok? May lagnat na din yata kasi si baby Julio eh,"

Natahimik ito sa kabilang linya at yila nag iisip.

"Did he take care of you?"

Tumango muna ako na akala mo ay nakikita niya. "Oo. Nakatulog nga ako sa kama niya. Masakit kagabi ang likod ko. Mabuti na lang okay lang sa kanya na nakapatong ako. Nakatulog tuloy ako ng maayos,"

Iyon lamang at narinig ko na ang paghalakhak nito mula sa kabilang linya.

"Oh tapos?" natatawa pa rin ito. "May nangyari ba?"

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now