Julio's Memories
“Nakakakilabot si kuya ngumisi no? Parang inaasinan na ewan, puta,”
Natawa na lang si Chase sa'king naging turan. Napailing na lamang ako habang pinapanuod ang kuya namin na nakikipaglandian sa babae niya.
Nuknukan din ng arte e kilig na kilig naman.
“Bakit mo rin kasi inaasar e alam mo namang patay na patay sa babae niya 'yon?”
Nagkatawanan na lang kaming magpinsan habang pinapanuod ang kuya naming makipagpatintero ng damdamin kay Xantha. Alam naman namin na kilig na kilig ang gago dahil sinundan ng babae niya rito.
Napabaling ang aming tingin ng may marinig ang boses ni Alexo na kinukulit si Ulap.
Narinig kong mapabuntong hininga ang kakambal nito. Napaayod ng upo saglit si Chase habang habol pa rin ng tingin ang kakambal.
Nasa lawn kami, under of one of those Parasol Canopy Umbrellas. Sa harap ko ay nakaupo si Chase sa isang upuan.
“Do you ever think Cloud will get over Bobbie?” bigla ay tanong nito. Bakas ang kalungkutan sa kanyang tinig at maging ako ay bigla na ring natahimik.
Maging ako ay nag aalala rin naman sa nakababatang pinsan. Cloud was never the same after his girlfriend left. Alam namin na malaki ang lamat na naiwan sa puso nito ng umalis ang huli. But I don't want to blame Barbara. I know that she's a good woman at minahal niya si Ulap. Kung bakit niya nagawa iyon, alam kong may importanteng dahilan. Kaya lamang ay alam naming lahat na hindi madali para kay Ulap ang lahat. Besides, nakaratay ngayon si Ulan sa hospital bed. That's also part of why Cloud is acting like this. He feels like he needs to be with his family now.
For years, Chase had always sacrificed himself para hindi nahihirapan si Ulap. He went with Grey instead of Gold. He always watches him at alam kong naiintindihan na ni Ulap ang mga nangyayari. So he decided to be with his family first. Kung ang dating Ulap yo, baka matagal ng nag aalburuto si Ulap para mahanap si Barbara.
Pumasok na rin naman kami sa loob ng bahay. Chase went to see his girlfriend at ako naman ay piniling silipin si Ulan sa kanyang silid. At tulad ng inaasahan ay naroroon si Dakota, nakaupo sa couch ilang dipa ang layo sa kama ng kasintahan.
Her eyes was closed and for a moment, I was unable to move as I realize how breathtaking she looks like despite the fact na halatang pagod na pagod ito.
Napalunok ako. My hands balled into a fist.
Seeing her like this breaks my heart. I tilted my head a little before moving forward. Lumapit ako sa isang aparador doon at kumuha ng kumot. I adjusted the airconditioning inside the room para siguraduhing magiging komportable ang dalawa. I covered her body with a blanket.
Hindi ko na siya sinubukang gisingin. I know she won't leave Ulan alone inside his room, not until she's about to sleep.
Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago nilapitan ang aking pinsan. Seeing the hoses and other machines hooked in his body kills me.
Alam ko, naiintindihan ko ang pinagdaraanan ni Dakota. Hindi rin madali sakin na makita na ganito ang pinsan. And seeing Dakota, the o ly woman I have ever loved be in pain like this makes it even harder.
Mahal na mahal ko si Dakota, simula pa noong mga bata pa kami. But I also know how much she loves my cousin. Kung mahal ko siya ay siya namang pagmamahal nito kay Milan.
Kahit kailan ay hindi ako pinaasa ni Dakota. Noong una pa lamang na nagtapat ako rito ng pagmamahal ay kaagad na akong diniretso nito and I was glad about that. Hindi pinipilit ang pagmamahal.
YOU ARE READING
JULIO (P.S#5)
Romance"You're too innocent, too pure for me...masasaktan lang kita..."