42

1.1K 62 25
                                    

“Magkaaway pa rin kayo?”

Ngumuso ako at hindi kaagad nakasagot sa tanong ni Bobbie. Nasa mansyon ako ngayon at tinutulungan si Bobbie na mag alaga kay Teesha.

Halos isang buwan na yata mula noong unang dumating sila ni Teesha rito. Natatandaan ko pa dahil kasama ko si baby Julio noong tumawag sa Rkive si Kuya Aedree. Ang dami niyang sinabing bad words dahil daw mali ang tsismis ni baby Julio tungkol kay Bobbie noon.

Natawa lang ako kasi kalalaki nilang tao pero mga tsismoso din talaga sila.

Ako din ang nagpresintang maging tutor ni Teesha hindi pa kasi ito marunong mag Tagalog kaya naman gusto ko itong tulungan. Isa pa, para na rin akong nagsasanay mag Ingles noon.

Nasanay na rin naman ako dahil inglesero halos lahat ng nakakasalamuha ko pero gusto ko pa ring tumulong.

“Siya kasi eh!”

Nakagat ko ang pang ibabang labi ng tumawa si Bobbie. Ang ganda ganda niya talaga. Sa totoo lang lahat sila ay sobrang ganda at pulos mayayaman. Ako lang talaga ang naiiba.

Alam ko naman na maganda ako pero minsan ay hindi ko rin maiwasang ma-insecure. Pakiramdam ko kasi ay wala akong kayang ipagmalaki kumpara sa iba sa kanila.

Sa paningin ko ay masyado silang perpekto habang ako, ito lang naman ako, ang magandang si Ara.

Malaki rin naman ang ipinagpapasalamat ko dahil kahit minsan ay hindi nila ipinaramdam sa 'kin na naiiba ako sa kanila. Magkakaiba man ang personalidad namin ay nirerespeto pa rin namin ang isa't isa. At kahit minsan, hindi sila nagpakita sa'kin ng hindi maganda.

“Ano na naman ba kasi ang pinag awayan niyo? Bihira pa naman kayong mag away,”

“Huwag mo ng alamin, Bobbie. Ang weird ng magkasintahan na 'yan. Sasakit lang yang bangs mo, swear,”

Napangisi ako ng kurutin bahagya ni Ahyessa ang aking pisngi bago ito dumampot ng sandwich sa lagayan. Nasa sala kami at pinapanuod si Teesha sa paglalaro.

Nang makaupo si Ahyessa sa aking tabi ay napatakip ako sa'king ilong ng maamoy ito.

“Ang aga mong uminom,”

“Of course, laban lang ng laban basta may time,” proud pa nitong turan. Napailing kami ni Bobbie lalo pa nga ng pumasok sa loob ng bahay si Chase at Andrea. Sila siguro ang sumundo rito kay Ahyessa kung saan.

Si Andrea na yata ang pinaka matyagang tao na nakilala ko. Palagi niya talagang hinahanap si Ahyessa dahil parating nasa inuman itong isa na 'to.

Nag iwas ako ng tingin ng mapansin ko kung paano kinabig papalapit ni Chase si Andrea bago kinintalan ng halik sa labi. Pagkatapos ay mabilis ng nakaakyat si Chase sa hagdan habang si Andrea naman ay tumabi na kay Bobbie.

“Bad trip din talaga kayong dalawa eh. Masyado kayong sweet. Nakakabitter,”

Hindi ko naiwasang tumango sa tinuran ni Ahyessa na ikinataas ng kilay ni Bobbie.

“Excuse me, Ara but, you're kuya Julio's girlfriend. Ang sweet niyo kaya. Ay, nasabi ko ba na crush ko dati si kuya? But don't worry, it was just a happy crush at kay Ulap talaga ako nabaliw,”

Natawa naman ako sa kanyang tinuran.

“Okay lang naman sa'kin na naging crush mo si baby Julio,”

“See? She's weird,”

Chaese started giggling. Ang sarap pakingan ng tawa niya. “She's not weird Ahyessa. She's just adorable like that,”

“Ano'ng hindi weird? Subukan mong sabihin kay Xantha na crush mo si Aedree, tignan ko lang kung makakalabas ka rito na buo pa ang mukha mo,”

“Hoy, ano ka ba! Siyempre, Cait is different. I mean, we love differently. And it's fine. Palibhasa ang bitter mo palagi. Ang dami mong crush pero hindi ka nag bo-boyfriend,”

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now