“Ano na naman 'to? Hindi ko talaga kayo mapapatawad kung nagpakasal din kayo bigla katulad ng iba dyan,” pagpaparinig ni Ulap habang naririto kaming lahat sa sala.
“I second the motion,” taas kamay pa ni Gold na madalas sumasangayon sa kuya Ulap niya. Ngumunguya ito ng kung ano habang nakaupo sa carpeted floor. Para pa rin itong bata kung umasta. Minsan nga ay para lang silang magkapatid ng anak nito kapag nakita mo silang magkatabi. Habang lumalaki kasi si baby Khal ay mas nakukuha nito ang mga ugali ng kanyang ama.
“Bitter pa rin ang mga pangit,” pang iinis ni kuya Aedree. Hinehele niya sa kanyang bisig si baby Aerys. Nakaupo siya sa pang isahang couch habang sa armrest noon ay nakaupo si Xantha.
“Kuya, stop teasing my husband. Maririnig ka na naman ni Teesha,” natatawang awat ni Bobbie. Nakayakap ito kay Ulap mula sa likuran. Nakatayo ang dalawa sa may gilid at natawa ako ng si Ulap naman ah binelatan pa ang kuya niya.
“Sobrang mature,” napapailing na lang si Xantha na inayos muna ang damit ng anak dahil lumilihis ito.
Tulog na ang ibang mga bata at kami na lamang ang naririto sa sala. Wala si Grey at ang tatay ng kanyang mga anak dahil hirap magpatulog ang mga ito. Sobrang ligalig kasi nila Alon at Ashie minsan. Hindi ko rin alam kung kanino ba nagmana. Tahimik naman sana ang tatay.
Pero kung sabagay, si baby Bee noon ay grabe din kung umiyak kapag nag ta-tantrums. Para siyang naka-Saiyan mode lalo pa nga at tayong tayo ang buhok. Kaya tuloy baby Goku ang tawag namin rito na kinaiinisan ni Andrea. Kinakantahan pa kasi ni Gold si baby Bee ng theme song ng Dragon ball Z e.
“Si kuya Ae din kaya oh, binebelatan din ako!” turo ni Ulap na mas ikinabuntong hininga ni Xantha.
“Hindi niyo mapipigilan ang mga yan, isip bata din,” Napailing na lang si Chase habang sinusubuan ang asawa ng ubas. Nakakandong pa si Andrea sa hita ng asawa. These two, hindi talaga sila nagbabago, sobrang sweet lang talaga nila.
Wala sila kuya Milan at Dakota. Nasa New Jersey at pansamantalang umaalalay kay abuela doon bago sila tuluyang ikasal.
Sila Bobbie at Ulap naman ay kinasal na a few months ago, bago pa nanganak sila Xantha. Kaunti lang ang naging pagitan ng ikalawang kasal nila kuya Aedree sa mga ito, tutal ay hindi naman daw magkapatid. Isa pa ay hindi naman masyadong naniniwala sa mga pamahiin ang kanilang pamilya lalo pa nga at ibang lahi rin mayroon ang mga ito.
Kahit kasal na ay hindi madaling kinalimutan ni Ulap ang ginawang pagpapakasal ni Kuya Ae noon at ni Xantha. Hanggang ngayon ay sulky pa din daw si Ulap kapag naaalala ang bagay na iyon. Na-move kasi ang kasal nila ni Bobbie dahil mas pinili nilang hayaang magkaroon ng wedding ceremony sila Kuya Ae with their families dahil nagtampo ang kanilang abuela.
“Pero are you guys really serious? Wala talagang ceremony? Like, sure na kayo?” pinanuod ko kung papaano bumukas sara ang bibig ni Xantha na nagtataka talaga sa naging desisyon namin ni Julio.
Iyon ang pinag usapan naming dalawa nitong mga nakaraang araw kaya ngayon lang namin sinabi sa mga pinsan niya na engaged na kami. Bago kasi iyon ay kinausap na muna namin sila Abuela maging ang mga magulang ni Julio para ipaalam ang aming desisyon.
Ayoko ng wedding ceremony. Ang gagastusin saming kasal ay mas pinili kong i-donate na lang namin sa isang orphanage. Sabi ni Julio ay ayos lamang naman daw na magdonate kami kung gusto ko pero hindi ako pumayag. Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit pakiramdam ko ay mapapanatag ang kalooban ko kung ganoon ang mangyayari.
Para sa akin ay ito ang regalong kaya kong ibigay sa bunso kong kapatid. This is my way of remembering her, remembering Rianne.
Tinanong ko rin naman si baby Julio kung ayos lamang sa kanya ang bagay na iyon at pumayag naman siya. Sabi niya ay mas importante raw iyong makasal kami.
“I'd like to see you walk in the aisle while I wait at the altar but I'd love it even more if you are happy. Kaya kung hindi iyon ang mas makapagpapasaya sa'yo, bakit pa natin gagawin? Kung ano ang ikapapanatag ng kalooban mo, doon ako. I will always support your decisions. I am happy when you are happy,”
Naiyak ako noong sinabi niya ang mga katagang iyon. Wala na yatang mas magiging maswerte pa sa'kin. Sobrang swerte ko kay Julio.
Ang mga magulang niya ay nakaramdam nv panghihinayang, maging si abuela, ngunit hindi naman sila tumutol. Kaya lang hindi pumayag si abuela nang walang prenup photoshoot. Kailangan daw ay may maisabit itong larawan namin. Humiling din ito ng larawan na nakapangkasal kaming dalawa para uniformed naman daw sa iba kung sakali.
Hindi na ako umangal. Malaki na ang pasasalamat ko na napagbigyan nila ang aking kahilingan kaya naman ayaw kong ipagkait sa kanila ang bagay na iyon.
“Pumayag talaga si Abuela?” takang turan ni Kuya Aedree. Tumango lamang si baby Julio. Ito rin ang dahilan kaya ngayon lang namin sinabi sa kanila. Mas inuna namin na makahingi ng permiso kila abuela at mommy Julianna.
“So kailan kayo magpapakasal niyan? Pwede na pala kayong mauna kila kuya ah. Pero pauwiin naman natin ang dalawa so we can at least celebrate together,” si Chase.
“Alam na ni Milan. He's with abuela so it's inevitable na malaman niya kaagad,”
Naramdaman ko ang naging pagpisil ni Julio sa'king braso habang nakaupo kaming dalawa at magkatabi sa couch.
“Bukas magsa-sign na kami ng papers,” turan ko na ikinalaglag ng panga nila.
Napangiti na lamang ako lalo pa nga at maging si Andrea ay napanganga.
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at hinintay na mag sink in sa kanila ang lahat.
Nilingon ko muna si baby Julio na ngumiti lamang muli sakin tanda ng kanyang suporta.
Alam kong nakakagulat ang aming naging desisyon. Bakit ba patatagalin pa?
“Tangina? Excited?" si Gold. Sa sobrang pagkatulala yata ng mga ito ay wala ng nakasaway sa kanilang bunso.
“Wha-”
Hindi na naituloy miski ni Chase ang sasabihin. Lahat sila ay nakanganga lamang at tila hinihintay na sabihin kong nagbibiro lamang kami.
“Hoy, Ara!" si Bobbie na naitulak na si Ulap palayo. Maging si Xantha ay tumayo.
"Teka lang, wala talagang kasunod na ‘Joke lang’?”
Nagkagulo na sila doon at nagkanya kanya na ng usap. Nahatak na ako ng mga babae palayo sa mga lalaki at umabot pa kami sa labas, sa may bandang poolside.
“I have no words, to be honest. Congrats in advance,”
Nagyakapan kaming mga babae. Sa totoo lamang ay excited rin naman ako. Pagkatapos naming mag sign ng papers bukas ay lilipad daw kami paalis ng bansa para mag honeymoon. Regalo ng mga magulang ni Julio iyon na hindi ko na rin nagawang tanggihin. Ang kapal na din talaga ng mukha ko kapag ginawa ko iyon. Ang photoshoot ay gagawin na lang pagbalik namin. Two weeks lang naman iyon.
Isa pa, excited na ako. Hindi lang sa kasal, siyempre mas lalo na sa honeymoon.
Doon talaga ako excited.
YOU ARE READING
JULIO (P.S#5)
Romance"You're too innocent, too pure for me...masasaktan lang kita..."