“Doon na tayo sa labas. Napaka-tsismosa niyo,”
“Coming from you, kuya ha. Hindi ka nga din lumalabas,” narinig kong sagot ni Ulap sa sinabi ni kuya Ae.
Naramdaman ko ang paghagod ng mga kamay ni baby Julio sa'king likuran.
“Alis na tayo, baby Khal. Ang scary ng tingin ni tito July mo,”
“Hindi ba tayo pwede manuod? They are so cute eh!”
“Grey, let's go. Baka magising na sila Alon,”
I heard Grey whimper a bit pero mukhang sumunod naman.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Julio ngunit hindi ko inalis ang pagkakabaon ng aking mukha sa kanyang dibdib.
“Sino bakante ang room? Makikitulog ako. Ang aga 'kong nagising,”
“Tara na lang sa garden, Ahyessa. Mamaya ka na matulog. Bantayan natin mga bata!”
“Kuya, labas na. Paki-lock na rin,” narinig kong pakiusap ni Julio sa mga ito. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanyang katawan. Kanina na ako nakaupo sa kanyang kandungan at hindi ko magawang lumayo sa kanya dahil ayaw kong makita niya ang aking mukha.
“Kailangan talaga?”
Hindi ko alam kung sino 'yon pero naramdaman ko din na kusa na silang nagsilabasan na parang nagmamadali talaga. Hindi ko na inintindi kung bakit.
“Baby, are you okay na? Can we talk?” masuyo nitong turan.
Alam kong nagulat rin ito. Hindi rin kasi nagpapigil si Ahyessa at talagang nakarating kami sa mansyon. Gulat na gulat si Andrea ng makitang namumugto ang mga mata ko tapos hindi pa nakatulong iyong pagiging galit nit Ahyessa.
Dire-diretso lang kami sa kwarto ni Julio. Kababangon niya pa lang at mukhang katatapos pa lamang maghilamos dahil kalalabas niya ng banyo habang akong sobrang rupok, tumakbo kaagad papalapit sa kanya at niyakap ito.
Doon na ako umiyak sa kanyang mga bisig habang ang lahat naman ay hindi ko alam kung paano nakapasok sa loob ng silid.
Feeling ko talaga ang babaw lang ng problema ko. Bigla tuloy akong nahiya.
Naintindihan ko naman iyong point ni Ahyessa kanina. Kaya lang kasi ayoko ring bigyan si baby Julio ng iisipin.
Hinawakan niya ang aking balikat at inilayo ang aking katawan sa kanya ng bahagya.
Napayuko ako. Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko talaga kaya.
“Baby, look at me, please...” pakiusap nito. Rinig na rinig ko ang pag aalala sa kanyang tinig kaya mas lalo akong naiyak.
“Hala...sorry, naiiyak na naman ako,” inabot ko amg aking pisngi at pilit iyong pinupunasan ngunit pinigilan niya ako. Kinabig niya akong muli ng yakap at pilit akong inaalo.
“Sorry, baby. Kung anuman ang nagawa ko, kung may nasabi ako o nagawang ikinasama ng loob mo. I'm so sorry. Fuck! Stop crying, please. Hearing and seeing you cry breaks my heart,”
Niyakap ako nito ng sobrang higpit at halos mapatid ang aking hininga sa kakapigil na lalong mapahikbi.
Alam ko naman na ayaw niya akong maging ganito pero hindi ko na napigilan.
Ganito lang kami. Umiyak lang ako ng umiyak habang nasa bisig niya. Hindi siya nagsalita at hinayaan ako. And I appreciate that.
Kailangan ko ng oras para kumalma.
YOU ARE READING
JULIO (P.S#5)
Romance"You're too innocent, too pure for me...masasaktan lang kita..."