"Just your number, miss," ngumiti ako ng alanganin sa lalaking kanina pa umuungot ng aking numero. Hindi pala, noong isang araw niya iyan ginagawa. Kaya lamang ay natatakot talaga akong magbigay ng aking numero sa kung sino sinong tao. Ibinilin na rin ng tiya ang bagay na iyan dahil marami daw hindi mapagkakatiwalaang mga tao rito sa lugar.
"Pasensya na talag sir. Bawal po," nakangiti kong sagot bago tanggapin ang membership card nito para marecord ang oras na nagamit nito sa mga laro. Narinig ko pa itong mapaungol.
"This shop has weird rules,"
Hindi ko na ito sinagot hanggang sa tuluyan na rin itong sumuko at nawala sa aking oaningin.
Nasuklay ko ng daliri ang aking buhok. Hindi lamang iisang beses mayroong humingi ng aking numero simula pa nitong nga nakaraang buwan.
Bigla tuloy akong nagtaka. Mahilig ba ang mga tao rito sa mga katulad kong probinsyana? Ang dami ko kasing nakikitang magaganfang babae sa labas. Hindi hamak na mas maganda sa tulad kong madalas tawaging fishcracker ng aking kapatid.
Mabuti na lamang at alam din ng mga miyembro ng Rkive na bawal makuha ang numero ng mga empleyado rito. At dahil istrikto ang pamamalakad ay napipilitan ang mga itong sumunod.
"Tigilan mo nga!" natatawa kong itinaboy si Killua habang mukha itong kaldero na itim na itim ang nagkandahabang nguso. Nakapangalumbaba ito sa counter lalo pa nga at bantay sarado na naman ako.
"Dito lang ako hangga't hindi umaalis ang manliligaw mong mukhang dayami," iritado nitong sagot. Ang haba talaga ng inginunguso niya.
Napangiwi naman ako lalo pa nga at sinamaan agad ng tingin ni Barro si Killua.
Palagi kasi itong paringan ng aking kapatid.
Ilang linggo na itong magkakilala at ganoon na din katagal ako kung bantayan ni Killua sa tuwing naroroon ang huli. Madalas itong tumambay sa Rkive tuwing Byernes at Sabado dahil wala raw itong trabaho sa convenience store sa kabila sa ganitonf mga araw.Nginitan ko si Barro na lalong ikinainis ng aking kapatid. Napakainit kasi ng dugo nito sa huli dahil si Barro ay palaging inisin si Killua sa tuwing bumibili ang aking kapatid roon.
May mga discount kasi para sa mga empleyadong gustong maglibang ang Rkive. Minsan talaga ay naguguluhan ako kung sino ba talaga ang target market ng arcade shop na ito. Pang mayaman kasi ngunit tumatangap rin ng mahihirap.
Ang sabi ng tiya, gusto raw ng magpipinsan na bigyan ng pagkakataon ang mga tulad ni Barro na makapag relax sa kanilang trabaho.
Simula ng makilala ako ni Barro ay dito na rin ito tumatambay. Ayos lang naman dahil maayos naman itong kausap. Kaya lamang ay hindi talaga ito kasundo ni Killua.
Nakakatuwa nga dahil may kapatid ring babae si Barro na ang pangalan naman ay Zaya. Naisip ko tuloy na baka makabayan ang kanilang mga magulang kaya naman ganoon ang ipinangalan sa magkapatid.
Nang tumayo si Barro sa pinaglalaruan ay napaayos naman ng tayo si Killua. Kakaunti na lamang ang tao at sa totoo lamang ay si kating kati na rin akong paalisin itong si Barro.
Wala rin naman ako sa mood dahil wala na naman si baby Julio. Akala ko pa naman ay close na kami dahil may pagpahid pa at pagatas ang baby ko kaya lamang ay ni hindi ko man lang nakita ang anino nito kinabukasan.
Ngayon ang ikalawang araw sana ngunit wala oa rin. Napakahirap hagilapin.
Iniisip ko na baka nahihiya si Julio sa tiya dahil crush na niya ako eh okay lang naman. Hindi naman masama na crush niya ako eh. Hindi ko naman siya lolokohin.
YOU ARE READING
JULIO (P.S#5)
Romance"You're too innocent, too pure for me...masasaktan lang kita..."