34

1.1K 68 42
                                    

"Anak, magpahinga ka na muna at ako na ang bahalang magbantay muna sa kapatid mo,"

Hindi ko nilingon man lang ang tiya kahit narinig ko naman ang kanyang tinuran. Alam kong pagod rin ito lalo pa nga at kagabi pa kami naririto sa ospital at binabantayan si Killua.


Napabaling ang aking atensyon kay Juliene na natutulog sa gilid ng kama ng aking kapatid. Nakayukyok ang ulo nito roon at hindi man lang binibitiwan ang kamay ni Killua.


Simula kagabi ay hindi siya umalis kahit na anong pilit ni Julio. Naroroon lamang ito at hindi tumigil sa pagbabantay hanggang sa makatulog na rin ito sa sobrang pagod.


Si Julio ay kinailangang umalis para makipag usap sa mga pulis lalo pa nga't binasag niya rin ang mukha noong tinawag niyang Carlson. Hindi ko alam kung sino iyon basta narinig ko silang nag uusap ni Kuya Aedree. Ang sabi nito ay susuportahan nito si Julio sa desisyon nito kahit pa masira ang deal daw na matagal na nilang inaayos.


Hindi ko maintindihan lahat. Nalilito ako. Sino ba ang mga lalaking iyon at bakit nila iyon ginawa kay Killua?

Muli akong napatingin kay Juliene.


At bakit? Bakit ganito siya mag alala sa kapatid ko?

Kapatid ko siya! Kapatid ko!

Naalala ko bigla ang mga katagang binitiwan nito noon habang umiiyak.

"Masaya ba sila nanay at tatay noon, noong sila pa?" hindi ko napigilang itanong. Dahil sa nangyari ay kung ano ano na rin ang pumapasok sa'king isipan. Maging ang posibilidad na baka buhay pa ang aking ina ay kinonsidera ko rin.


Pero bakit? Kung buhay siya, bakit hindi niya kami sinisilip ni Killua? Bakit hinayaan niya si Tatay na mapagod na maghanapbuhay at intindihin kaming mag isa? Bakit nakaya niyang maging malayo sa'min?

Naramdaman ko ang naging pag upo ng tiya sa'king tabi. Nasa couch kasi kami lalo pa nga at mas minabuti kong hayaan si Juliene sa tabi ng aking kapatid.


"Naging masaya ba siya?" muli kong tanong.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Sa puntong ito ay halos wala na akong maramdaman. Parang anuman ang aking malaman ay hindi na ako mabibigla at tatangapin ko na lamang. Nang makita ko ang sinapit ni Killua, inisip ko kung mas maganda ba talaga ang manatili kami rito o baka tama na pumayag ako sa gusto ng tiya noon na bumalik na lamang kami sa probinsya.


"Alam kong naging magulo na ang isipan mo dahil sa nangyari lalo na sa kundisyon ng iyong kapatid. Pero sana anak ay huwag mong pagdudahan ang relasyong mayroon ang iyong mga magulang. Wala ako sa posisyon para magsalita tungkol sa relasyon nila ngunit ang masasabi ko lamang ay totoong minahal nila ang isa't isa. Kaya nga kayo naririto ni Killua, 'di ba?"

Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko kasi ay maraming sikreto akong hindi nalalaman. At hindi ko rin sigurado kung handa ba akong malaman ang mga bagay na iyon.

Napayuko ako.


Miss na miss ko na ang aking mga magulang. Kung naririto sila, mas madali siguro. Pakiramdam ko kasi ay wala akong kwentang kapatid. Pakiramdam ko ay binibigo ko sila tatay.

Napahamak si Killua at ngayon naman ay litong lito ako sa mga nangyayari.

At si Juliene...

"Noong walong taong gulang ako, tinanong ko si tatay tungkol kay nanay ngunit hindi niya ako sinagot. Naaalala ko pa nga iyong tanong ko eh, kung mag kasing ganda ba kami ni nanay," natawa ako ng bahagya sa'king naging tanong. "Eh bungi pa ko noong mga panahon na 'yon. Siguro inisip ng tatay, nahihibang na ko kasi naimagine niya bigla na bungi rin si nanay,"

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now