19

1.2K 65 42
                                    

"I can't believe he's hiding you all this time," pailing iling pa si Xantha. Nakaupo ito sa kabilang bahagi ng couch habang sa tabi nito ay ang ibang mga babae na mga kaibigan din ng magpipinsan.

Sinamaan naman kaagad ito ni baby Julio ng tingin. Napaismid lamang si Xantha at inirapan pa ang baby ko.

"Nagtaka ka pa, Xantha? Eh iyon ngang di ko pinakilala sa inyo umabot agad sa nalasing ni Ayhessa. Ano ba trip na naman noon?"

"Bakit sa'kin mo tinatanong? Ako ba ang nagpainom sa girlfriend mo?" mataray nitong tugon.

Nakagat ko ang pang ibabang labi. Tinawag kasi akong girlfriend ni baby Julio. Siguro bagay talaga kami kaya naisip nila iyon.


Nadinig ko pang tumawa si kuya Aedree ng umungot si baby Julio sa inaasal ni Xantha. Nakilala ko na din iyong magkasintahan na mahilig maghugas ng mga plato, iyong ikinwento ni Nanay Belinda noon. Siyempre kuya na din ang tawag ko kasi paano kung maging part ako ng family ni baby Julio?

Hapon na ng sunduin ako sa Rkive nina Xantha at Andrea kasama ang pinsan ni Julio na si Chase. Siya pala iyong nobyo ni Andrea na nakita ko kagabi sa cellphone ni Ahyessa.

Una kong nakilala kanina si Xantha kanina dahil halos sumabog ang boses nito noong paakyat pa lang ito sa common room. Naalala ko pa kung paano mapabuntong hininga si Julio nang marinig ang tinig nito.

Pagkagising ko kasi ng bandang hapon ay nagulat na lamang ako nang magising katabi si Ahyessa sa aking kama. Ang higpit ng yakap niya sakin kaya hindi ako kaagad nakalabas.


Grabe, para siyang tuko na hindi ka bibitiwan. Muntik na nga akong sumuko kung hindi ito kusang bumitiw.

Nang tuluyan naman akong makatakas rito ay sinalubong naman ako ni Julio ng masamang tingin ng madatnan ko itong nakaupo sa sala. Umiinom ito ng juice at may binabasang kung ano.


Hindi ko alam kung paano nangyari basta ang alam ko lang ay pinagalitan ako nito at sinabihan akong huwag kaagad nagtitiwala sa mga taong hindi ko kilala. Mabuti na lamang daw at si Ahyessa ang kausap ko at hindi kung sino.


At iyon nga, sa sobrang hilo ko ay inutusan na rin ako ni Julio na maligo para daw gumaan ang aking pakiramdam. Parang gusto nga yata niyang pitikin ang noo ko eh.

Katulad ng ginawa niya noon sa kanyang silid ay tinuyo niyang muli ang aking buhok gamit ang hair dryer na galing pa sa kwarto niya. Iyon ang inabutang eksena nila Xantha.


Si Chase ay panay lamang ang ngisi at inaasar ang kuya nito. Mabilis naman akong nahatak ni Xantha palayo kay Julio at kinuyog na nila akong dalawa. Kinabahan ako noong una pero ang kulit lang pala nila.

Ginising na din ni Andrea si Ahyessa na parang mantika na tulog pa rin sa kama ko. Ipinagpaalam naman ako ng mga babae sa tiya.

Si Killua ang nakakatawa. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Si tanga kasi, nagti-Tiktok habang nakabukas ang pintuan ng kwarto. Ayun, huling huli siya nila Andeng. Na-starstruck yata ang kapatid ko dahil parang tuod na siya doon at hindi na nakakilos. Bihira kasing makakita ng mga magaganda. Ako lang naman ang magandang nakakasama ni Killua eh.

Kala ko nga hihimatayin siya lalo pa nga ng walang pakundangang lumabas ng aking silid si Ahyessa na halos naka t-shirt na lang. Sobrang iksi kasi sa kanya ng shorts na naipahiram ko.

Napansin ko din na parang kinausap ni baby Julio sa tiya. Ano kaya ang pinag usapan nila?

Kaya ang ending, nakarating na naman ako rito sa mansyon. Katulad noong una ay manghang mangha ako sa sobrang laki niyon. Minsan ay iniisip ko, baka sindikato ang pamilya nila Julio kasi bakita sobra nilang yaman? Saan galing iyong pera nila?



JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now