PJ's POVAlas nuwebe (9pm) na nang gabi. Mag isa akong naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle. Ewan ko ba ba't ako pa ang inutusan ni Kuya bumili ng string ng gitara sa gantong oras. Obob kasi masyado, naputol niya pa yung first string ng gitara nya, hayst.
Medyo malayo ang bilihan ng string ng gitara sa bahay namin kaya sasakay ako ng tricycle. Habang papunta ako sa palengke kung saan makikita ang shop ni Kuya Carl ng mga instruments and accessories, naisip ko siya bigla. Sa tindahan din ni Kuya Carl kami nagkakilala.
FLASHBACK
"HUY PJ!"
"Sht Kuya Carl! Ano ba?!"
"Ito na yung string na hinahanap mo! Nananaginip ka na naman ng gising hayst, tsk tsk," ani Kuya Carl.
Inirapan ko lang siya at tinawanan nya lang ako. Nagbayad na lang ako kaagad at nagpaalam. Palabas na sana ako nang biglang---
*blonk*
"POTEK! HOY LALAKING APAT ANG MATA! DI MO BA NAKIKITANG MAY TAONG PALABAS, HA?! BINUKSAN MO AGAD YUNG PINTUAN, BOBO! TAE YAN, NAGKABUKOL TULOY AKO!" sigaw ko sa lalaking nakasalamin nagbukas ng pinto ng malakas kaya nauntog ako.
"HOY DI MO BA AKO---"
Shemay. Inaabutan na pala niya ko ng kamay, bobo mo PJ. Inabot ko ang kamay nya at tumayo. Pero mas ikinagulat ko yung biglang pagpapagpag nya ng damit ko.
"Sige na, kaya ko na---"
"Wag na, ako na. Di mo pa mapapagpagan lahat eh. Pabaya ka pa naman."
Kilala ba ako nito ha?
"Oh Priam, ano kailangan mo? Nasira na naman ba ni Percy yung drumsticks mo?" tanong ni Kuya Carl.
"Oo eh. Kailangan ko na agad sana, may laban kami mamaya," sagot naman nitong Priam.
"Oh PJ, dyan ka pa pala. Siya nga pala si Priam, ka-year mo yan. Priam, siya naman si PJ, pero babae yan. Paul Jayne kasi pangalan nyan, haha," pakilala ni Kuya Carl sa'min.
At nung tingnan ko siya mabuti, saka ko napansin na, sobrang gwapo nya pala. Bigla nya akong inabutan ng kamay.
"Hi Paul Jayne Nicolas, I'm Priam Jae Navarro," pakilala niya. Sht, pano nya ko nakilala?!
Dahil hindi ako makapagsalita kasi nga nagulat ako, pano nya nalaman apelyido ko mygahd, kinuha nya ang kamay ko at nakipag handshake.
"It's really nice to meet, ay no, it's nice to introduce myself to you," huh?!
END OF FLASHBACK
Basta ganun kami nagkakilala. Syempre, di nagtagal naging magkaibigan. Saka ko lang nalaman na matagal na siyang may gusto sa akin at nahihiya lang siyang umamin. Nako, ganyang kagwapo, mahihiya sa akin? Ako pa yata yung dapat mahiya eh!
Bumaba na ako sa tricycle at naglakad papunta sa shop ni Kuya Carl. Nakakapagtaka, alas nuwebe na pero andami pa ring tao haha. Ay! Nagbukas na pala yung mga ukay-ukay dito! Mamaya nga titingin din ako.
*boogsh*
"Ay sorry kuya," sabi ko sa lalaking naka-mask.
Di siya nagsalita kaya naglakad na ulit ako. Kaso, mygahd ang creepy. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko! Kaya triny kong malito siya sa pupuntahan ko.
At ilang sandali pa't inalis nya ang mask nya, kita ko nga kase sa peripheral vision ko. Wait.
Biglang hinila nung lalaki yung kamay ko!
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceBored ka ba? Walang magawa? Wala kang ka-chat no? Ghinost ka no? O baka ni-seenzone? Ah, na-friendzone. Hindi rin? Hmm, di ka ni-crushback? Di ka nya type no? Ah, type nya best friend mo? Binasted ka? Alam ko na, binigyan ka ng motibo tapos tang...