Before You Go

15 0 0
                                    

Kayleigh's POV


Pagkababa ko ng jeep ay inalis ko ang tali sa bangs ko para matakpan ng kaunti ang mga mata ko. I also wore my hood para mas matago pa ang mukha ko at sinaksak ko na rin yung earphones ko sa tenga ko.

This might be weird for others pero mas gusto ko nang hindi ako pinapansin ng tao. Ayoko nang makipagkaibigan. Ayoko nang masaktan.

Isa akong transferee taking up BS Civil Eng dito sa UST. Scholar lang ako rito kaya I plan to be serious this year, ine-aim kong kahit maging straight dean's lister man lang sa last year ko if I won't graduate with flying colors.

So tiningnan ko kung saan ang department namin, nasa O.P. building raw iyon. Tiningnan ko ang building na nasa harapan ko lang, ito na ata yun.

Pumasok ako roon at dumiretso sa room ko. May iilang tao na doon at dama ko ang mga titig nila kaya dali dali akong umupo sa may pinakasulok na upuan.

"She's so weird."

"Is she a scholar here?"

"Oh my God, girl, she's like a lesbian!"

Di ko na lang sila pinansin at hinintay na lang ang prof namin nang biglang may pumasok na pamilyar na lalaki.

No way. This person...

Isn't he Paolo Eros?

Yung sikat na singer sa YouTube? I didn't know na sa UST siya nag aaral.

Fan nya yung kapatid ko na babae. Sabi nila sobrang ganda raw ng boses nya but I think, dahil lang sa itsura nya yon, kung makikita nyo lang ngayon kung gaano siya pinagkakaguluhan ng mga babaeng taga ibang department.

Di ko napansing nakatingin ako sa kanya kaya nabigla ako nang biglang mag tama ang tingin namin. Iniwas ko agad iyon dahil baka isipin nya pang may gusto ako sakanya. Tsk, asa.

Sakto namang dumating ang prof namin at nagsi-upo na kami lahat.

I noticed na lahat ng kaklase ko magkakatabi, ako lang pala ang mag isa sa last row. But then, I don't care. Okay lang naman sa'kin kahit mag isa ako eh.

Right, Sab? I'll be okay without you, right? After all, you're the reason why I'm here.

ILANG araw na ang lumilipas at nasanay na ako sa sistema ng school na 'to. Mukhang okay naman 'tong UST, sadyang ako lang talaga ang may ayaw dito dahil private 'to. Ayoko kasi sana nang maraming gastos, but pinilit sa'kin ni Papa na dito mag aral dahil maganda ang Civil Engineering dito.

Pumayag lang ako na pumasok dito sa isang kondisyon, kung kukuha ako ng scholarship. Alam kong kaya namin ang gastusin kahit hindi na ako kumuha non, pero wala lang, trip ko lang maging scholar.

So ayun, kakatapos lang ng last subject namin nang biglang may lumapit sa akin na lalaki. Napansin ko ang gulat sa mga kaklase ko kaya hinarap ko yung nakatayong lalaki sa gilid ko.

"Uhm, you're Kayleigh---"

"Please call me Santillan," I told him.

"Is your name Santillan---"

"Nah, it's my surname. I don't like being called by my given name."

Inayos ko na ang lahat ng gamit ako at hinarangan ang mga mata ko gamit ang bangs ko bago harapin si Paolo.

"Ano kailangan mo?"

Bigla naman siyang ngumiti. Baliw ba 'to?

"Napansin ko kasi na magaling ka sa Geotech 2 so I just want to ask if you can tutor me?"

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon