Gemini's POVKakauwi ko palang sa bahay ay dumiretso na agad ako papunta sa kwarto ko.
Charge muna kaunti yung phone, palit ng damit, pinaandar yung electric fan, kuha ulit yung phone tsaka humiga sa bed. Ganun lagi routine ko.
Syempre, diretso muna ako TikTok baka may bagong update si Kuya Yanyan De Jesus lalo na pag dance video update yun no, bagong ideas na naman para sa new choreography ko haha.
After ko manood ng ilang videos ng TikTok, diretso naman ako sa notifications ng Facebook ko.
Honey reacted to your comment.
Jessica and 3 others reacted on the post you shared.
KC mentioned you in a comment.
Okay, wala na naman. Magi-isang linggo na pero di nya pa rin ako ina-accept. Ano na crush? Galaw galaw naman.
Bat kase naka-private yung lalaking yun, di ko tuloy ma-stalk kahit isang beses mygahd.
Kinabukasan...
Naglakas ako ng loob para umamin sa lalaking yun. Graduation na kasi nila next week kaya ayoko nang magsisi. Wala naman atang mangyayaring masama kung magtatapat ako diba?
Practice pa rin nila ngayon para sa graduation nila at bukas ay weekend na, kailangan ko nang gawin to.
Inabangan ko siya sa gate, alam kong lagi siya nagpapahuli pag umuuwi kasama mga barkada niya kaya nag abang ako.
"Oh, Gem, ano ginagawa mo rito?" tanong ni Kuya Russ, isa sa mga kaibigan ni Mark.
"Ah-eh, Kuya, may sasabihin lang ako kay Kuya Mark. Mauna na muna kayo, mahalaga lang e," paliwanag ko tapos nag-ayieee naman sila. Mga baliw! Pinapakaba nyo ako eh!
"Sabihin mo na ngayon, wag nyo na lang kami pansinin," dagdag ni Kuya Russ.
"Ih! Abangan nyo na lang siya don sa kanto dali na!" pilit ko kaya pumunta na sila.
At, naiwan kaming dalawa ni Mark. Shemay, sobrang tahimik ng paligid! Ano na Jem? San na yung tapang mo? Umamin ka na!
"So, ano sasabihin mo na sobrang mahalaga?" pambabasag ni Mark sa katahimikan.
"Ah-eh kasi, wait lang, kumukuha pa ako ng lakas ng loob eh."
"So crush mo talaga ako?"
WHAT THE?!
"Bwiset ka! Ano ba yan, alam mo na pala!"
"Di pa, pero base sa actions mo, mukhang totoo."
"Oo na! Oo na! Crush kita! Bwiset! Dun ka na nga sa mga tropa mo!"
Hayst, bwiset. Medyo di pa siya gumalaw kaya nauna na akong umalis sa kanya. Nadaanan ko pa sila Kuya Russ, at pinagsisigawan ako na "Basted ka no?" kasi mukha raw akong galit. Hayst!
Balik routine ulit ako. Nood ulit ng TikTok para pampaalis ng inis. Kung di ko lang talaga crush yon, hayst, nabugbog ko na sana!
Tapos, may nakita akong shinare ni Honey.
"Iu-uncrush na kita."
So syempre, shinare ko rin kase puro shared post din ako. Tapos sabay lagay ng caption ng...
"Di mo kase ako ina-accept babe tapos kanina iniinis mo pa ako."
Then post!
After non ay kumain muna ako saka bumalik sa pagse-cellphone. At di ko inaasahan na may magno-notif sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko!
Mark John Orlando accepted your friend request.
WHAT THE HECK? IZ DIZ REAL? SHEMAAAAAY!
*bzzzt*
Mark John Orlando commented on your post.
Oh my God! Seryoso na ba itooo?
Clinick ko agad at what the heck is happening in this world?!
Mark John Orlando
Sorry natagalan babe, di kasi ako tumitingin ng friend requests eh. Tsaka yung kanina babe, ikaw nga yung nang iwan sa akin e. Pero sorry na, bati na tayo please. ❤
Taeee! Ano ba nakain ng lalaking itooo?!
Mark John Orlando sent you a message.
Ano ba yan?! Bakit sunud sunod na pakana mo Markkk?!
Mark John Orlando
Oh ayan wag ka na magalit babe ah. At isa pa, wag mo akong ituring na crush mo lang. Tinawag mo na akong babe, kaya girlfriend na kita, wag ka nang umayaw kasi alam kong di ka rin aangal.
Mark John Orlando
So, Gemini Dela Cruz, babe, your officially mine now. I love you.
Gemini Dela Cruz
I... I don't know what to say.
Mark John Orlando
Just tell me that you love me too, it's enough.
Gemini Dela Cruz
Alright, babe, I love you too.
A-Ang bilis ng mga pangyayari, but, I'm happy!
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceBored ka ba? Walang magawa? Wala kang ka-chat no? Ghinost ka no? O baka ni-seenzone? Ah, na-friendzone. Hindi rin? Hmm, di ka ni-crushback? Di ka nya type no? Ah, type nya best friend mo? Binasted ka? Alam ko na, binigyan ka ng motibo tapos tang...