Hindi Tayo Pwede

21 1 1
                                    


Cha's POV

Ayan na! Ayan na siya!

"Blair!"

"I love you, Alex!"

"Bebe Blair, Bebe Alex, please notice me!"

Hays, ayan na naman yang mga haliparot na yan! Ayan na, papalapit na siya.

"Hey Cha! What's up?"

"Hello Blair! Oh, hi Alex!"

"Wow naman, ako bestfriend mo pero si Blair una mong binati."

"Uy wag ka na magtampo, binati naman na kita!"

Tapos biglang nag pout si Alex, haha ang cute talaga ng bestfriend ko.

Shemay, andito pa rin yung mga fans ng dalawang magpinsan na 'to! Ba't kasi naging kaibigan ko pa 'tong mga 'to.

Yung isa bestfriend ko, yung isa naman... yung isa, yung matagal ko nang gusto.

"Cha!" sigaw ni Blair.

"Oh, gusto kita! Walangya!" sht! nakakahiya!

"Ay, gusto mo pala ako, Cha ah? Di mo sinasabi ah?"

"Baliw, di ka gusto nyan! Sa tingin mo, magmamahal ng babaero yan?" singit ni Alex.

Oo nga naman, ba't nga ba ako nagkagusto sa isang babaero gaya ni Blair?! Hayst!

"Hahaha! Oo nga naman!" kunwari kong sabi.

"Bahala kayo pero pag nahulog sa'kin si Cha, sasaluhin ko talaga yan haha," oh sht, wag kang mamula self, please lang.

"Hahaha! Ano yang si Cha? Pera galing sa langit para saluhin mo? Hahaha!" panira talaga 'to lagi si Alex!

"Hayst! Halina nga kayo! Male-late tayo nyan eh!"

Lunch break

Kasama ko ngayon si Alex. Iniintay namin si Blair habang kumukuha ng pagkain namin, madali kasi makalusot yun sa pila kasi, alam nyo na, malakas sa babae yun.

Sht, ang gwapo nya talaga. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon. Kahit alam kong babaero siya, ang hirap talaga tanggihan yang mga ngiti nya, hayst.

"Huy Cha!"

"Oh ano yon, Alex?"

"Kanina ka pa nakatulala diyan! Patulo na rin laway mo oh! Sino bang tinitingnan mo dyan?"

"Wala wala---"

"Sabihin mo nga sa akin, may gusto ka ba kay Blair?"

Oh sht! Eto na pinakakinakatakutan ko! Alam na ng bestfriend ko na gusto ko ang pinsan nya!

"Alam mong di ka makakapagtago ng sikreto sa akin Cha."

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon