Eya's POV
"Though di mo pansin na gusto rin kita, Imee, gugustuhin at gugustuhin pa rin kita, baka mahal na nga rin tawag dito eh."
Awit sanaol.
"Basta gusto kita, Imee Rivera! I really like you or maybe, I'm really in love with you, so, will you be my prom date for tomorrow?"
Biglang nagsigawan yung mga tao ng Yes, syempre ako naki-sigaw rin no.
At ayun, um-oo rin si ateng Imee at nagyakapan sila, huhu. Sana all diba?
Sana lahat may nagkakagusto, eh sa akin sobrang hirap lalo na pag ganto kapanget gaya ko.
Anyway, pumunta na ako sa office para ipasa yung mga assignments ng section namin.
Kaso nung malapit na ako sa pintuan ng office, may biglang pumatid sa akin at natapon lahat ng papel na hawak ko.
"Ano na naman bang problema mo, Austin?! Pag may nawala dyan kahit isa, ako na naman sisihin!" sigaw ko kay Austin, isa siya sa number one bully sa school.
Pero bakit ako? Wala naman akong atraso sa kanya ah?
Saka naman may isang babae na pumulot ng mga papel na yun, akala ko ibibigay nya sa akin yun kaso tinapon niya lang sa pagmumukha ko. Syempre, andyan din yung demonyitang jowa ni Austin na si Kristine.
"Oh my God, Eya, you're so ugly talaga!" sabat nung demonyita.
"Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyo at ginaganto nyo ako ha?!" sigaw ko.
Biglang lumapit sa akin si Austin at hinawakan ang panga ko. Tiningnan nya akong mabuti na para bang sinusuri ako. Sht, ang lapit ng mukha nya sa akin.
"Wala lang, panget ka kasi eh." -Austin
Tapos nagtawanan lahat ng estudyante na nanunuod sa amin.
What the f*ck. I dunno bakit ako ang pinagtitripan nila ngayon. Wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila. Nagulat nga ako nung alam nila yung pangalan ko eh.
Pero bigla na lang sila tumahimik nung may dumaan na lalaki.
Si Death.
Yes, as in, patay, yan talaga pangalan nya, ewan ko ba sa magulang nya, yan yung binigay na pangalan sa kanya which is bagay naman kasi hindi lang patay na patay yung mga babae sa kanya, may mga rumors din na nambubugbog yan tas pinapatay nya raw though wala namang proofs na ginagawa nya yun. Alam ko naman kasing di nya gagawin yun.
"Sht si Death oh."
"Ang gwapo niya talaga, huhu."
"Baliw baka ikaw isunod nyan."
"Pero ang gwapo nya pa rin talaga."
Well, I admit. Gwapo talaga siya. Those perfect features, nakakapang laglag panty nga naman talaga.
Dati, close pa kami nung junior high pero ewan ko bakit bigla siyang nag iba nung nag senior high na kami, hindi na nya ako pinapansin. Wala na siyang paki sa akin. How I wish na sana ganun na lang kami gaya ng dati, nung close pa kami.
"Hey nerd, stand up."
Sht! Nasa harap ko pala siya. Tumayo ako kaagad.
"Next time na ibu-bully ka nila..."
Oh my, don't tell me.
"Wag kang humarang sa daan. Panget na nga yung daanan dito, dadagdagan pa ng kapangitan mo."
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomantizmBored ka ba? Walang magawa? Wala kang ka-chat no? Ghinost ka no? O baka ni-seenzone? Ah, na-friendzone. Hindi rin? Hmm, di ka ni-crushback? Di ka nya type no? Ah, type nya best friend mo? Binasted ka? Alam ko na, binigyan ka ng motibo tapos tang...