One Dot

20 1 1
                                    


Roxel's POV

Playing: Lottery by KCamp

Renegade, renegade, renegade
No reason for that one
Renegade, renegade, renegade

"Whoo! Ha! Ha! Boom, boom, boom, boom, ha!"

*KNOCK KNOCK*

"Roxel Padriquez Enrile! Nagti-TikTok ka na naman no? Bilisan mo nga dyan at naiihi na ako!" sigaw ng kuya kong nasa labas na alam kong naiihi na.

"Wait lang kuys! Oh ayan, ihi na as long as you want!" sabi ko at binuksan ko na ang pinto, dali dali namang pumasok ni Kuya.

"Oh layas kana!" sabat ni Kuya at nilakasan ang pagsara ng pinto.

"Makalayas 'to! Sana madulas ka dyan---"

*BOOGSH*

"Tumahimik ka na dyan at nagkakakatotoo yang sinasabi ng bibig mo!"

"Tsk! Buti nga sayo!"

Dumiretso ako sa kwarto at humilata na naman sabay kuha ng cellphone at nagbabad na naman sa internet.

"Nakapag-ML na ako, nakapag-update na sa Facebook, IG at Twitter, natapos ko na rin lahat ng nasa anime list ko at nakapag-TikTok na rin! Shemay, wala na talaga akong magawa sa buhay, huhu!"

"Edi mag-linis ka ng kwarto! Di yung namomroblema ka sa gagawin dyan!" biglang sulpot ni Kuya sa pintuan.

Tinapunan ko ng unan ko si Kuya.

"Ang linis linis ng kwarto ko, palilinisin mo pa 'ko?"

"Sinabi ko bang kwarto mo lilinisin mo? Syempre kwarto ko!"

"Hays, dun ka na nga sa lungga mo! Binubwiset mo na naman ako eh!"

"Sige na nga HAHAHA! I'm satisfied na nabwiset kita!" ani Kuya at tinapon sa'kin pabalik yung unang tinapon ko sabay diretso sa kwarto nya.

Hays, ba't ang boring ng bakasyon ko, huhu.

*TING*

May notif?

Jasper updated his status.

Ay walang kwenta. Si Unggoy lang pala. Siya nga pala ang pang-lifetime rival ko, like mula bata lagi kaming magkaaway, kahit magkaibigan yung mga magulang namin.

Pa'no ba naman kasi, lagi nya akong inaasar tapos pinagtitripan pero siyempre di ako nagpapatalo no! Kaya ayun, hanggang mag senior high kami, nag aaway pa rin kami. Para kaming aso't pusa kung tawagin.

I wonder ba't nag-pop up 'tong bwiset na 'to sa notif ko! Ma-open nga.

"Oy Roxel, susunduin ko na si Mama sa airport ah! Mag linis ka!" sabi ni Kuya na sumulpot na naman sa pintuan ko.

"Malinis naman dyan sa labas ah!"

"Di naman sa labas yung lilinisin mo eh! Yung kwarto ko HAHAHA!"

"Lumayas ka na nga bwiset! Ingat kayo ni Mama," at sa wakas, umalis na rin ang bwiset kong Kuya.

San na ba 'ko ulit? Syempre, nasa kwarto ka, Roxel, bobo lang? Ay, yung post ni Unggoy.

Jasper

ONE DOT, IPI-PM KITA KUNG CRUSH KITA O HINDI.

Mukhang bored din 'to ah? Sharedposts na ata ang napagtripan neto HAHAHA. Hmmm, pagtripan ko kaya?

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon