Just Dance (Imagine)

24 2 1
                                    


Jaycee's POV

I'm wandering alone here in SM Southmall. Wala lang, gusto kong gumala kaso di available mga tropa ko kaya ako na lang mag isang gumala.

Ano kaya unang pupuntahan ko?

Mag-McDo na nga lang at medyo nagugutom ako. Dumiretso na ako sa McDo at nag order. Syempre after makuha order ko diretso ako dun sa table na available, at saktong merong available na malapit sa glass wall kaya dun ako pumwesto.

Habang kumakain ay nagii-scroll lang ako sa TikTok app ko. Tamang heart lang sa mga bagong upload ni Kuya Yanyan. Yes, Ian Carl De Jesus of GForce. Crush na crush ko siya e, bakit ba?

Sheme! There's this new video of Kuya Yanyan na sobra kung magpakita ng abs mygahd! Kuya please mygahd, my eyes HAHAHA!

Why do I like him? I also don't know e, pero feel ko talaga dahil sa pagsasayaw niya yun.

Well, kung di nyo natatanong e, dancer din ako. Di ako malakas pero okay na, kaya sobrang hangang-hanga ako kay Kuya Yanyan. Lalo na, kahit pambabae o pang lalaki man yung sayawan, kering keri nya mygahd! Dagdag pogi points yun para sa'kin!

Wala akong paki kung iniisip ng ibang tao na bakla siya basta para sa'kin, siya na ata ang nag iisang mahal ko!

Saktong nasa pinakasulok naman ako kaya gumawa muna ako ng TikTok video update sa account ko featuring Kuya Yanyan pictures. Ginamit kong music yung Make You Mine ng PUBLIC at upload agad.

Syempre makapal tong mukha ng to kaya tinag ko na rin si Kuya Yanyan HAHAHA, ilang beses ko rin naman siyang tinatag pero di naman niya napapansin kaya okay lang.

*bzzzt*

TikTok

Yanyan De Jesus commented on your video.

(NOTE: di ko alam kung ganyan talaga HAHAHA)

Oh my God!

"What the--- seriously?! Nananaginip ba ako? Wait lang!"

Pinagsasampal sampal ko ang sarili ko at shemay! Tumingin ako sa cellphone ko at di ako nananaginip! Di lang napansin ni Kuya Yanyan ang video ko! Nag-comment pa siya! Oh my!

"Hahaha, cute," sabi ng lalaking nasa harap ng table ko. Naka-all black siya, black na cap, nakasukbit sa isang tenga nya yung black mask nya.

"Kuya, ako ba sinasabihan mong cute? Sorry kuya, wala akong piso pambayad sa'yo," kapal ng mukha ko no?

Syempre kaming dalawa lang naman yung tao dun e, sobrang kaunti ng tao dun e. Tsaka nakatingin siya sa akin nun.

Napangiti si Kuya at napailing. Tsaka nya nilagay yung mask nya. Shemay di ko man lang nakita mukha nya! Malay mo gwapo.

Makita na nga lang yun comment ni Kuya Yanyan.

@yanyandejesus1 such a cutie.

Weh?! Totoo na ba 'to?! Oh my God! Bless me! Waaah! Gusto kong sumigaw ngayon! Sheme talaga huhu! First time, huhu! This is the best day of my life!

Ini-screenshot ko agad iyon at minyday ko syempre papakabog pa ba ako? Ipagyabang ko na hanggang meron pa, kaso kung kelan ima-myday ko na, saka ako naubusan ng load, punyemas!

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa arcade na nadaanan ko kanina. Ilalabas ko muna ang saya ko sa Just Dance.

Pinalit ko muna ang dalawang 20-peso bills ko para makakuha ng 8 token tsaka diretsong naghulog sa Just Dance.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon