Can We Kiss Forever?

35 2 1
                                    


Daenerys' POV


"Ayan na si Daenerys oh!"

"Pre, ang ganda nya talaga!"

"Mygahd, kung lalaki lang ako niligawan ko na si ate Daenerys."

Yan lagi ang naririnig ko everytime na pumapasok ako sa school. I don't want to boast pero sabi nila ako raw ang pinakamaganda sa school namin. They even had a survey for that, kahit wala naman akong pakialam dun. Gusto ko lang maging normal student.

Dumiretso na lang ako sa classroom kahit alam kong panay tingin sa akin ang ibang estudyante.

"Uy By! Kaloka na talaga! Ang haba talaga ng buhok mo!" bungad sa akin ng bestfriend kong si Nymeria.

"Syempre, ganda ganda ng muse natin eh!" dagdag pa ng classroom president namin na si Theon.

Kaya nila nasabi yan ay dahil marami na namang naglagay ng love letters, chocolates at kung ano ano pang bagay sa desk ko. Binigay ko nalang yung mga chocolates sa katabi ko, yung mga letters naman ay nilagay ko sa box na pinaglalagyanan ko ng mga letters, ayoko kasing itapon, ang panget nun, pinaghirapan nila yun para sakin. Tapos yung ibang gamit, binaba ko na lang.

"Ito nga pala, Daenerys. Para sa'yo din, galing Italy pa yan," sabi ni Theon at inabot ang maliit na box. Isang bracelet.

"Thank you, pero dapat ka na nag abala," sabi ko.

"Ano ba yan, By! Okay lang yan! Bagay talaga kayo ni President, Daenerys oh!" sabat pa ni Nymeria.

Di ko na pinansin ang iba pa nilang pinagsasabi dahil napatingin ako sa kararating lang na classmate ko.

He's Khal.

He's the most mysterious person I've ever met. I don't know why, pero kasi, lagi siyang naka-mask, ewan ko kung may sakit siya pero di naman pwede na araw araw kang may sakit diba?

"Daenerys Buenavista!"

"Oh By? Ba't yun?"

"Tinatanong ka ni President kung maganda raw ba yung bracelet. Nakatingin ka na naman kay Khal eh!"

"Ah, maganda naman, President, salamat."

"Theon na lang, ang ano ng President eh, haha. Daenerys, may gusto ka ba kay Khal?" biglang tanong ni Theon.

"H-ha?"

"Imposible yun, President! Psycho ata yang si Khal eh! Di yan magugustuhan ni Daenerys!" sabat ni Nymeria.

"Ah-eh, wala. Di ko siya gusto. Ano kasi, ang misteryoso nya eh!"

"Psycho nga!"

"Uy By, wag namang ganyan. Di naman mukhang psycho si Khal eh!"

"Ano'ng di mukha? Tingnan mo nakatingin sa'yo oh!"

Lumingon ako at nahuli kong nakatingin sa akin si Khal. Pero umiwas din siya ng tingin sa akin.

"Hahaha, hayaan mo na si Khal, Nymeria. Sabi nga ni Daenerys, di naman siya mukhang psycho. Sige uupo na ako," sabi ni Theon.

Umupo na rin kami ni Nymeria at panay pa rin ang paglingon ko kay Khal. Nahuli nya akong nakatingin kaya yumuko na lang siya.

Sheme, nakaka-curious.

***

Papunta ako ngayon sa SM para makipagkita kay Khal. Hindi kami, hindi rin kami magde-date, ka-partner ko kasi siya sa project namin sa Philo.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon