8 Letters

108 6 0
                                    


Ken's POV

I'm currently walking towards our room. It's 7 am in the morning and our classes start at 8:30 am. Yeah, ang aga ko no? I just want to enjoy the silence in our room lalo na pag ikaw lang mag isa, ang sarap sa pakiramdam.

Everyday, ganun lagi ang routine ko. Maaga akong papasok, tapos tatambay sa room tapos saksak agad earphones sa tenga.

Silence.

The only thing I want here in our school pero syempre pag umaga lang yun kasi nagdadatingan sila.

Actually, di naman ako ganito nung bata ako. Nag-start lang talaga to nung Grade 8 ako, that time when--- ah basta, I like silence, that's all.

But, not today. Akala ko ako lang yung tao sa room, unfortunately, may isang babaeng nauna sa akin.

"Uy! Hello! I'm Yna Guevarra, transferee. Nice to meet you!" salubong nya sa akin at inabot ang kanang kamay nya para makipag hand shake.

I just noticed that she's, pretty. Very much pretty than anyone. Her features, every thing that I see on her, is pretty.

"Uy, classmate!"

"Ha? Ano?"

"Wala, sabi ko. Nakatulala ka kasi eh. Ano pong pangalan nyo?"

"Why?"

"Anong 'why' ka dyan, haha. Syempre kaklase kita, kailangan kitang kilalanin no!"

"No need. Yung iba na lang kilalanin mo," sabi ko at nilagpasan ko lang siya. Dumiretso ako sa upuan ko.

Naiwan siya dun at nakatingin pa rin sa akin. Blank face lang siyang nakipagtitigan sa akin. But suddenly, she just, smiled. Sht! Don't look Ken!

Isinaksak ko na agad ang earphones ko sa tenga ko para di siya mapansin at natulog na lang.

After an hour, may biglang kumalabit sa akin. Bumangon ako at napansing marami na ring mga estudyante sa room.

I looked to my right side, nasa left side ko kasi yung bintana at sa kanang balikat ko yung may kumalabit sa akin, kaya tumingin ako sa right side ko. And there she is, Yna. Inalis ko muna saglit yung earphones ko.

"Wag ka na matulog, 15 minutes na lang darating na yung teacher," sabi nya.

"I don't care," sabat ko at suot ulit ng earphones but I didn't play anything kaya narinig ko pa rin yung bulong bulungan nila.

"Uy Yna, wag mong kausapin si Alejandro, sobrang sungit nyan," that's Remi.

"Oo nga, di yan kumakausap ng tao eh. Ayaw nyang may kumakausap sa kanya. Masakita pa yan magsalita. Saka lang yan magsasalita ng maganda pag about academics lang," yeah, Casper.

Actually, totoo naman lahat ng sinasabi nila eh, I don't care about everything.

"Uy ang sama nyo naman, haha. Di naman ata. Cute nga eh, ka-ugali nya si Ken sa story na nabasa ko sa Wattpad, yung 8 Letters haha. Di rin yun nangungusap eh," seriously, who's this girl? Sht Ken, pigilan mo sarili mo.

"Tumpak ka Yna, Ken din pangalan nya eh!"

*kringgggg*

Bell na pala. Inalis ko ang earphones ko at pumasok na rin ang teacher namin and the classes started.

Lunch

Andito ako sa likod ng school namin, may mga talahiban dito at maganda ang view. Ako lang ang nakakaalam sa lugar na 'to kaya tahimik din.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon