Jumpy Jumpy Tournament

13 0 0
                                    

Carmilla's POV

Lunch break namin ngayon at di ko alam bakit dinala na naman ako ng mga paa ko papunta sa STEM building. Ewan ko ba, gusto ko lang naman siya makita eh.

Ah, alam ko na. 'Pag na-weirduhan sila bakit ako lagi nandito tuwing lunch break, sasabihin ko, bibisitahin ko kuya ko, kahit hindi naman. Yung bakulaw na yon? Bibisitahin ko? Asa!

Kung di lang nya talaga best friend yung crush ko...

Nang makalapit na ako sa classroom nila, nakita naman ako nung isang kaklase ni Kuya, yung Valir ba yun?

Hm, ano kayang palusot ko? Sabihin ko kayang miss ko na siya? Ay ew, halatang sinungaling ako. Di kami nagga-ganunan ni Kuya eh.

Ay wait, may chocolate pala akong binili.

My dear chocolate, isasakripisyo muna kita ha? Makikipag-unahan na lang ulit ako para makabili mamaya---

"Carmilla."

"ANDITO AKO PARA KAY KUYA! DI KO BIBISITAHIN SI---OOPS," tae muntikan na yun!

Shemay, pinagtitinginan ako ng mga estudyante rito, huhu. Pa'no ba naman kasi, napalakas boses ko, huhu. Sana di 'to malaman ni Cecilion.

Humarap naman ako dun sa taong kumalabit at tumawag sa'kin para sigawan pero laking gulat ko, t@ena, si Cecilion pala! Walang hiya!

"Oh Carmilla? Sino yung di mo bibisitahin?" si Kuya yon.

Nagmadali akong lumapit kay Kuya at inabot ang chocolate sa kanya.

"Oh."

"Magaling, alipin. Mabuti naman at nagpapakabait ka na sa'kin. Ipagpatuloy mo yan."

Tae kuya, ang sarap mong sapakin ngayon. Pasalamat ka at wala tayo sa bahay tsaka andito crush ko, kung hindi talaga, hays!

"Tsk. Aalis na 'ko. Pinapabigay yan ni Odette, comeback na daw kayo."

Bigla namang nag ningning yung mga mata ni Kuya na para bang nagtatanong na "Totoo?".

Sabi ko na eh, kahinaan neto best friend ko eh. Nag-break kasi sila ni Odette last month dahil kailangan muna raw nila ng space kasi bumababa na raw yung grades ni Kuya kaka-focus kay Odette.

Well, totoo yon hahaha. Pero for sure naman magbabalikan sila, ayaw lang talaga maging hadlang ni Odette lalo na't graduating si Kuya. Bahala na sila don.

"Joke lang, naniwala ka naman. Ayusin mo muna grades mo, kuys."

"Bumalik ka na nga sa building mo! Ito lang ba pinunta mo? O baka may iba kang titingnan dito? May crush ka ba sa mga kaklase ko?"

Di alam ni Kuya na crush ko si Cecilion, syempre mas palalayuin nya ako don. Kahit may pagkabaliw yung Kuya ko, sobrang protective nyan.

"W-wala syempre, m-mukha kang tanga Kuya, hehe."

"May crush ka sa mga kaklase namin, Carmilla?" si Cecilion naman yung nagtanong.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon