Sharedpost

22 0 0
                                    


Aki's POV


What the heck?! Di na ba kami talaga titigilan ng mga school works na yan? Like, magba-bakasyon na oh? Tapos sunud sunod pa yung pa-projects nyo?

"Do you have a problem with that, Ms. Hernandez?" biglang tanong ng teacher namin.

"M-Ma'am? What do you mean po haha. Wala po akong problema, hehe," sabi ko at binigyan si ma'am ng pekeng ngiti.

Shemay, di ko na pala namalayang salubong na salubong yung kilay ko nung in-announce ni ma'am yung mga deadline ng projects namin.

After nun ay dinismiss na kami at umuwi ako kaagad sa bahay. Syempre, dali daling nagpalit ng damit tapos humiga sa kama at nagbabad sa internet.

Shared.

Shared.

Shared.

Kung hindi nyo naitatanong ay isa po ako sa samahan ng mga sharedposter. Yung tipong, wala kang ka-late night talks tapos GC pa yung bumubuhay sa Messenger mo, kaya ang nagagawa mo nalang ay puro sharedposts.

Sunud-sunod akong nag share ng mga posts na bet ko hanggang sa napatigil ako sa isang post.

Sky Cortez.

Di ko siya kilala pero nag-comment sa post niya yung mga dati kong kaklase.

SANAOL JOWABLE

Yan yung shinare nya. Nakita ko naman sa comment ni Alex, yung dati kong kaklase na bakla.

Alex Mañago:

Hoy fafa Sky! Ang jowable mo nga eh!

Knowing na si Alex ang nagsabi nyan, e magaling yun humanap ng gwapo kaya inistalk ko si Sky.

Oh what da packening! Langya ang gwapo nga! Bumalik na kaya ulit ako sa dati kong school no? Shemay ang gwapo nya talaga as in!

Kinuha ko yung Sprite na galing sa ref namin at uminom habang iniistalk si Sky.

Shemay! Ang gwapo niya talaga. Pinindot ko yung picture niya na candid, sobrang cute nya---

"Ay pusang gala! Shet, natalsikan yung phone ko!"

Bigla nalang may tumulo don sa Sprite at natalsikan yung phone ko. Pinunas-punasan ko ang phone ko at---shet!

You shared this post.

F*ck! Na-share ko yung picture nyaaa!

Dali-dali akong pumunta sa timeline ko at walangya! Nag-restart pa yung Wi-Fi namin! Walanjo!

T@ena! Bilisan mong Wi-Fi ka! Shet shet shet! Pagkabalik nung Wi-Fi ay bumalik ulit ako sa timeline ko at walangya may nakapag react na, at best friend ko pa?! Dinelete ko agad yon.

Biglang nagpop-up yung chat head ni Aries.

"Hoy babae! Crush mo pala kaklase ko ah?"

Lagot!

"Hoy lalaki! Di ko nga kilala yon tapos crush ko? Baliw!" reply ko.

"Di raw kilala, eh shinare mo picture niya eh! Bisita ka ulit dito, ipapakilala kita. Tropa ko naman yon e," reply niya.

"Ih wag na! Nakakahiya baliw!" hays, shemay.

"Kitams! Crush mo nga! Dali na, bisita ka next week ah? Pag di ka bumisita, di talaga kita ichachat ng isang buwan!" chat niya at bigla siyang nag offline.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon