Prom

25 1 2
                                    


Imee's POV

"So students, mandatory yun, ah. Required kayong umattend. That's all, class dismissed."

Pagkaalis na pagkaalis ng adviser namin ay nagkumpol kumpol na naman ang mga magbabarkada. Syempre pumunta na rin ako sa mga barkada ko.

"Uy Imee, magpa-prom na oh, di ka pa rin kilala ng crush mo. Diba gusto mo yun maging partner sa prom?" tanong sa akin ng best friend kong si Beatrice.

"Eh pa'no ba naman, di rin siya kilala ng crush, ayaw pang i-add sa Facebook amp," sabat ni Yana.

"Hays, oo na, oo na. Namomroblema na nga ako eh. Syempre alam kong di ako aayain nun, kaya gusto ko sanang ako na lang mang aya," sagot ko.

Nagtawanan naman yung dalawa. Mga mukhang tanga, walangya. Buset.

"HAHAHAHAHA! Di ka nga kilala nun tapos mang aaya ka pa? HAHAHAHAHA!"

"Oo nga, Imee! HAHAHA wala ka sa Wattpad para mag day dream na papayag yun sa'yo HAHAHAHA!"

"Minsan talaga nagtataka ako kung bakit ko kayo naging kaibigan, huhu."

Tumigil na rin sila sa pagtawa nung sinabi ko yun pero ngiting ngiti pa rin sila.

"Okay, okay, para sa birthday girl, tutulungan ka namin," sabi ni Yana na nagpupunas pa ng luha kakatawa.

"Hahaha, sige sige, kailan ba yan ha?" tanong ni Beatrice.

"Sa birthday ko."

At tumawa ulit ang dalawang gunggong. The day before kasi ng prom yung birthday ko.

"Mukhang asang asa ka talaga na papayag yun no? Sinakto mo pa sa birthday mo dai, hahaha."-Beatrice

"Hays, tama na nga, tulungan nalang natin, Beatrice. Birthday naman nya eh."-Yana

"Basta kahit ano'ng sagot ibigay nya, promise mong pupunta ka pa rin ng prom? Dapat kumpleto tayo nun!" dagdag ni Beatrice.

Tumango tango naman ako. Pero nakapag decide na rin ako. Pag oo ang isasagot nya, magiging crush ko pa rin siya. Pero pag hindi, hahanap na talaga ako ng bagong crush. Hirap kaya umasa no!

Sa mga sumunod na araw, naghanda lang kami nila Beatrice at Yana. Sabihin nyo nang desperada ako pero isang beses ko lang naman 'to gagawin kaya okay lang.

Kahit pagtawanan pa ako ng ibang estudyante, bahala na. Malay mo sumikat pa ako pag may nag video diba? HAHAHAHA let's look lang to the positive side! Fighting!

*the day before the prom, ang promposal*

"Uy Imee handa ka na ba?" tanong sa akin ni Yana. Bitbit nya ang cartolinang may nakalagay na "Will you be my prom date?"

"Medyo kinakabahan pero kaya pa!" positive kong sabi.

"Sigurado ka na ba? Di ka nag aalala sa mga sasabihin ng iba?" tanong ni Beatrice.

"Hays, andito na eh! Ayoko na 'to atrasan! It's now or never!"

"Ganyan ang fighting spirit ng isang Imee Rivera!" ani Yana.

Kinuha na namin ang mga kakailanganin at pumunta sa STEM building.

Buti nalang di kami nahahalata ng ibang estudyante. Sakto at recess pa dahil kaunti lang ang tao sa room nila.

Pumunta kami sa 4th floor at dumiretso sa room nila. Nahihiya pa akong pumasok kaso tinulak ako nila Beatrice papasok.

"KUYA YUAN! WILL YOU BE MY PROM DATE?!" sigaw ko nang nakapikit. Narinig ko namang nagsigawan yung mga kaklase nya.

"I-Imee..." rinig kong sabi ni Yana.

Dinilat ko ang mata ko---

"Imee, sorry, I-I don't know," sabi ni Beatrice.

Kitang kita ko sa harap si Kuya Yuan, may hawak din na banner, mag propropose din para sa prom, pero para kay Beatrice.

Nabitawan ko ang banner. Humarap ako kay Beatrice.

"Okay lang ako, mauuna na ako. Sorry po sa abala," sabi ko rin sa kaklase ni Kuya Yuan.

Tumakbo ako palayo sa room na yun. Napunta ako sa school ground. F*ck. Ba't ganto? Crush ko lang siya pero naluluha ako. Mukha na akong tanga rito. Pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante sh*t.

Shemay, gusto ko na umalis dito. Ba't sobra akong nasasaktan?! Dapat nga maging masaya ako para sa bestfriend ko! Bakit?! Bakit---

Biglang may humila sa braso ko. Lumingon ako pero humarap ulit ako papunta sa dadaanan ko.

"Imee, wait. Mali ka ng inaakala---"

"Okay lang po, Kuya Yuan. Ayain nyo na po si Beatrice," sabi ko at pinipilit kong alisin ang kamay nya sa braso ko.

"Imee! Hear me out first!"

"Okay lang po talaga Kuya Yuan---"

"I like you, okay? Only you! Kaya humarap ka na sa'kin at magpo-propose pa ako!"

Napalingon ako sakanya na gulat na gulat. F*ck ang gwapo nya talaga.

"Nagkamali ka kanina. Yung bestfriend ko yung magpo-propose dun sa bestfriend mo. Hawak hawak ko lang banner nya kanina. Sabay sabay sana kami magpo-propose sainyong tatlo kaso bigla kang pumasok sa room kaya akala mo ako magpo-propose sa kanya. Tapos nakita ko yung banner mo, di ko alam na magpo-propose ka rin sa'kin."

"Oh kita mo na? Desperada ako na maging prom date ka! Kaya layuan mo na ako kasi desperada na ako."

"Hays, Imee. Mas gusto ko yung babaeng matapang, okay? Gaya mo. Pero syempre ikaw mas gusto ko."

T@enaaaaaaa! Ano ba Kuya Yuan?! Namumula na ako.

"Let's do the formal proposal."

"Di pa ba proposal yun?"

"Wait ka lang kasi, Imee. Guys, sorry, mauuna na ako!" sigaw ni Yuan at pumalakpak.

Bigla namang may bumabang mahabang cartolina mula sa 4th floor, mula sa room nila Yuan hanggang sa 2nd floor.

Oh my God. Don't tell me, na nag effort siya ng ganto para sa'kin?

Nagpakita ang malaking banner mula 4th floor hanggang 2nd floor na may sabing "Will you be my prom date, Imee Rivera?"

Sh*t nakakahiyaaa, oh myyy pinagtitinginan na kami.

Bigla namang may hawak nang bouquet na may lamang burger, fries and drinks si Yuan with Ice Bear na stuffed toy.

"I know these are your favorites kaya ito nalang ibibigay ko instead of flowers. Ikaw ba naman pagmasdan ko araw araw diba?"

Sh*t I-I didn't know that.

"Though di mo pansin na gusto rin kita, Imee, gugustuhin at gugustuhin pa rin kita, baka mahal na nga rin tawag dito eh."

Oh my ba't parang naiiyak akooo huhu. Sobrang nakakakilig na nakakaiyak huhu.

"Basta gusto kita, Imee Rivera! I really like you or maybe, I'm really in love with you, so, will you be my prom date for tomorrow?"

Shemay, the best birthday gift na para sa'kin 'to huhu.

"YES! YES! YES! YES! YES!" sigaw ng mga estudyante.

"Of course! I want to be your prom date, Yuan Monteverde!"

And he hugged me and told me "Thank you. This is my best birthday gift ever."

Saka ko naalala na same pala kami ng birthday. This is our best birthday gifts ever.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon