Serina's POV
*mas magandang basahin 'to habang nakikinig ng Demonyo by JK Labajo, wala lang, suggest ko lang HAHAHA*
Kakarating ko lang galing sa palengke dahil inutusan ako ng Kuya ko na bumili ng mga groceries pang-stock para sa gagawing 1-week community lock down.
Di pa rin kasi matigil ang pagtaas ng bilang ng naaapektuhan ng virus at ang mga pasaway na mga mamamayan ay nadadagdagan din.
"Kuya matutulog muna ako, pagod na pagod ako eh," sabi ko kay Kuya na nanonood sa sala.
"Sige sige. Sleep well, gisingin na lang kita pag dumating na si Papa," ani Kuya.
Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga. Tinitigan ko ang aparador ko. Nakakatawa dahil ngayon ko lang na-realize na mula pagkabata ay nakasama ko ito, ang daming memories lang, inaalala ko lahat ng mga iyon, ang saya.
At bigla na lang ako nakatulog, sa gitna ng pagre-reminisce ko.
Ilang sandali pa't biglang may gumising sa'kin.
"Kuya? Bakit ba? Sabi ko matutulog ako---"
Wait. Nasa kwarto ako pero bakit, iba yung aura?
"Eh sabi ko diba gigisingin kita pag andyan na si Papa? Andyan na siya! At hindi lang siya! Pati si Mama at Ate andito rin!" hala?! talaga?!
Bumangon ako kaagad at lumabas patungong sala.
Naabutan kong kumakain sila Mama, Ate at Papa. Tumabi kami nila Kuya sa gilid at nakikain din. Sobrang tagal na pala mula nung sama sama kaming kumain, na-miss ko 'to!
"Huwaaa! Ang sarap mo talagng mag-bake Ate! Sana kasing galing mo rin ako mag-bake, huhu," sabi ko at naki-kagat pa ng isang cookie na binake ni Ate.
"Hahaha, ano ka ba? Kaunting practice lang at matututo ka rin," sagot ni Ate.
Tumawa naman sila Mama, Papa at Kuya. Napansin kong ang dungis na pala ng mukha ko kaya tumawa rin ako.
Pagkatapos ng kaunting pagsasalong iyon ay dumiretso kami ni Ate sa kwarto ko. Ewan ko ba bakit dalawa lang kwarto namin HAHAHA.
"Ate, good night, na-miss ko kayo," sabi ko kay Ate bago matulog.
"Miss you din, bunso," sagot ni Ate.
"Pero mas miss kita, Serina."
Nagulat ako sa nagsalita. Walang tao maliban sa amin dito ni Ate at ang mas nakakagulat pa eh, pang lalaking boses iyon!
"Oh, bunso? Ano ang hinahanap mo?"
"Di mo yun narinig Ate? May isang lalaki rito!"
"Ikaw lang ang nakakarinig sa'min, Serina."
Ayun na naman siya! Mukhang sa aparador ko nanggagaling! Binuksan ko iyon ngunit walang tao!
"Matulog ka na lang bunso. Ipagpabukas mo nalang iyang hinahanap mo at baka guni guni lang yang naririnig mo. Yan kasi, panay ang panonood sa anime. Matutulog na rin."
Habang hinahanap ko ang may-ari ng boses sa aparador, bigla nalang may humila sa'kin!
"Ano ba? Ano'ng---ginagawa mo?! Nasasak---tan ako! Ano ba?!"
S-sinasakal n-nya a-ako!
"Alam ko, at yun ang plano ko!"
"Bunso? Ano bang nangyayari sa'yo?!"
Tumingin ako kay Ate at wth?! Lumulutang ako!
Kumaripas ng takbo si Ate at narinig ko ang paglapit nila Mama at nagulat sila sa nakita nila.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceBored ka ba? Walang magawa? Wala kang ka-chat no? Ghinost ka no? O baka ni-seenzone? Ah, na-friendzone. Hindi rin? Hmm, di ka ni-crushback? Di ka nya type no? Ah, type nya best friend mo? Binasted ka? Alam ko na, binigyan ka ng motibo tapos tang...