React

17 0 0
                                    


Happy's POV

Heart

Haha

Sad

Angry

Shemay anggaganda ng mga sharedposts ng mga friends ko sa Facebook ah? Ma-share nga din.

Hello! I'm Hannah Pirquez but my friends call me Happy, ang common daw kasi ng Hannah kaya pinagsama nila yung two letters ng first and last name ko.

Anyways, like ate Aki, isa rin ako sa miyembro ng samahan ng mga sharedposts kaso medyo malala nga lang ako, kasi...

I HATE LIKE REACTS ON MY POSTS.

As in, ewan ko ba! Dati di naman ako ganto pero pag may nakikita akong blue sa mga posts ko, naiinis ako.

Pero alam mo mas nakakainis don?

Yung crush ko pa yung puro like reacts sa'kin nako!

Actually, kahit kanino naman atang posts, puro like reacts siya mygahd! Kung ordinary friend ko lang siya sa Facebook, nako dati ko na siyang in-unfriend kaso hindi! Crush ko yun! Mawawalan ako ng updates pag in-unfriend ko diba.

Klyde reacted on your post.

Shet! Nag-react siya?!

Dali-dali kong clinick yung post at yun pa yung sharedpost ko na patungkol sakanya.

CRUSH, MAG-INGAT KA HA? IKA-CRUSHBACK MO PA AKO.

Oh my! Kaso---

"Walanjo naman bebe Klyde! Like na naman? Iisipin ko talaga gusto mo 'ko! Kase puro ka like hayst!"

Kitams, naga-assume na naman ako, shemay kasi ba't ba kasi crush na crush kita Klyde! Kung hindi ka lang talaga gwapo, matalino at singerist na guitarist nako, nakakabwiset ka!

Kinabukasan

Last class na namin ngayong araw at bukas na ang graduation naming mga senior highschool students at sobrang saya ko ngayon.

Bakit?

Well, magkakasama lang naman ulit kami ni Klyde sa iisang school next year! Huwaaa! Shemaaay!

Pero, bakit kaya pinili niya sa PUP kesa sa UP mag-aral no? Sayang, nakapasa pa naman siya don. Well, ako rin naman nakapasa kaso ayoko ma-stress don no. Triny ko lang talaga kung keri ko HAHAHA. Baka same lang kami ng reason ni Klyde.

"Oi Happy! Nagde-daydream ka na naman!" si Ritz, best friend ko.

"Anong daydream ka dyan?! Wala no! Masaya lang ako kasi gagraduate na tayo!" sagot ko.

"Dahil ba dun o dahil magkasama ulit kayo ni Klydehdjfjnfjskn---" tinakpan ko kaagad yung bibig nya kahit alam kong narinig yun ng mga kaklase ko dahil sa malaking bunganga ni Ritz.

"AYIEEE!"

"KLYDE OH, SI HAPPY!"

"SANAOL!"

Nako! Nag-simula na naman sila! Alam kasi nilang crush na crush ko si Klyde kaya ayun hayst!

Tiningnan ko si Klyde at naglalaro lang siya ng ML. Walang pake amp!

"Hello, si Happy po?" ay, si Jacob.

"Oh ayan na manliligaw mo, Happy!" sigaw ni Ritz.

"AYAN NA ANG KARIBAL!"

"SAGUTIN MO NA HAPPY, AYAW NI KLYDE EH!"

"OO NGA HAPPY! GAGRADUATE DIN NAMAN TAYO!"

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon