Somebody To You

16 0 0
                                    


Aphro's POV


Hey there, peeps. I'm Aphrodite Estrera, Aphro in short.

At kung iniisip nyong maganda ako, nagkakamali kayo. Imbes na Aphrodite lang ang pangalan ko maganda na agad? Pero ewan ko sa iba, sabi nila oo raw pero pang average lang naman yung mukha ko. Basta malay ko sa kanila.

"Bukas na raw magsisimula yung trabaho ko," ani Mama habang kumakain kami.

Kasama ko yung Mama at Papa ko pati na rin yung bunso naming lalaki. Pinaguusapan kasi namin yung pagiging katulong ni Mama ngayon na in-offer ng kumare nya.

"Pero Ma, kailangan ba talaga? Mas lalo kayong mapapagod nyan eh. May sakahan naman tayo dun sa probinsya baka kakayanin na yun," singit ko.

"Alam mo namang matagal pa ang perang makukuha dun, 'nak. Kailangan na ng kuya at ate mo nung pera. Tsaka ikaw rin, magka-college ka na rin next year," sagot ni Mama.

"Aphro, anak, itong ginagawa namin ng Mama ay para rin sa inyo para maganda yung pag aaral nyo," sabi naman ni Papa.

"Pero Pa, pwede rin naman ako maghanap ng trabaho eh," sabat ko.

"Hayst, Aphro. 17 ka palang, tapos minana mo pa sa amin yang kagandahan mo, baka mapahamak ka lang."

"Yan na naman, Ma eh! Sabi nang common lang naman 'tong mukha ko eh."

"Ayusin mo nga yang pananamit mo, Aphro. Kaunti na lang at magmumukha ka nang tomboy. Tapos yung mga manliligaw mo rin, binubugbog mo."

"Nubayan Pa! Eh sa ayokong mag boyfriend tapos pinipilit pa nila, syempre bugbog aabutin nun sa'kin!"

Napailing na lang yung dalawa kong magulang.

Ewan ko ba, komportable lang talaga ako sa mga panlalaking damit eh. Yung ibang damit nga ni Kuya na di na ginagamit, kinuha ko na eh.

Hayst, gusto ko na talaga mag 18 para matulungan ko sila Mama. Dati kasi, kaya pa nila Mama yung gastos lalo na't may pinapadalang pera naman galing sa palayan namin sa probinsya pero kasi ngayon, graduating na yung kambal kong ate't kuya kaya doble ang gastos.

"Alis na ako, Ma, Pa, Dionysus!" paalam ko sa kanila.

Kinuha ko ang skate board ko at pumunta sa community park namin. May isang hidden place akong nadiskubre dun na pinangalanan kong Olympus.

Nang makarating ako dun ay dumiretso ako dun sa bandang lilim ng puno. Inalis ko muna ang cap ko at ginilid kasama ng skateboard ko.

Nilabas ko naman yung maliit na speaker ko at nag-practice ng mga sayaw. Gumawa rin ako ng sarili kong choreography.

Naisip ko kasi na baka pwede ako magturo ng sayaw tapos pagkakitaan ko, oh diba, pantulong na rin yun kila Mama.

Playing: Fast by Sueco the Child (Remix) feat. Offset & A Boogie Wit Da Hoodie

Fast, four hundred on the dash
Fifty five bills, buck fifty for the tax on the bag

Kaunti na lang and... WOAH! Tapos na!

"Hey!"

"Ay pusang galang nakita ng nene sa kalsada---ano ka ba?! Alam mo bang nakakasamang manggulat ha?!"

T@ena! Nagulat ako sa bwiset na lalaking to! Wait---Pa'no nya nahanap 'to?

Playing: Somebody to You by The Vamps

I used to wanna be
Living like there's only me
But now I spend my time
Thinking 'bout a way to get you off my mind

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon