Alexandria's POVDecember 21, 2012
Hi mahal!
Wala nang 'dear dear', okay? Alam mo namang ayoko ng mga ka-echosang ganun, hahaha. Diba gusto mo ng mga ganitong liham, mahal? Kaya ginawan kita, hihi, last naman na eh kaya bibigyan kita ng isang liham ng pamamaalam.
Sana okay lang sa'yo na tawagin kitang 'mahal' kahit wala nang tayo. Di naman magagalit yung haliparot mong best friend noh slash pinsan ko? Kasi nga siya na yung bago mo ngayon. Tsk, bitter pa rin ako sa inyong dalawa! Wala eh, mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon kaya di ko pa rin matanggap na pinagpalit mo 'ko sa higad na yun. Oo, mahal na mahal pa rin kita. Though, siya rin yung naging tulay natin para magkakilala tayong dalawa.
Don't worry, last letter ko na 'to para sa'yo dahil pagkatapos nito, papalayain na kita, di ko na kayo gagambalain ni Pia at di na ako magpapaka-bitter. Kahit mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon, kailangan ko nang mag-move on sa'yo, syempre unfair 'pag ikaw lang nagpapakasaya sa'ting dalawa diba?
Pero bago ako mag-move on, I want to reminisce some memories, lahat lahat ng mga alaalang kasama kita, kung sa'n nakaranas ako ng lungkot at saya.
Naalala mo pa ba? Bakasyon nun at umuwi kami ng probinsya, sa bahay nila Pia to be exact. Sobrang arte at maldita ko pa noon siguro dahil laki akong siyudad pero ewan ko ba, nawala lahat ng iyon nang makita kitang nakikipaglaro kay Pia at Atlantis sa may damuhan. Pumunta rin ako sa may damuhan kahit ang dumi dumi na ng bago kong designer shoes. Ang palusot ko pa nun, ay para batiin si Pia, hahaha. Mga senior highschool na tayo nun pero nakakaya nyo pa ring maglaro ng parang bata kaya napangiwi ako nung nakita ko kayo. Nakita mo rin ako at napatigil, pati na rin sila Pia. Binati ako nila Pia at Atlantis kaya agad mong nalaman ang pangalan ko. Nagtititigan pa rin tayo nun, kaya nung bigla kang ngumiti sa'kin, pinigilan kong ipakita yung kilig ko para di mo mahalata kaso mahirap talaga eh kaya napangisi ka. Nilapitan nyo ako at ipinakilala ako ni Pia sa'yo, tapos ikaw naman yung pinakilala nya sa'kin. Sabi nya, "Alex, si Alexander Valdez pala, pinsan ni Atlantis, kaklase at best friend ko." Tumango tango lang ako sakanya at pinipigilan ang ngiti ko dahil halos kapangalan din kita. Tae, ang gwapo gwapo mo nun kahit medyo pawis ka pa, lalo na't di mo inaalis yung ngiti mo sa'kin nun, kaya kilig na kilig ako.
Pero mas kinilig ako nung bigla kang nagsalita. Napaka-baritono nung boses mo, pang ideal man grabe kaya hulog na hulog ako sa'yo hanggang ngayon eh.
"Alexandria Morales, tama ba? Hindi ba't mas mabuting pakinggan kung ang iyong magiging pangalan, binibini, ay Alexandria Valdez?"
Naalala ko pa sobrang pula nung pisngi ko nun dahil sa sinabi mo! Kahit napaka-corny dahil nag-full Tagalog ka pa nun, kilig na kilig pa rin ako kasi bagay na bagay yung boses! Kaya mula noon, inasar asar na rin tayo nila Pia at Atlantis sa isa't isa.
Nagtagal ako ng dalawang buwan nun at kayo lagi nila Pia at Atlantis ang kasama ko, hindi lang dahil magkaka-age tayo, dahil din sa pagkagusto ko sa'yo. Bago ako umuwi nun sa Maynila, naglakas loob akong magtapat sa'yo kahit sa tingin ko ang liit ng pag asa ko. Syempre, ako, tamad, maldita at napakaarte tapos ikaw, gentleman, matalino, friendly pa! Hindi kayo ganun kayaman pero lagi mo akong nililibre kahit na ayaw ko. Pero kahit ganun, ayokong umuwing nagsisisi dahil di ko nasabi ang nararamdaman ko para sa'yo.
At yun na nga, nung nagtapat ako sa'yo, niyakap mo lang ako nun! Nagulat ako at iniisip na unrequited lang yun kaya mo 'ko niyakap pero bigla kang nagsalita.
"Mahal din kita, aking anghel. Hintayin mo lamang at ika'y aking susundan sa siyudad para ika'y akin nang makasama."
Tae talaga yang mga linyahan mo, kahit napaka makata mo nun, nakakakilig ka pa rin. Napakalayo mo sa ideal man ko dahil bet ko talaga yung English speaking na lalaki pero ikaw binigay sa'kin ni God eh at syempre swerte ako na binigay ka nya sa'kin kahit pansamantala lang.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceBored ka ba? Walang magawa? Wala kang ka-chat no? Ghinost ka no? O baka ni-seenzone? Ah, na-friendzone. Hindi rin? Hmm, di ka ni-crushback? Di ka nya type no? Ah, type nya best friend mo? Binasted ka? Alam ko na, binigyan ka ng motibo tapos tang...