Make You Mine (Hers)

52 1 0
                                    


Astrid's POV


November na ngayon at kakatapos lang ng sembreak namin and super saya ko! Why? Syempre makikita ko na naman ang crush ko!

11:30 am palang ay umalis na ako sa bahay para magkasabay kami ni Nate papuntang school, lagi kasi siyang maagang pumapasok.

Unfortunately, mukhang nauna na naman siya sa akin! Ewan ko ba kung ano'ng nakain ng lalaking yon at sobrang aga kung pumasok! Pero kahit ganyan siya, gusto ko pa rin siya, hehe.

Dumiretso na ako sa school at as usual, andun na naman si Nate sa canteen na medyo malapit sa hallway papuntang room namin, at may kinakalikot na naman sa cellphone nya. Kaunti na lang talaga iisipin kong may pinipicturan siya, maliban sa photographer siya eh bigla bigla na lang nya tinututok kung saan yung cellphone o camera nya.

Nag-try akong dumaan sa harap nya, pero as usual pa rin, di niya ako napapansin. Ewan ko nga kung kilala niya pa ako e.

Actually, nag tapat ako sa kanya bago mag sembreak pero alam nyo ba kung ano'ng sinabi niya sa'kin?

"Ah, okay."

Wow talaga! Yan lang sinabi niya sa akin tapos nag walk out siya sa harapan ko! He left me there dumbfounded! At ngayon, pinapamukha niya talaga sa akin na wala siyang paki!

Pero no! Ang isang Astrid na katulad ko ay hindi susuko! Kahit ganyanin man nya ako, gusto ko pa rin siya!

"Yo, Kuya Nate! Ano'ng ginagawa mo?" tapang na sabi ko.

"Nothing."

"Pero may kinakalikot ka sa cellphone mo e."

"I said, nothing."

"Naaalala mo pa ba ako Kuya Nate? Yung bago mag sembreak? Yung nagtapat sa'yo?"

"Yeah, I know."

"Ganyan ka ba talaga makipag usap sa'kin?"

"You see, kilala na kita. Lagi mo 'kong inaabangan tuwing recess. Lagi kang sumasabay sa akin pag pupunta akong school. You even ask my friends if I'm absent or not in every class of mine. Kaya kung tinatanong mo kung kilala kita, okay, kilala kita. Okay ka na?"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nag walk out na naman ang gunggong! Pero imbes na mainis ako, medyo napangiti ako. Ibig sabihin nun, napapansin nya rin ako? Oh my God!

Simula nun, mas nagpapansin pa ako sakanya. Kahit mga teachers at mga kaklase ko at nya ay alam na crush ko siya. Bakit ba? Hindi lang dapat lalaki ang gumagalaw no! Pwede rin kaming mga babae.

Everyday, I bring towels for him kasi pag naglalaro siya, lagi nyang nakakalimutan magdala. Pati payong din, kasi pag umuulan lagi na lang yun nagpapabasa sa ulan.

I also give him chocolates tuwing may long test or exam nila kasi madali siyang makatulog kapag tapos na siya mag-exam kaya ayun, napapagalitan siya ng proctor. Matalino kase masyado.

Ano reaction niya sa mga pinaggagawa ko? Actually diko rin alam e. He's always giving me this poker face kahit ano'ng gawin ko. Tapos ayun, madalas, nagwa-walk out sa harap ko. Ewan ko ba dun, daig pa babae kung mag walk out.

But one day, I didn't know na may mangyayaring kung ano sa'min.

Bibigyan ko na sana siya ng bagong bake kong brownies pero nilapag nya lang sa desk nya yun at hinila ako palabas ng room nila hanggang sa umabot kami sa may soccer field.

"Please, Astrid. Itigil mo na nga 'tong ginagawa mo! Even I don't give reactions to you, sobra na yung ginagawa mo! Don't you have time for yourself? Hindi yung inuubos mo oras mo sa paggagagawa ng kung anu-ano para sa'kin!"

Nagulat ako nung sinabi niya iyon. I didn't know.

"Pero---"

"Wala nang pero pero! You see, last week ginawa mo yung research ko at pinasa sa teacher ko! Nang di ko alam, Astrid, nang di ko alam! I know you're smart pero that's my obligation not yours!"

At that moment, napaiyak ako. Yes, I did his research. I finished it and passed to his teacher. I spend many nights para matapos yun kasi marami siyang pinagkaka-busy-han nun kaya tinulungan ko siya. I didn't know na ganto magiging reaction nya.

"Uy ilag kayo!"

May papuntang bola sa amin at hinarangan ko si Nate.

"What the?! Astrid! Ano ba! Di nyo ba nakikitang may tao rito! Get your f*cking ball and get your ass out of here! Now! Astrid! Hey! Are you okay?"

Hindi ko ramdam ang sakit ng pagkakatama ko sa bola kasi mas masakit isipin na di naaappreciate ni Nate ang mga ginagawa ko. Tumayo ako nang tuwid at pinigilan ko ang kamay ni Nate sa pagpapagpag ng damit ko.

"Ano bang problema mo Astrid ha? Pwedeng may mangyaring masama sayo after matamaan ng bola, don't you know that?"

"You see, Nate kung di mo pa napapansin hanggang ngayon, inuulit ko, gusto kita! Gustung-gusto kita! Wala akong pakialam kung matamaan man ako ng bola para sayo o kahit bala man yan sasaluhin ko kasi nga gusto kita!"

"Please, Astrid! Would you stop? Nahihibang ka na ba? Wala kang karapatan para saluhin yung tama ng bola para sa'kin!"

"Bakit? Kasi di mo ako girlfriend? Wala kang magagawa, Nate. I won't stop liking you! Never! I won't stop until I make you mine!"

"Just stop Astrid!"

"Why?!"

"Because I'm already yours! Not officially but since we were kids, I'm yours, you idiot!"

"Huh?!"

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon