Deathbed

16 0 0
                                    


Sam's POV


N

asa isang mamahaling restaurant kami ngayon ni Mama. I don't know, sabi nya may ime-meet daw kami e.

Ako naman, panay tingin sa cellphone ko, kasi dapat magde-date kami ni Rex kaso na-cancel kasi nga itong meet up na sinasabi ni Mama. Baka magtampo na naman yun si Rex, huhu.

4 months na kami ni Rex at siya ang first boyfriend ko kaya ayokong magka-away kami. Gusto ko rin na siya na yung mapangasawa ko syempre, mahal ko yun e.

Ilang texts na rin ang sinend ko sakanya pero di pa rin siya nagre-reply, hala, baka di na naman ako pansinin sa school nun, huhu.

Ilang sandali pa't may dumating na dalawang lalaki at isang babae sa table namin. Mukhang mag asawa yung dalawa tapos anak nila yung isang lalaki, parang ka-age ko lang.

Biglang tumayo si Mama kaya tumayo na rin ako para bumati.

"Good evening, Clyde and Lea. Ito na ba yung anak nyo? Ito na ba si Zion?" sabi ni Mama at nakipagbeso dun sa mag-asawa.

"Good evening din po, Tita Kyla," bati nung Zion.

"Mukhang ito na yung dalagita mo, Kyla ah?" sabi ni Tito Clyde.

"Ay kay gandang bata pa rin itong Sam. Naalala ko pa nung una kitang makita, baby ka palang nun pero ngayon dalagang dalaga ka na," ani Tita Lea.

Ngumiti lang ako sakanila at bumati. Sa wakas ay umupo na rin kami at nag-order na sila ng pagkain. Ako, tinitingnan ko pa rin ang phone ko baka sakaling mag reply si Rex, pero wala pa rin.

Nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni Mama dahil sa pagse-cellphone ko at binulungan ako na umayos. Maayos naman ako ah?

Tinago ko nalang ang phone ko at nakinig sa usapan nila. Napansin ko yung si Zion. Gwapo rin pala 'to kaso may Rex na ako kaya wala na akong paki dito.

"So kelan ang magiging kasal, kumare?"

"ANONG KASAL?!"

Sht mukhang napalakas ako sa pagsabi nun kaya napatingin sakin ang mga tao.

"S-sorry."

"Sorry, Clyde at Lea, di nya pa kasi alam. Nak, this is why we're here. Ipapakasal na namin kayo ni Zion sa isa't isa, right, Lea?"

"Yes, sweet heart. Napagkasunduan na namin 'to ng mommy mo, mula bata pa kayo."

"But mom, how about Rex? Siya yung mahal ko!"

"She has a boyfriend, Kyla?" tanong ni Tito Clyde.

"I can't stop her, Clyde. Pero still, I won't break our promise. Sam, magpapakasal ka kay Zion no matter what. A promise can't be broken, you know that, baby."

"That's absurd mom! I don't care about that f*cking promise!"

"Mind your words, Summer Evangelista!"

Nagulat na lang kami nang biglang tumayo si Zion at hinila ako patayo. Nag-excuse siya kila Mama at kinaladkad ako palabas.

"Hoy lalaki! Ano bang problema mo? Ba't mo ba ako hinihila hila, ha?!"

"Can you just please shut your mouth lady?!"

"F*ck you! Anong karapatan mo para pagsabihan ako nyan?"

"I'll be your husband next month so I have my right!"

"And you really agreed on that?!"

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon