Chapter 1

866 20 2
                                    


A GHOST?

Thaila's P.O.V

Dumating ako sa bahay at naabutan kong nasa sala sila Mama at Papa na may pinagkwekwentuhan Kaya agad akong lumapit sa kanila

"Oo at ang pogi pa daw nung naging jowa ni Stella!" Masiglang saad ni Mama kay Papa habang lumalapit ako sa kanila

"Eh maganda naman si Stella at hindi na yun maipagkakaila" dugtong ni Papa at ng makalapit ako sa kanila ay agad din naman nila akong napansin

"Anong pinag uusapan nyo Ma?" Agad kong tanong saka umupo sa sofa namin at binuhay ang TV

"Ahh yung pinsan mo kasi na si Stella dumating kanina galing Manila e halos tatlong taon na rin nung huling dumalaw yun sa lola mo at May kasamang poging lalaki na ipinakilala nya bilang boyfriend daw nya" masayang kwento ni Papa hayssss hanggang dito ba naman sa bahay jowa pa rin ang topic? Ang galing ah?

"O tapos?" Walang ganang sagot ko at nagpatuloy sa paglilipat lipat na channel "haysssttt! Bakit ba puro lovestory ang mga palabas!?" Nakakairita na ah?

"Wala lang bagay kasi silang dalawa hehehe.." kinikilig naman na saad ni Mama "teka nakita mo na ba si Stella? May ibibigay daw sya sa'yong pasalubong ah?" Dagdag pa nito

"Mamaya nalang siguro Ma." Tipid kong tugon at dahil wala akong mahanap na magandang palabas ay pinatay ko nalang ang TV

"Kamusta naman ang celebration nyong tatlo?" Tanong ni Mama kaya tiningnan ko ito na kasalukuyang nagsusuklay na ng buhok si Papa naman ay pumasok sa kwarto nila ni Mama

"Ayon naiwan yung dalawa sa tree house" sabi ko at naalala ko yung mga pinag usapan namin kanina

"Eh ikaw anak? Kelan ka magjojowa?" Nairita na ako sa tanong nya kaya napakunot na ang noo ko

"Ma naman!" angil ko at saka tumayo para pumunta sa kwarto lecheee naman oh! Bakit ba atat na atat sila? 16 palang naman ako ah? Mukha bang mamamatay na ako bukas kaya kailangan ko ng maranasan magjowa?

"Ito tinatanong lang naman eh! Wala ka bang nagugustuhan ha?! Wag kang magtotomboy ha? Kelangan namin ng apo ng papa mo! --" Sigaw pa nito sakin at ng makapasok ako sa kwarto ay nahiga na lamang ako it's already 5:13pm at inaantok ako kaya napag pasiyahan ko nalang na matulog.

------------

Nang mag mulat ang aking mga mata ay nahagip ko ang pares ng dalawang matang nakatitig sa akin ilang minuto muna ang lumipas bago ko napagtanto na ibang tao ang naririto sa kwarto ko kaya agad akong bumangon at sumigaw

Pati ang lalaking nasa harapan ko ay napasigaw na rin at napalayo sa akin. Tiningnan ko ang buong paligid at hindi ako pwedeng magkamali dahil ito ang kwarto ko. Pero sino ang lalaking ito?!

"T-teka s-sino kaaaa?!" Sigaw ko rito

"I-ikaw sino ka?! N-Nasaan ako?!" Inosenteng tanong nito sa akin

"Aba malay ko! Kwarto ko ito at paanong nakapasok ka rito?!" Sigaw ko pabalik

"A-Ang natatandaan ko lang may tumama sa ulo ko at nawalan ako ng malay kanina nagising nalang ang diwa ko ng sumigaw ka bigla" paliwanag naman nito

"P-Paan----" naputol ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok sila Mama at Papa na May dalang walis at itak

"Anak asan ang magnanakaw?!" Sigaw ni mama na animo'y May hinahanap bago ito tumingin sa akin

"Asan na?! Anong nangyari?!" Nag aalalang tanong naman ni Papa na nakatingin na rin sa akin

"Ma ayan o! Bakit May ibang taong nakapasok sa kwarto ko!?" Sabi ko habang nakaturo ako sa lalaking nasa kwarto ko. Huminga muna ng malalim si mama bago ito lumapit sakin at pinukpok ang ulo ko

"Pinaprank mo ba kaming bata ka ha?! Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa kakawattpad mo kaya pati imaginations mo nasisira e!" Iritadong sabi ni Mama sakin

"Hays ewan ko sayong bata ka! Akala ko kung ano na nangyari sayo! Aalis na nga ako at baka masunog yung niluluto ko!" Sabi naman ni papa at nauna nang lumabas ng kwarto

"Ma! Ayan nga kasi sya o!!!" Turo ko pa sa lalaking tamang nakamasid lamang samin

"Naku tigil tigilan mo ako Cynothaila! Wala ngang tao dito o!" Lumapit si Mama sa lalaki at ng hinampas nya ito ng walis ay lumagpas lamang ito na syang ikinagulat ko

"T-teka? Ma---"

"Tigilan mo ako Thaila! Isa pang pagsasalita mo hahambalusin na kita! Hindi magandang biro yan!" Sabi nito at agad lumabas ng kwarto

L-Lumagpas lang yung walis sa kanya? I-Ibig s-sabihin...

"M-Multo K-Ka?" Nanginginig na sabi ko rito na ikinagulat lamang nya...

"T-Tulungan mo ko....."


Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon