Chapter 9

414 17 1
                                    


GO WITH THE FLOW...

THAILA'S P.O.V

Kasalukuyan akong nasa terrace ng kwarto ko nakatingin lang sa mga bituin ng maramdaman kong May yumakap sa akin mula sa likuran ko

"Anong iniisip mo? Baby?" May kung anong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng bigkasin nya yon "May problema ka ba?" Dugtong pa nya at ramdam kong ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko

"W-Wala naman.. hinahanap kasi kita kanina bigla kang nawala" sabi ko rito at ramdam kong tumingin sya saken

"Hindi ko din alam kung san ako napunta basta pagtingin ko nalang sa paligid ko bahay nyo na" paliwanag nya ikinataka ko " hindi ko rin alam kung bakit hindi ako mapakali kanina kinakabahan ako na ewan" sabi nito at yumakap muli sakin ng mahigpit at isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko

"Natatakot ka ba?" Tinanong ko sya

"Sobra..."sabi pa nito "natatakot akong umalis sa tabi mo at maiwan ka.." dagdag nya na ikinalungkot ko "ayoko na hindi na kita makikita at mayayakap ng ganito kahigpit.." humarap ako sa kanya at niyakap sya pabalik

"Kahit anong mangyari susulitin natin ang bawat oras na magkasama tayo ok?" Sabi ko rito at humiwalay na sa pagkakayakap. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito

" We will..." Sabi nito at ngumiti sakin. Sabi ko may pasok pa bukas kaya natulog na ako

Natulog ako ng nasa tabi ko sya alam kong nakatitig lang sya sakin. Masaya ako na nakilala ko sya at naging kami.

Dumaan ang ilang buwan at wala pa rin pagbabago. Mas naging sweet kami sa isa't isa halos araw araw magkayakap kami pag naman May kasama ako tahimik lang syang nakayakap sakin. Sa simpleng I love you nya ay kinikilig ako. Napansin ko rin na May kakulitan si Zack katulad ngayong nandito kami sa tree house...

"Baby!" Biglaang sigaw na naman nya kanina pa nya ako tinatawag at kinukulit

"Ano na naman ba?" Naiirita kong tanong sa kanya. Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinagkainan ko. Nilingon ko sya at para syang batang nakasalampak sa sahig. Nakapout pa sya ang cute hehe..

"Kiss mo ko!" Sabi nya pa pero di ko na sya pinansin nagiging isip bata na naman sya "di mo na ko love baby??" Pagpapaawa pa nya

"Wag nga ako Zack napaka isip bata mo naman e!" Inis kong sabi sa kanya ang kulit kulit kasi e. Bigla syang natahimik pero hinayaan ko nalang hanggang sa hinarap nya ako sa kanya. Lumapit na pala sya sakin

"Ah isip bata pala ah?" Husky nyang saad kaya kinabahan ako

"A-Anong g-gagawin mo?!" Kabado kong tanong sa kanya. Hinapit nya ang bewang ko papalapit sa kanya at magkatitigan lang kaming dalawa ng mata sa mata at aaminin kong nalulunod na naman ako sa mga magagandang mata nya

"What do you think baby?" Husky pa rin nitong tanong at inilapit na ng unti unti ang kanyang mukha sakin. Kabadong kabado na ako at halos napapikit na lang ako dahil wala na akong maatrasan

Minsan ng naglapat ang mga labi namin at aaminin kong masaya sa pakiramdam...

"Ate?" Biglang rinig kong pagtawag sakin ni Elle. I'm save!

"Fuck! Wrong timing!" Bulong pa ni Zack kaya napamulat na ako ng mga mata. Nagkakamot nalang sya ng batok at nakita ko naman pumasok na ng pinto si Elle kasama si Yreal at mga jowa nila.

"Hi ate! Galing kami sa bahay nyo sabi ni tita andito ka raw kaya pumunta na kami. Lagi ka bang nakatambay rito?" Tanong ni Yreal

"Oo naboboring ako sa bahay e! Ayoko naman na istorbohin kayo dahil May mga JOWA na kayo!" Pagdidiin ko pa habang nakatingin kela Michael at Andrei natawa lang naman ang mga mokong

"Bakit kasi di ka magjowa Thaila?" Tanong ni Michael na kumuha ng apple sa mini table namin. Tiningnan ko si Zack at parang batang ansama kung makatingin kay Michael nakakatawa ang itsura nito

"Kaya nga? Andyan naman yung manliligaw mong si Marcus! Gwapo naman yon habulin nga ng mga babae eh mayaman at mabait hindi lang yon ang talino pa. Swerte ka na dun Thaila" Dagdag pa ni Andrei. Yare na ansama na lalo ng tingin ni Zack pft. Isip bata paren. Nakaisip ako ng isang biro

" oo nga no?" Pag sang ayon ko ala-alaan kay Andrei. Nakita ko naman sa peripheral view ko na tumingin sakin ng may gulat na reaksyon si Zack natatawa na ako pero pinipigil ko lamang. Lumapit ito sakin at tiningnan ko lamang ito

"Anong pinagsasasabi mo Jan babae ha?!" Bulyaw nito sakin pero di ko pinansin dahil baka mahalata ng mga kasama ko. "Subukan mo lang Cynothaila! Mumultuhin talaga kita!" Inis na sagot nito at tuluyan na akong natawa "anong nakakatawa ha?!" Tanong pa nito pero umiling lang ako

"Kaso alam mo Andrei May minamahal na ako at mahal na mahal ko yon! Di ko yon ipagpapalit kahit kanino!" Saad ko nalang kay Andrei. Napansin ko naman na napahinto si Zack sa ginagawa nya at parang umamong tigre HAHAHAHA

"Sino naman yon ate ha?!" Curious na tanong ni Elle pero di na ako sumagot sa kanya at nagkibit balikat na lamang ako

"We'll just go with the flow na ginawa ni tadhana..." Simple kong saad at bigla nalang akong niyakap ni Zack na hinayaan ko lang dahil May mga kaharap pa ako...

I just love this man too much and I am willing to fight for him...

Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon