Chapter 14

379 17 0
                                    

Dedicated to: ebettmarie

FADE AWAY...?

(A/N: please play the song "before it sinks in" by Moira Dela Torre while reading this part)

THAILA'S P.O.V.

"I love you t---" naputol ang sasabihin ko ng halikan nya akong muli at mas matagal sa ginawa nya kanina. Naramdaman ko ang lamig ng tubig na nanggaling sa mga mata nya.. naglalabas ito sa aming mga pisngi.

Nang alisin nya ang labi nya ay nakapikit pa rin sya at nag iiyak "B-Bakit ka umiiyak baby?" Tanong ko rito at nagmulat ng mga mata. Malungkot ang mata nyang nakatitig sakin

"Baby.. pag di ako nakabalik ipapangako kong hahanapin kita sa susunod kong buhay pangako baby.." saad nito na ikinaluha ko agad naman nya itong pinunasan ito "kahit anong mangyari huwag mong hahayaan ang sarili mong maging malungkot ok? Magmahal ka ulit..." Sabi nito kaya niyakap ko sya ng mahigpit

"B-Bakit mo ba sinasabi yan ha?!" Umiiyak na saad ko. Ayoko at natatakot akong malaman ang isasagot nya di ko matatanggap "wag ka ngang magbiro!" Saad ko pa

"Baby... I think---" natigilan sya ng bigla itong umilaw napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at nakita kong nakangiti sya habang tumutulo pa rin ang luha "I think it's time baby.." patuloy pa rin ang pagluha naming dalawa. Hindi hindi ko pa kaya! Di ako handa! Ayoko maiwan ngayon no!

"No! No! Baby please don't! Don't leave me please!" Pagmamakaawa ko sa kanya at nagpatuloy ang paghagulgol ko. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. Parehas kaming umiiyak

"Baby.. p-pinagtagpo lang tayo ng tadhana at ito ang pinaka komplikadong sitwasyon ng pag iibigan natin.. hindi tayo pwede baby... Hindi" saad nito habang umiiyak. Sumisikip ang dibdib ko sa sobrang emosyon na nilalabas ko

"Baby hindi ko kaya! Hindi ko pa kaya Zack! Please don't leave me.." saad ko sa kanya pero nakita kong bigla nalang nagsimulang naglalaho ang mga daliri nya.

"Hindi ko rin ito gusto baby... Pero ang tadhana na mismo ang naghihiwalay satin.." saad nito. Napaupo nalang ako at yumuko. Hindi ko kayang makita syang maglalaho kasama ng hangin... Ramdam kong umupo rin sya kapantay ko

"Baby don't cry... I don't want to see you crying it hurts me baby... It hurts" Saad nito kaya tinitigan ko ito ng akma nyang pupunasan ang mga luha ko ay naglalaho na ang kamay nya at sumama na sa hangin. "Always remember baby I will always love you... Kahit di na kita muling mahahawakan..." Saad nito at umiling lamang ako

Hinawakan ko ang mga pisngi nya at ako naman ang pumunas ng mga luha nya " I love you baby.. I love you so much! Kahit pinaglaruan tayo ng tadhana ngayon balang araw lalabanan natin sya ng magkasama ok?" Saad ko at ng hahalikan ko na sya ay mukha nalang ang natitira sa katawan nyang naglaho na

Ipinikit ko na ang mata ko at hinalikan sya pero di ko na maramdaman ang mga labi nya "I love too so much baby..." Rinig kong bulong nya. Ayokong imulat ang mga mata ko dahil ayokong tanggapin na wala na sya sa paningin ko...

Humagulgol na ako ng sobra at napatuon nalang ang mga kamay ko sa sahig... Sobrang sakit, sobrang sakit ng ipinadama sakin ng tadhana...

Ito na ba yung consequences? Sobrang sakit ng parusa ko na dadalhin ko habang buhay...

Bakit parang baliktad yung wish ko? Gusto ko sa tabi ko lang sya e! Gusto ko magkasama kami! Bakit ang damot mo naman ata tadhana?!

Nang magmulat ako ng mata wala akong Zack na nakita.. umiyak lang ako ng umiyak ng maalala ko ang unang pagkakataon na nakita ko sya pagmulat ng mga mata ko

Nang mag mulat ang aking mga mata ay nahagip ko ang pares ng dalawang matang nakatitig sa akin ilang minuto muna ang lumipas bago ko napagtanto na ibang tao ang naririto sa kwarto ko kaya agad akong bumangon at sumigaw

Pati ang lalaking nasa harapan ko ay napasigaw na rin at napalayo sa akin. Tiningnan ko ang buong paligid at hindi ako pwedeng magkamali dahil ito ang kwarto ko. Pero sino ang lalaking ito?!

"T-teka s-sino kaaaa?!" Sigaw ko rito

"I-ikaw sino ka?! N-Nasaan ako?!" Inosenteng tanong nito sa akin

"Aba malay ko! Kwarto ko ito at paanong nakapasok ka rito?!" Sigaw ko pabalik

"A-Ang natatandaan ko lang may tumama sa ulo ko at nawalan ako ng malay kanina nagising nalang ang diwa ko ng sumigaw ka bigla" paliwanag naman nito

"P-Paan----" naputol ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok sila Mama at Papa na May dalang walis at itak

Natawa nalang ako dahil kung gaano sya kabilis ibinigay sa akin ganon din sya kabilis mawala sakin.. He's fading away but not in my heart

"I will still love you Zack... My baby... Until we meet again..."

Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon