Chapter 12

377 14 0
                                    

PREPARATION?...

THAILA'S P.O.V.

"Hoy! Sorry na nga e! Hindi kita pinansin kasi pag pinansin kita baka mahalata ni Liam" pagpapaliwanag ko kay Zack na kanina pa ako di pinapansin. Nandito kami sa grandstand at magkatabi kami pero nakatalikod sya sakin at Naka cross arms

"Kahit na! Diba sabi ko paalisin mo yun?! Psh ang bantot ng pangalan Liam? Iwww!" Saad nito pero di pa rin ako hinaharap nito

"Sorry na nga e! Wag ka na magselos baby..." Saad ko saka ito niyakap kahit nakatalikod


"Hindi! Galit ako sayo! Hmp! Di tayo bati! Hindi ako marupok! Dun ka sa Liam mo! Umalis ka saken! Layuan mo ko!" Mahabang saad nito kaya hinigpitan ko pa ang yakap rito

"Baby..." I said in a soft tone

"Nyeta... Wala na nakuha mo na naman akong babae ka! Halika na nga rito! Pakiss bente!" Saad nito na ikinatawa ko. Humarap sya sakin at niyakap rin ako

"I love you.." bulong ko rito at hinalikan saka ko ito iniwang tulala... HAHAHAHA...

Pumasok na ako sa next class ko. Hapon ngayon at History class ang papasukan ko actually sobrang nakakaantok na subject ito.

"Okay class we have an activity for today and that is a debate. You should know how to fight with your own words." Saad ng teacher namin saka kami hinati sa dalawang grupo.. yung iba naman ay hindi sumali kaya nandun lang sila sa hulihan para maging audience kasama dun sila Elle at Yreal dahil mahiyain at mahina ang boses nila ako naman ay ayos lang ako

"since our lesson is about democracy we're going to have a debate para malaman natin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng democracy" Saad nya kaya nag angalan ang mga kaklase ko hindi pa kasi kami nakakapag ganito

"Okay quiet class I'm going to introduce to you the topic na pagtatalunan natin..." Saad nito kaya tumahimik na ang mga kaklase ko "May magagawa ka ba para hindi ka iwan ng mahal mo? Meron or Wala?" Nagtilian naman ang mga kaklase ko at halatang nagustuhan ang topic "first I need one representative for each group para malaman ang ipaglalaban nyo" pagkasaad nito ay pumunta na ang mga representatives at bumunot ng isang papel.

Sa amin napunta ang WALA at sa kabilang grupo ang MERON. At dahil kami ang WALA member nila ang unang nagsalita

"Para sa amin meron... Bakit? Dahil ang pag ibig ang nagcoconnect sa inyong dalawa. "saad ni Shiela samin. Sya ang member na nagsasalita para sa kabilang panig "ipakita mo sa kanya kung gaano mo sya kamahal" simpleng saad nito at wala manlang ka epek epek sa audience iww... Bida bida kase!

Pagkaupo nya ay ako agad ang tumayo at pumunta sa gitna "May magagawa ba ako para di ako iwan ng taong mahal ko? Para samin... Wala dahil siguro kung May gagawin tayo? yun ay ang wag syang pigilan lalo na kung kailangan nya" malungkot na saad ko napatingin ako sa May bintana at nakita ko si Zack na nakatitig sa mga mata ko.. "maghintay ka nalang ng tamang oras para bumalik sya. Dahil hindi lang ito about sa connection nyo sa isa't isa involved din dito ang tadhana..." Sabi ko at tumingin na sa mga kalaban namin " si tadhana na ipapakilala ka sa May komplikadong sitwasyon. Malupit ang tadhana at hindi ka nya basta basta papasayahin bagkus sasaktan ka nya ng sobra... Pero alam mo? After ka nyang saktan maniniwala at maniniwala ka pa rin sa pag ibig dahil mahal mo ang isang tao at sya ang nagbibigay ng kasiyahan at lakas sayo... Actually kung May magagawa pa tayo? Yun talaga ay ang maghintay dahil kung hindi man sya ang para sa atin maaring May mas better pa sa kanya..." Simpleng saad ko at sa tingin ko May point naman

Dumaloy pa ang debate at ako ay nanatili nalang sa isang tabi. Hinanap ko si Zack pero wala na ito.. natauhan muli lamang ako ng May marinig akong opinion galing kay Ken...

"Meron. Meron tayong magagawa at yun ay ang sulitin ang mga araw na kasama sya dahil maaaring pinagbibigyan lang tayo ng tadhana na matuto kung paano pahalagahan ang isang bagay..." Saad nito "kung alam mo ng aalis hahayaan mo nalang bang mawala sya ng wala kang ginagawa? Ng hindi mo manlang sya pinaglaban sa hatol ng tadhana? Tandaan mo na nasa kamay mo rin ang kapalaran mo hindi lang si bathala ang gumagawa non... Paano pala kung sa pag alis nya ay di mo na syang makitang muli? Hahayaan mo nalang bang sirain ka ng tadhana ng sinasabi mo?" Sa simpleng paliwanag nya ay May isa lang akong narealize...


Yun ay ang gawin ang lahat habang nasa tabi ko pa sya...

Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon