CRUSH?THAILA'S P.O.V
Pagpasok ko palang ng room ay inangawan na ako ng professor ko dahil kung kelan daw tapos na daw sya magturo sa klase namin ay saka palang daw ako dumating kaya ayon pinagtatawanan ako ng mga hangal kong kaklase
Eh ano naman pakialam nya kung late ako? Psh... Akala mo naman nagtuturo puro lang naman pasulat tss... Nakakabadtrip sya ah? Umupo nalang ako sa upuan ko dahil wala pa yung teacher namin sa Science
" Kamusta ate? Mukhang di ka nakatulog ng maayos ah? Kasing taba mo na rin yang eyebags mo oh!" Natatawang sabi sakin ni Elle na nasa kanan ko
" Oo wala akong tulog kaya manahimik ka! Inaantok ako!" Sabi ko at sumubsob na sa table ko
" Lagi ka namang tulog sa klase at wala ng bago don" saad naman ni Yreal na nasa kaliwa ko naman. Hindi ko na sya pinansin at natulog nalang masyado silang nag aaral ng mabuti ewan ko nga kung isa nalang ba akong bad influence sa kanila
Hindi ko alam kung may isang oras ba yung itinulog ko dahil nagising ako sa isang tapik ng nasa harapan ko
"LECHE! BAKIT MO BA AKO GINISING HA?!" Naiiritang sagot ko sa kaharap ko pero natahimik ako ng isang teacher pala yung gumising sakin!
"Hahahaha.. masyado ka atang napuyat kagabi Ms. Hizon?" Natatawang saad ni Ms. Silvia ang teacher namin sa Science "so class yung paggising ko sa kanya yun ang Stimulus and yung response is nung nagalit ni Ms. Hizon" nagpapaliwanag pala sya psh! Ako pa ginawang example ha?! "Ok Ms. Hizon thank you please be seated." Sabi nito at pumunta na sa harapan
Nakatingin sakin mga kaklase ko at nagtatawanan kaya napa irap nalang ako at nahagip naman ng mga mata ko yung dalawang katabi ko na nagpipigil ng tawa
"Wag na kayo magpigil baka batukan ko kayo Jan e!" Masungit na sabi ko at tuluyan na silang tumawa pareho hayst! Nakakainis!!!!
"Ayan tulog ka pa ate ha! Buti nalang mabait si Ms. Silvia dahil kung hindi? Nasa guidance office Kana sana" natatawa pang sagot ni Yreal
"As if naman matakot ako?! Ilang beses na nila akong pinapapunta sa guidance pero iniindian lang nila ako pag hindi may ginagawa sila May emergency naman psh!" Saad ko
"Haysss... Ate matalino ka naman pero di ka nga lang nag aaral ng mabuti ginagawa mong tulugan ang room natin" sabi ni Elle pero inirapan ko ito bago ko sya sinagot
"Diba sabi nga nila? Pangalawang tahanan natin itong paaralan?! At ang isang tahanan ay isang lugar kung saan pwede mong gawin ang lahat kaya pwede ditong matulog! Buti nga di ako humihingi ng pagkain sa mga pangalawang magulang natin e!" Pilosopong sagot ko sa kanya pero totoo naman e diba?
"Hayst! Ewan sayo ate! Napakapilosopo mo!" Medyo inis na sabi nito ilang minuto lang ay nagbell na rin naman dahil break time na.
"Haysss nakakapagod!" Sabi ko habang inuunat ko ang mga braso ko habang lumalabas kami ng room
"Anong nakakapagod sa pagtulog na ginawa mo ate? Hindi ka na nga nakaabot sa first subject tulog ka pa sa second subject!" saad ni Yreal
"Hahahaha... Bunso parang di ka naman nasanay kay ate!" Sabi lang ni Elle pero di ko na sila pinansin nauna na ako sa canteen para bumili ng pagkain gutom na gutom na ako
After namin bumili ay pumunta kami sa grandstand na lagi naming pinagtatambayan kitang kita kasi rito ang kabuuan ng oval field.
Habang nakatitig ako sa field ay naalala ko na naman yung multo asan kaya sya? Buti naman di nya ako ginugulo. Ano nga ulit pangalan nya? Ah oo Zack tama bagay sa kanya pangalan nya ang gwapo nya kasi hehe...
"Ate Ang weird mo bigla" nakakunot na noong sabi ni Yreal
"H-Huh?" Takang tanong ko rito
"Bigla bigla ka nalang kasing ngumingiti jan! May nagugustuhan ka na noh?! Sino yan ha? Share mo naman samiiiin!" Pangungulit nya. Pero sasabihin ko ba? Ay teka! Di ko naman pati yun gusto e! Swear! Wala akong nagugustuhan atsaka multo yon noh?!
"A-Ahhh---"
"O my ghaaaaaadddd?! May jowa ka na noh?! May jowa ka na?! Oh my ghad ateeeeeee I'm so happ----" binatukan ko kaagad si Elle dahil sa OA na pinagsasabi nya "Aray ko naman! Ate ang bad mo talaga sakin!"
"Eh loko ka e! Napaka OA mo! Wala akong jowa noh!" Angil ko dito
"So ano nga? Bakit nagkakaganyan ka ngayon?" Tanong ulit ni Yreal. Sasabihin ko ba? Maniniwala kaya sila? Haysst! Bahala na
"A-Ano... Naniniwala ba kayo sa multo?" Tanong ko sa kanila na ikinakunot ng noo nila at ilang sandali pa ay humagalpak na sila ng tawa. Sabi ko nga di sila maniniwala
"HAHAHAHA napaka old school naman nyan ate!" Tawang tawang sagot nya
"Hayss! Ewan na nga sa inyo! Wag na nga!" Iniwan ko silang nagtatawanan. Oo hobby ko na talaga ang mag walk out kapag naiinis..
Pero gusto ko na nga ba ang multong yon?....
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again...
Любовные романыDid you experience having a third eye? but did you also having a relationship with a ghost? Paano kung isang araw May makilala kang isang multo at magkaron ka ng nararamdaman sa kanya? Are you ready for its consequences?