Chapter 5

482 16 0
                                    


STARS

THAILA'S P.O.V

Pumasok na agad ako sa classroom namin dahil ilang minuto nalang naman ay time na eksakto naman ang dating nung dalawa na kasama ang mga jowa nila ng mag-ring na ang bell at dumating ang teacher namin...

Naupo lang sila sa tabi ko at tahimik na naglabas ng notes ako naman ay lumipat ng upuan malapit sa bintana para makapag isip. Bakit nga ba iniisip ko pa yon? e hindi naman ako ganun kadaling magkagusto noh? Sa fictional characters lang at syempre kay Daniel Padilla

Pero paano kung magkagusto nga ako?! Anong gagawin ko? Hindi kami pwede! "Tama self! Hindi pwed--"

"MS. CYNOTHAILA HAILEY HIZON!!!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng teacher namin kaya napatayo ako sa gulat.. lahat pala ng kaklase ko ay nakatingin na sa akin at iritang irita naman ang itsura ng teacher namin sa Math "you're spacing out! Are you even listening?! Kanina pa kita tinatawag how many times do I have to call your name huh?!" Tanong pa nito sa akin

"S-Sorry Mr. Roldan!" Nakayukong sabi ko rito kahit kailan napakasungit ng matandang ito porke di sya pinapansin ni Ms. Silvia hayst! Bakit di nya gayahin si Ms. Silvia? Ang bait bait kahit anong gawin mo kaya nga sya nirerespeto ng nakakarami e kahit matanda na maganda pa din. Ewan ko lang kung bakit walang jowa yon!

"Sorry sorry! Naintindihan mo ba yung mga dinisscuss ko kanina ha?! Sagutan mo ngayon itong example bilis or else ipapa- principal office kita!" Wow ang hard hindi na guidance principal na level up ha? Chour! Hehehe.. Alam Kong marami nang pinatalsik itong studyante dahil May isang salita sya kaya nga kinakatakutan sya e

Agad akong pumunta sa board nanginginig pa ako dahil hindi ko alam kung kaya ko ba talagang sagutan ito... Binasa ko muna yung problem at takte wala akong maintindihan

"Ano Ms. Hizon? Dadalhin na ba kita sa Principal's Office? Bilisan mo magsagot!" Sabi nito ghad! Bakit ba ako natatakot sa teacher na ito?!
Pumikit muna ako at nakahanda ng magsulat nang May naramdaman akong nakakapit sa kamay ko pagmulat ko ay ang kamay pala ni Zack pero T-Teka? Anong gagawin nya?

"Akong bahala basta gaanan mo lang yang kamay mo para maisulat ko ng maayos ok?" Pabulong na saad nya nasa likuran ko sya at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin nya yon.

Dahan dahan na nyang isinulat ang sagot gamit ang kamay ko na
may hawak na chalk. Ewan ko pero bakit para ramdam kong May hininga sya? O baka hallucinations lang ito. Hayst! Ano ba self?! Wala ka sa Wattpad manahimik ka!

"Okey! Very good! Take your seat!" natauhan ako ng sinabi iyon ng teacher namin kaya napatingin ako dito at nakangiti na ito tiningnan ko naman si Zack pero wala na sya haysss... Buti nalang andyan sya

Bumalik na ako sa inuupuan ko at muntik na akong mapatalon ng biglang may magsalita sa tabi ko

"Ayan kasi! Sa susunod wag ka na mag ooverthink masyado ha? Makinig ka sa teacher mo!" Sabi nito pero inirapan ko lamang ito dahil kung sasagot pa ako ay makikinig naman ng iba at baka tanungin pa kung sino yung kinakausap ko...

Natapos ang buong klase nang mag uwian ng hapon ay hindi na muna ako sumabay dun sa dalawa dahil kasama daw nila mga jowa nila at May date sila pinapasama pa nila ako pero di na ako sumama mabibitter lang ako dun noh!

Pagkatapos kong kumain ng hapunan nag stay na muna ako sa kwarto at nagbasa ng libro. At as usual nagulat na naman ako ng biglang sumulpot si Zack sa harapan ko

"Hi goodevening..." Nakangiting bati nito sa akin

"Pwede bang wag kang sulpot ng sulpot ng biglaan nagugulat ako sayo e!" Sigaw ko rito

"Opx. Sorry hehe... Ano ginagawa mo? Nag aaral ka?" Tiningnan nya ang librong hawak ko at napansin nyang Wattpad book ang hawak ko "ok binabawi ko na sinabi ko di ka nga pala nag aaral ng maayos!" Sarcastic na sabi nya pero naalala ko yung nangyaring pagligtas nya sakin kaya tumingin ako sa kanya na tahimik lang na nakaupo sa May paanan ko

"Yung kanina nga pala salamat ha?" Nakangiting sabi ko dito at tumingin din naman sya sakin saka ngumiti "pero paano mo nalaman ang sagot doon?" Takang tanong ko

"Lagi lang akong nasa paligid mo at diba sabi ko tutulungan kita sa bawat problema mo? Habang di ka nakikinig kanina dahil sa lalim ng iniisip mo inaral ko yung problem na dini-discuss ng teacher mo." Paliwanag nya sakin

"Ayos pala noh? Hehe.. ed---"

"No! Tinulungan lang kita kanina at di na yun mauulit."

"P-Pero paano mo ko tutulungan nyan?" angal ko

"Tutulungan kitang mag aral ng mabuti!" Sabi nya habang nakangiti at natulala na ako dito bakit ba ang gwapong multo nito?! Haysssttt!

Pumunta muna ako sa May terrace ng kwarto ko at tumingin sa langit. Ang daming stars ang ganda tuloy nung langit.

"Naniniwala ka ba na kapag namatay ang isang tao nagiging stars sila?" Tanong nya sakin

"Oo naman nung namatay ang lolo ko sabi nila mama stars na daw sya kaya kinakausap ko sya noon tuwing gabi..." Masiglang sabi ko dito at ilang sandali syang natamihik kaya tiningnan ko ito... May luha na sya sa kanyang mga mata

"Isa na kaya ako sa mga stars dyan?" Malungkot na tanong nya habang nakatingin sa langit

"Hindi pa siguro..." Wala sa sarili kong sagot dito at napatingin ito sa akin

"Sana nga..."

Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon