Chapter 16

380 13 0
                                    

I'M HOPING...

THAILA'S P.O.V.

After ng class namin ay nauna na ako at iniwan sila Elle kanina pa nila ako tinatanong but I refused to answer. Iniwasan ko sila

Wala ako sa sariling naglalakad hanggang sa napahinto ako dahil may babaeng kasing tanda lang naman ni Mama na nakaharang sa dadaanan ko. Nakaupo sya at nagsisindi ng kandila. Pagkasindi nya ay tumayo na sya at nakita ako sa tabi nya

"Yes Miss?" Tanong nito pero napatingin lang ako sa kandila "ahh.. para sa anak ko yan" saad nya at tiningnan ko na ito nakatingin na rin pala sya sa kandila. Nakangiti sya ng mapait habang nakatingin rito

"B-Bakit po kandila?" Wala sa sariling tanong ko

"6 months ago naaksidente sya sa lugar na 'to and until now he's unconscious though he's giving a sign di pa rin sya nagigising. Last month akala ko gigising na sya pero mukhang lumalala lang..." Kwento nya at nakita kong pumatak na ang luha nya

"Hmm... S-Sorry po I didn't me--"

"No ija! It's ok no need to say sorry I just want to share it with you..." Nakangiti lang sya sakin at ngumiti lang din ako pabalik

Bigla ko nalang syang nayakap at wala sa sariling nagsalita "magigising rin po sya..." Saad ko at iniwan na sya.

Pagkauwi ko sa bahay ay as usual deretso na ako sa kwarto ko at nahiga agad.. nakatitig lang ako sa kisame at hindi ko alam kung anong nangyayari sakin..

Natauhan lang ako ng May kumatok sa kwarto at pumasok si Mama.. "anak May iuutos sana ako sayo pwede ka ba?" Tanong nya kaya umupo muna ako

"Ano yon Ma?" Balik na tanong ko

"Punta ka muna sa ospital ihatid mo yung pagkain ng papa mo at ibigay mo rin sa kanya itong mga papel na ito. Kailangan na raw nya ito e" saad nya at inabot sakin ang mga papel. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango

"Sige Ma bibihis lang po ako" saad ko at ipinatong sa kama yung mga papel

"Sige ihahanda ko na yung pagkain ng papa mo" saad nya at bumaba na. Nagbihis lang ako ng madalian at kinuha na yung papel para bumaba.

Pagkababa ko ay nakahanda na yung dadalhin ko kaya nagpaalam na ako at umalis na habang naglalakad ay napansin kong nasa park na pala ako at nakita ko na naman yung matanda.

Nilapitan ko sya at nakangiti sya sakin. Kaya ngumiti nalang din ako pabalik "Malapit na apo.." saad nya at ngumiti sakin. Ewan ko pero napaka creepy ng ngiti nya

Imbis na kausapin pa sya ay umalis na ako. Alin ang malapit na? Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay nakarating na ako sa ospital

Pumunta ako sa office ni Papa at wala sya naabutan ko lang ay ang isang nurse " ah Miss Thaila nasa room 025 po si Doc inaasikaso po yung patient nya.." saad nito sakin ngumiti lang ako at nagpasalamat saka lumabas ng office

Nasa third floor yung room 025 ground floor naman ang office ni papa kaya nag elevator nalang ako
May part sakin na biglang kinabahan maybe takot pa rin ako dahil ako ang nagbantay kay Mama noon dito at ayoko ng amoy ng ospital

Pagkapasok ko sa elevator ay pinindot ko na ang pang sarado ng pinto pero May humabol na kamay kaya binuksan ko ulit. Nakita ko yung babae kanina. Nagulat pa sya pero ngumiti nalang din ito at ako rin.

"San ang punta mo ija?" Tanong nya sakin

"Sa papa ko po" saad ko

"Naka-confine?" Tanong naman nya saka ko pinindot ang no. 3

"Ahh hindi po doctor po sya, anong floor po ba kayo" saad ko

"Ahh ganon ba? Third floor.." saad nito kaya di na ako pumindot dahil parehas kami

"Same lang po pala tayo. Anong room po ba kayo?" nakangiting saad ko

"Room 025..." Saad nya at napatigil ako.

"Si Doc Hizon po ba yung doctor ng anak nyo?" Tanong ko rito at napatigil sya

"Oo at sya ang papa mo?" Tanong nya kaya ngumiti lang ako at tumango

"Ihahatid ko lang po sa kanya ito pero sabi po nung nurse nasa room 025 sya... Ibibigay ko po itong mga papel at pagkain nya" saad ko

"Ahh what a coincidence.." nakangiting saad nya at aksidente akong napatingin sa papel

"Nathan Zachary Gordon?" Bulong ko pero mukhang narinig ng katabi ko

"Sa anak ko pala yan?" Tanong nya at nagkibit balikat ako "hahaha... Sorry pangalan kasi ng anak ko yan sya si Nathan..."nakangiting saad nya

Magtatanong pa sana ako pero bumukas na yung pinto at nauna na syang lumabas. Napatitig nalang ako sa pangalan sa papel

"Nathan Zachary Gordon?" Pagkasabi ko nito ay kinabahan ako. Nanginginig ang mga Paa kong humakbang palabas ng elevator at pumunta sa tapat ng pinto...

Room 025... Zack umaasa ako...

Sinimulan kong dahan dahanin ang pagpasok at bumungad sakin ang...


Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon